Chapter 13

45 0 0
                                    

Ang bilis ng araw after that week. Fourth and I only had 1 study session na hindi na nasundan dahil busy kami sa kaniya kaniya naming papers. Pwede naman kasi siyang gawin mag isa kaya kahit sobrang kinukulit niya ako nang kinukulit, I didn't give in. Akala ko nga 'di susuko eh.

Hello, sino naman kasing 'di mabwubwisit sa pinag gagagawa niya! Like okay I get it, he was born to piss me off and vice versa pero okay ba yung gusto niya kaming magkita para lang magpaturo mag insert ng shapes and chart sa MS Word?

Magegets ko pa sana kung hindi 'yun yung reason niya pero the heck? Ultimo pag indent ng page gusto niyang ipaturo!

Sinong hindi mabubwisit doon?

Zak also mentioned in our chat group that he'd move our Tagaytay trip on the last weekend of the month instead dahil dumating daw yung relatives niya from Canada. So we're left with no choice but to celebrate his birthday in the bar, as usual.

Umoo na lang din naman kaming lahat kasi sabi niya sagot niya pa rin daw. Ayy hindi pala. He meant, sagot pa rin ng 'parents' niya.

Its still his parents' money.

Napag usapan naming 7:30 kami aalis ng condo dahil gustong magdinner ni Belle bago kami pumunta sa bar. Ayaw niya raw kasing uminom nang walang laman yung tiyan because the last time it happened, naging alagain namin siya ni Fourth. Ayaw niya ring isama si Jethro kasi sabi niya hindi raw siya mag eenjoy pag kasama 'yon.

"At least nga may mag aalaga sa'yo eh. Nakakapagod ka pa namang alagaan pag lasing," Said Fourth while driving.

"Sus! Gusto mo lang masolo si Gabby sa sasakyan eh!" Belle teasingly looked at me using the rearview mirror, "Oo na, ako na naman 3rd wheel sa inyo. I'm used to it."

"Eww! Kadiri Belle ha!" I just rolled my eyes on her but she just laughed.

"Kung maglalasing ka, mag book ka na lang ng Grab mamaya. Baka sukahan mo pa sasakyan ko kakapa-carwash ko lang,"

On the way na kami ngayon sa bar at gaya ng napag usapan, si Fourth ang nagdala ng sasakyan at libre niya ang gas. Kami lang ni Belle ang sumabay dahil yung iba, may dala dalang rin namang sasakyan. As usual, I sat in front dahil ayaw sumakay ni Belle doon. Tinulak tulak niya pa ako kaya wala akong choice.

I just wore a fitted black dress na above the knee and a denim jacket with a black sling bag. Nag white sneakers lang rin ako dahil mukhang malalasing na naman si Belle ngayong gabi at magiging alagain na naman siya pauwi.

According to Zak, close friends lang daw ang ininvite niya and some of his relatives na ka age namin that's why we're expecting na kaunti lang ang pupunta this time. Last year kasi halos napuno niya yung bar dahil sa dami ng ininvite niya. Akala mo tatakbo ng student council sa sobrang friendly eh.

"Saan niyo gustong kumain?" Fourth suddenly asked.

"Alam ko may malapit na Burger King doon," Sabi ko habang nakayuko pa rin at nangingialam ulit ng Spotify niya.

"Okay. Wendy's tayo,"

"What? Bingi ka ba? Sabi ko may Burger King nga na malapit doon,"

"Kaya nga. Kaya nga sabi ko rin, Wendy's. Ikaw 'tong bingi."

"Ay, ako pa talaga bingi! Ang linaw linaw ng sinabi ko na Burger Kin—"

"Ahh ano ba, guys! Talo niyo pa kami ni Jethro kung mag away! KFC na lang para tapos!"  Belle cut us off.

Dahil naka red yung stoplight, tumingin siya sa akin at tiningnan ko din siya pabalik. Nagpatayan na kami sa kani-kaniya naming mga utak bago siya nag drive ulit at ako naman eh tumingin na lang sa bintana habang nakahalukipkip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UntitledWhere stories live. Discover now