Chapter 6

73 0 0
                                    




*6*

Hindi ko alam kung paano narinig ni Lord ang mga prayers namin pero hindi pumasok yung prof namin for Thesis 2 that day dahil nagkaroon ng emergency faculty meeting lahat ng professors. Maaga tuloy kaming nakauwi dahil doon.

"Gabby, guess what! May nasagap akong chismis!" Sabi ni Ales habang nag s-scroll sa phone niya at sumusubo ng fries.

Dumaan muna kasi kami ng McDo bago kami umuwi dahil pareho kaming na stress sa kaba ng Thesis 2 kanina.

"Ano na naman 'yan? Kung tungkol na naman yan doon sa crush mo, 'di ako interesado,"

"Hindi girl, iba!" Sabi niya at sabay tapat ng screen ng phone niya sa mukha ko, "Nakita ng pinsan ko si Santos nung Friday, may bagong chicks na naman!"

Inagaw ko for a while yung phone niya at binalik ko rin sa kanya eventually.

"I know, late ka naman sa balita."

Yung picture kasi, parang kuha sa hallway sa tapat ng Educ Building sa loob ng campus. Kasama ni Fourth na naglalakad yung same na ateng tiga Educ na nakita kong kaakbay niya sa condo nung Friday bago ako umuwi. Mukhang sa campus pa lang pala, magkasama na sila.

Umirap naman siya sakin ng pa joke, "And you're okay with that? I mean sabagay, sanay na rin ako kay Santos pero kasi teh, ito yung chika...ka block ng pinsan ko yung girl!"

Pagkasabing pagkasabi ni Ales noon, inagaw ko ulit yung phone sa kanya. Ise-search ko pa lang sana sa Facebook para i-stalk pero naka open na yung profile nung girl sa phone niya.

Basta talaga chismis, ang bilis ng babaeng 'to!

"Yup, alam ko na gagawin mo kaya inunahan na kita," Tinanggal niya yung bag na nakalagay sa tabi ng upuan ko at nilapag niya sa table. Doon siya umupo. "See? Dami naming mutuals! Pati nga si Zak mutual namin eh. For sure, siya na naman wingman nito!"

Brinowse ko yung profile pictures nung babae at ang daming likes.

"Infairness naman, pretty naman talaga siya. Pasado sa standards ni Santos," I told her. "But anyway, 'wag na nating pakialaman ang love life ni Fourth, for sure wala pang 1 month iba na naman kasama niya."

"Gaga! Anong 1 month!" Binatukan niya ako, "Eto pa isang chika, nung last week of November pa raw silang nakikita ng mga ka block ng pinsan ko na nag me-meet after class! It means, lumagpas si ate girl sa 1 month rule ni Santos! Oh, 'di ba. Iba ata talaga nagagawa ng graduation, biglang nagiging mature mga tao!"

Last week of November? So it means, almost 2 months na niyang dini date yung girl!?

So... hindi pala bago yung girl? Akala ko ba wala siyang nilalandi at walang nanlalandi sa kanya lately?

All this time 'di pala siya nagsasabi ng totoo! Ugh liar.

Pagdating ko ng unit namin, nagbihis lang ako saglit at humiga sa kama ko. Plano ko kasing mag aral sa coffee shop sa baba kasi for sure mag aaral rin agad si Bea pagdating nun. Mostly kasi ng classes niya natatapos hanggang 8pm at minsan may dala pa siyang mga kablock niya sa unit namin eh ayaw ko na ng may istorbo.

Ang hirap kasi mag focus pag ganoon.

Minsan din iniinvite ako ni Belle na mag aral together pero madalas 'di effective samin kasi nagdadaldalan kami kaya hindi ko na siya minessage.

Nanuod lang ako ng isang episode ng Lucifer sa Netflix bago ko naisipang ayusin lahat ng gamit na dadalhin ko sa coffee shop. Minsan pa, ang ginagawa namin ni Bea, nag iiwan na kami ng libro sa coffee shop bago kami umakyat ng unit para mag save ng upuan. Ang dami rin kasing nag rereview sa baba kaya ayun.

UntitledWhere stories live. Discover now