Chapter 9

63 0 0
                                    

*9*

Sa lahat ng possible reactions na na-calculate ko sa utak ko, ni isa walang tumama. Siguro nasosobrahan na nga ata talaga ako sa panunuod ng series sa Netflix dahil kung anu anong scenario na ang nafo-formulate ko.

Ready na akong masabunutan at marinig ang malakas na sampal na tatama sa pisngi ni Fourth pero walang dumating. I really thought she's the type of girl who would make a scene but she's not.

I think Fourth is lucky to have this girl.

Yun nga lang, I screwed it.

Tumingin sa akin yung 'Tin' at kay Fourth na parang confused, disappointed and... hurt. Pero dahil nasa likod siya ni Dave, hindi 'yon nakita ng pinsan niya.

Para siyang celebrity na sinabihan ng director ng 'lights camera action' dahil in just a snap, her glare suddenly turned into a million-dollar smile. She even extended her right hand in front of us.

"Hi! Im Tin," She said enthusiastically.

Inabot ko naman yung kamay niya at nag aalangan pa akong magsalita.

"G-Gyle," Tipid akong ngumiti sa kanya at ganoon rin siya. But after a sec, sumimangot siya sa akin.

I get it, she has all the right to be mad at me.

Inextend niya rin yung kamay niya kay Fourth and pretended again to smile. Yung mata niya eh halata mong inis at galit kay Fourth but she still managed to smile.

"F-Fourth.."

'Yon na lang ang nasabi ni Fourth. Yung mukha niya pa eh gulat na gulat pa rin siya na nasa harap namin si ateng tiga educ.

"Is Fourth really your name? I thought it's.. Andrei?" Sabi ni Tin na may pag diin sa bawat salita.

"You know him?" Tanong ni Dave kay Tin.

"Yeah of course! We know each other. Right, Fourth?" Sabi ni Tin na may pag diin uli sa 'Fourth'.

"Uhh yeah.." Fourth answered.

Kung hindi lang dense ang pinsan niya, mahahalata mong irritated na si Tin kay Fourth. Pero dahil di rin naman nakikita ni Dave yung expression ng mukha ng pinsan niya, he didn't do anything.

Nakatingin lang ako kay Tin while thinking how hard it must've been for her to control her emotions. I mean, I wasn't also expecting she'd play along but she did. Medyo thankful na rin ako na hindi siya nagsalita.

I owe this girl bucks.

"What's your full name again?" Tanong ni Tin sa akin habang nakataas yung kilay. Kinabahan naman ako kaya napatingin ako bigla kay Fourth.

"Tin, not here.." Hinila ni Dave yung kamay niya. "Sorry for disturbing your date. Nice seeing you again, Gyle! Gotta go!" Tinaas ni Dave yung kamay niya samin at saka hinatak palayo yung pinsan niya.

Phew. Kinabahan ako bigla. Bakit niya tinatanong full name ko? Parang masama ata pakiramdam ko rito.

Pagkaalis nung dalawa, sabay kaming tumayo ni Fourth bitbit yung ice cream namin at saka naglakad nang mabilis. Mukhang pareho kami ng nasa isip.

Gusto na naming umuwi.

Baka mamaya makasalubong na naman namin yung dalawa edi gg na talaga.

Pagdating namin sa parking, sumakay agad kami ng sasakyan at pareho kaming naghahabol ng hininga. Hanep, para kaming sumali sa walkathon sa sobrang bilis naming maglakad.

Nagkatinginan kami saglit tapos sabay naming kinuha ang phones namin. Siya, mukhang itetext si ateng tiga educ at ako naman eh si Ales.

Kaso naisip ko, pag sinabi ko kay Ales, malamang aasarin lang ako noon. Pero ahh, bahala na! Hindi ko 'to kayang sarilihin! Saka ko na iisipin pang aasar niya sa akin!

UntitledWhere stories live. Discover now