Chapter 10

75 0 0
                                    

*10*

Kakauwi ko lang ngayon galing class at napag usapan namin ni Fourth kanina na magkikita kami sa pizza parlor sa kabilang street. Pasimple nga lang kaming nag usap sa classroom dahil baka mamaya may makarinig saming ka block namin baka kung ano pa ang isipin.

Siyempre, ayoko rin naman ma-brand as someone who accepted a lame offer just because of a limited edition game console. Of course I'm not that shallow.

Well, shallow naman talaga ako. Kailangan lang nating magpretend na hindi para 'di halatang pulubi tayo.

"Ano, doon na lang ba tayo magdidinner?" I asked him when we met.

7pm na din pala kaya marami rami ring studyante ang nasa labas dahil dismissal na.

Di rin naman halata sa part namin na nakauwi na kami ng kani-kaniyang unit dahil pareho kaming 'di nagbihis ng uniform. Literal na iniwan lang namin bags namin sa unit at binitbit lang namin ang laptop namin.

"Oo. Unless you like to eat rice?"

"'Wag na. I'm on a diet si-- shit Fourth! Ano ba!" Bigla niya kasing hinawakan magkabilang balikat ko at tinabi ako sa kalsada.

"Palit nga tayo. Masasagasaan ka sa ginagawa mo eh," He said casually. "Tapos ka na sa Chapter 2?"

"'Di pa. Chapter 1 pa nga lang ako eh. You know, literal na Netflix and chill ang mantra natin sa buhay bro," nag y sign pa ako habang shinishake shake yung kamay ko kaya napa iling naman siya.

3 chapters kasi agad yung gustong ipasubmit sa amin nung prof namin sa Thesis 2 kaya sobrang hassle.

"Sabi ko na nga ba eh. Siguro kung first year pa lang nagseryoso na ako baka maging cum laude ako. Buti na lang hindi.."

Pero ang totoo talaga niyan , kaya 'di ako nakapagsulat kagabi kasi di ako mapakali sa kakaisip kung anong nangyari sa kanila nung Tin.

Speaking of,

"Kapal. Oh ano na pala, kumusta kayo ni Educ girl? Oks na ba?"

"Hindi." Nilagay niya lang yung dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya. "Pinuntahan niya ako sa lobby kagabi, nagulat nga ako eh. Yayayain niya pala sana akong mag usap pero yun yung time na papunta ako sa floor niyo."

What?

"Shit? Don't tell me.."

"Yeah. I told her where I was heading to.." He said while nodding. "and I only realized that I said the wrong thing when she.. stormed off."

Sinipa ko nang mahina yung hita niya.

"What the hell? My God, Fourth! Alam mo, 'di ko na talaga magets bakit kasing bagal mo mag isip ang pagong minsan sa totoo lang.."

"What? Says the girl who's still in Chapter 1.." Inagaw niya yung laptop bag ko, "Akin na nga 'to! Baka sabihin pa ng mga tao pinapahirapan kita." Nag wink pa siya sa akin bago niya binuksan yung glass door ng pizza parlor.

Nandito na pala kami.

Nakaupo na kami habang hinihintay yung order naming pizza pero hindi pa rin ako mapakali sa sinabi niya.

Di ko rin namalayan na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya kung hindi pa siya nagsalita at winave wave yung kamay niya sa harap ko.

"Ano Gabriel, na realize mo na bang gwapo ako? Inlove ka na?"

"Tanga." I opened my laptop, "Iniisip ko kung bakit may kasing bobo mo sa mundo."

Ganito kasi ang nangyari kahapon. After naming mag part ways nung hapon, tumawag siya sa akin nung bandang 8pm saying na kukunin niya na raw yung uniform niya sakin dahil wala na siyang susuotin for tomorrow.. which is today. Kaya yung suot suot niyang uniform ngayon eh yung uniform na pinahiram niya sa akin sa Acoustica last week.

UntitledWhere stories live. Discover now