Chapter 5

84 0 0
                                    

*5*

Pagdating ko ng Manam, all of my family members including Ate Dana's boyfriend were there already. Mukhang naka order na rin sila dahil may fried rice ng nakalapag sa table at sumisipsip na ng mango juice si Josh sa gilid.

I walked towards my Mom first and kissed her on the cheek, "Oh, what took you so long, anak?" My mom asked me.

"Traffic po, eh."

Lumapit naman ako sa Dad ko and same thing with what I did with our Mom, I kissed him on the cheek also.

"Hi, Dad." Tumango tango lang naman si Daddy sa akin.

Tumingin naman ako sa direction ni Ryle, boyfriend ni Ate Danna at nag hi sa kanya.

"Sup, bro!"

Pero ang kuya mo, tinawanan lang ako as usual. Di kasi madaldal jowa ng ate ko kaya parati kong pinagti-tripan. Akala nga ata neto clown ako minsan, eh. Paano tawa lang nang tawa pag nagsasalita ako kahit wala namang nakakatawa!

Baliw.

"Ate! May pasalubong ka?" Tanong sakin ni Josh habang busy maglaro ng kung anong arcade sa phone niya.

"Kiss, gusto mo?" Nag eww naman siya at saka lumayo nang kaunti sa'kin kaya natawa ako.

Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa gitna ni Ate Danna at ni Josh.

"Ano inorder niyo?" Tanong ko kay Ate Danna.

"The usual. 'Wag ka na magdagdag ng order. Hindi pa payday," Iniripan ko na lang siya.

Alam niya kasing mag oorder na naman ako ng dessert kaya pinigilan niya naman ako.

"How's school, anak?" Tanong naman ni Mommy sa akin. Siyempre dahil mabait akong anak, siyempre sinabi ko na,

"It's fine, Mommy."

"By the way, nakasalubong ko yung class adviser mo nung 3rd year highschool and they're inviting your batch to attend St. James' Foundation Day this February." Sabi niya.

Nagulat naman si Ate, "What?" Tinuro niya ako, "Mommy, sure ka bang batch ni Reg 'yon at hindi sa amin? Eh 'di pa nga nakaka graduate 'yang mga 'yan, mag re-reunion na agad?"

Actually, Ate Danna has a point. Eh yung batch nga nila 'di pa nakakapag reunion tapos kami, meron kaagad?

"That's what Mrs. Cruz told me," Sabi ni Mommy. "If what I heard was right, major sponsor ata yung parents ng batch president nila for the Foundation Day that's why they invited them."

"Tell me you're kidding Mom? 'Di nga?"

'Di naman ako sinagot ni Mommy dahil dumating na yung order namin. Si Ate naman 'di mapakali dito sa tabi ko at kinuha agad yung phone niya. Mukhang cinocontact niya na yung highschool barkada niya para ibalita ang chismis na nasagap niya.

"Ano ba, Ate. Kung gusto mo ring mag reunion, edi mag sponsor ka rin ng Foundation Day. Dali dali lang eh." Sabi ko na lang.

Yung jowa niya naman, ayun. Tawa na naman nang tawa sa akin.

May nakakatawa ba, kuya? Tusukin ko ng tinidor ilong mo eh.

"I have to confirm this with my friends! 'Di pwede 'to!" Nagdial naman siya doon sa phone niya at may tinawagan na kung sinu sino kaya nasita pa siya nina Mommy. Eh paano kasi nasa kainan daw phone nang phone.

Totoo kayang invited kami sa Foundation Day? Wala pa naman akong naririnig na balita galing sa highschool batchmates namin. Gusto ko sanang i-chat yung closest friend ko nung highschool na si Hannah kaso naalala kong nasa States na pala siya. Yung iba ko kasing ka close nung highschool, hindi ko na madalas makausap.

UntitledWhere stories live. Discover now