Chapter 4

61 0 0
                                    

*4*

Nakalimutan kong sabihin na may kagagahan akong ginawa. Di naman masama pero for me oo kasi pinahamak ko lang ang sarili ko.

In fact, 'di rin lang pala ako. Si Fourth rin. Dalawa kaming tanga.

I posted a photo of Fourth yesterday on ig story with a caption '@_rafandres be like: new sem new me'. Pinicturan ko kasi siya kahapon sa samgyup resto pero yung mukha niya natatakpan nung exhaust.

Okay na sana eh, kaso tinag ko pa siya.

Si Fourth naman, pinicturan ako habang kumakain ng ice cream. Okay na rin sana kasi nakayuko ako sa picture kasi nag pho-phone ako, eh kaso nilagyan ba naman ng location at time yung story!

Pagdating ko tuloy ng classroom kinabukasan, inulan ako ng tukso ng mga ka block namin. Nilibot ko yung tingin ko sa room para tignan if pumasok na si Fourth pero wala pa siya kaya ako tuloy sumalo nung lahat ng pang aasar!

Bwiset talaga!

Actually kahapon pa silang lahat nang aasar. Ang daming nag react sa ig story ko at pinost pa nila sa groupchat ng section namin yung screenshot kaya nalaman tuloy nilang lahat!

"Hanggang 5pm, magkasama pa kayo kahapon? Kayo ha, mukhang iba na yan!" Sabi ni Belle sakin.

Hanggang 11:30am lang kasi yung pasok namin kahapon at majority sa kanila eh umuuwi agad ng bahay pag ganoon. Kaya unusual talaga samin na may magkasama pa lalo na't ang aga ng uwian namin unless you're in a group or orgmates kayo.

Nilapag ko naman yung bagpack ko sa upuan ko, "Wala lang 'yon! Binigyan ko kasi siya ng answer sheet kay Sir Go kahapon kaya siya nanlibre." Kinuha ko naman phone ko sa bulsa at nag browse sa Facebook.

"Hindi man lang kayo nag invite! Nasa unit lang din naman ako kahapon eh! Nag ca-crave pa naman ako ng samgyup hmp." Sabi ni Belle while pouting. "Yayain ko na nga lang si Jethro bukas!" Nagte-text naman siya doon kaya nawala na yung attention niya sakin.

Wag na kayo magtanong, jowa niya yun na tiga Engineering. Nagkabalikan kasi sila last Christmas kaya parati na naman siyang MIA samin.

"Eh bakit ako, you also gave me an answer sheet but you didn't ask me to treat you?" Singit ni Gian.

Nagulat pa nga ako. Ngayon ko lang kasi napansin na nasa tabi ko na rin pala siya.

"Oh bakit, pag sinabi ko ba sa'yo na libre mo ko, ililibre mo ako? 'Di ba hindi naman?" Sabi ko kay Gian, without looking at him.

"Why not?"

Napatigil ako sa pag browse sa phone ko at napatingin sa kanya. I saw him smiling. Eto talaga minsan pa-fall rin eh!

"Sige ha. Iced shaken hibiscus tea with pomegranate pearls, venti. Pa add na din ng strawberry syrup."

Natawa lang siya.

Wag kang patawa tawa diyan, kukurutin ko pisngi mo sige ka.

I was getting my notebook and pen in my bag when I felt something hot on top of my table.

Pag angat ko ng ulo ko, nakita kong nakatayo sa harap ng upuan ko si Fourth at may nilapag na plastic sa table ko.

"Oh." He said while still looking at his phone and texting.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Stop asking the obvious. Malamang hot choco. Sabi mo kasi kahapon bilhan kita sa Jollibee," Tapos umalis na siya.

Natameme ako at napatitig na lang sa hot choco na nilapag niya sa desk ko.

Hay nako, Santos! Wrong move!

UntitledWhere stories live. Discover now