Chapter 12

52 0 0
                                    

*12*

Friday ngayon at nagklase naman kami. Its just a normal day kung tutuusin dahil wala naman kaming ibang ginawa kundi ang makinig sa prof namin at magsulat.

Wala eh, kailangan na magseryoso. Baka kung kelan patapos na, saka naman sumabit.

Nung bandang hapon, naglipatan na kami ng upuan dahil Marriage and Family na yung subject. Im not even sure why we're taking this subject in the first place.

Hello, we're only in our twenties, approximately one-fourth of the average life span of a human being! Kung dumating man ang time na ikakasal nga kami, baka di na rin namin maalala yung tinuturo samin ng prof namin ngayon.

Imagine, if Im gonna get married after 10 years, sa tingin niyo ba, bubuklatin ko pa notes ko dito?

Not in a million chance.

Dahil mukhang late na naman ang prof namin, umupo si Gian sa bakanteng upuan sa tabi ko habang suot ang airpods niya. Lumabas din kasi si Fourth pagkalabas nung prof namin kaya wala siya.

"Gabby! Forgot to tell you, narinig mo na ba yung bagong release na album ng Green Day?"

"Weh? May bago silang album? 'Di pa.." Sabi ko.

Sabi nga sa psychology, a person can easily get attracted to someone who has the same interests as him/her. In my case, mukhang totoo naman siya. Mahilig rin kasi sa Alternative Rock bands si Gian kaya pagdating sa music, nagkakasundo talaga kami kaagad.

"Promise, ang ganda! Wait, pakinggan mo 'tong first track sa album nila.." Excited niyang sabi habang tinatanggal yung isang piraso ng airpods niya sa kaliwang tenga niya.

"Okay lang Gian. Pakikinggan ko na lang sa bahay mam--"

"Wait, here.."

'Di niya ako pinatapos at tinilt niya nang kaunti yung ulo ko para ilagay sa kaliwang tenga ko yung airpods niya. Halos maduling na ako dahil ang lapit na ng mukha niya sakin. Naamoy ko na rin yung mint candy na kinakain niya.

Shit.

Wait lang, Gabriel. Kalma. 'Wag kang kiligin sa harap niya.

"Bro, alis."

Napatingala naman kami ni Gian sa nagsalita sa harap namin.

Tsk, sino pa ba?

Hindi ko siya pinansin dahil mukhang hindi naman ako ang kinakausap niya. Nakatingin lang kasi siya kay Gian pero etong si Gian naman eh tinitigan lang rin siya saglit tapos binalik yung tingin sakin.

"I read an article about this album before they released it an--"

"Gian pare, may upuan ka rin 'di ba? Try mo kayang doon umupo?" Sinipa niya yung paa ni Gian ng mahina habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa.

Tumingin muna sa akin saglit si Gian bago tumingin kay Fourth at nagbuntong hininga.

Hindi siya sinagot ni Gian at tahimik siyang umalis sa upuan ni Fourth. Akala ko nga nung una babalik na siya sa upuan niya dahil iaabot ko na sana sa kanya yung kaliwang piraso ng airpods niya nung bigla siyang umupo sa upuan ni Ales sa left ko.

Napanganga naman ako.

"Dito na lang ako uupo," Sabi niya sakin pero nakatingin pa rin kay Fourth.

Halata mong nagulat rin si Fourth na lumipat siya ng kabilang upuan sa tabi ko dahil nanlaki rin yung mata niya. Hindi siya gulat sa nangyari, sadyang alam lang niya na may gusto ako kay Gian kaya siya ganyan maka react.

"As I was saying.."

Hindi ko na marinig yung sinasabi ni Gian sakin dahil padabog na umupo si Fourth sa upuan niya. As in inusog niya pa talaga yung arm chair niya habang binato yung bag niya sa tabi niya kaya nangilo ngilo pa ako doon.

UntitledWhere stories live. Discover now