Chapter 8

49 0 0
                                    


*8*

Nasa sasakyan kami ngayon ni Fourth at busy ako sa pangingialam ng phone niya at siya eh saktong nagda-drive lang.

"'Di ko talaga magets criteria ni Ma'am Rufino sa pag approve ng titles," He looked at the side mirror, "lahat naman ng nasa papel ko okay pero isa lang inapprove? Weird."

Clinick ko naman yung shuffle button sa profile ni Lauv sa Spotify ng phone niya,"Sus! Aminin mo na, I'm good at paraphrasing titles," Sabi ko. "Libre mo nga ako! Wala ka man lang pakain diyan!"

He just shook his head while staring at me with amusement.

"Alam mo, mas madami ka pang demand kesa sa Nanay ko," he told me, "Magpapahatid ka na nga sa PLDT, magpapalibre ka pa? Ibang klase."

Natawa na lang rin tuloy ako sa kanya.

Tumugtog naman yung I Like Me Better ni Lauv at nagulat ako dahil bigla siyang kumanta.

"Ano ba, Fourth. 'Wag mo ngang sabayan si Lauv, you're ruining the song!" Hinampas ko yung right hand niya na nasa gear.

Pero ang kumag, 'di naman ako pinansin at patuloy pa rin sa pagkanta! Nagtakip na lang tuloy ako kunwari ng tenga kaso inalis niya naman agad.

"I like me better when I'm with you..." Tinignan niya pa ako habang sinasabi 'yon kaya nagsitaasan yung balahibo ko.

"Stop it. Ang kadiri mo tignan please lang!"

Tinawanan niya naman ako at ako eh iniripan na lang siya. Hindi naman masama yung boses niya its just that parang ang random lang kasi na bigla bigla siyang kumakanta dito sa loob ng sasakyan niya.

Okay lang sana kung mag isa lang siya eh, kaso duh, he's with me!

"By the way, kung 'di ako nag message sa group na aalis ako, saan ka ba talaga pupunta?" Seryosong sabi ko sa kanya.

Come to think of it, when I messaged in our group that I was planning to leave, nag message din siya doon pero ang sinabi niya eh kakagising niya lang daw. Pero ano yon, naggising siya na nakaligo na at naka porma na?

"Wala."

"Weh? Wala raw pupuntahan pero nakabihis agad pang alis? That's a weird shit."

"I told my brother that our class is Mondays to Fridays," He said casually, eyes still fixated in front. "Ang alam sa bahay, may pasok ako everyday kaya umaalis pa rin ako pag TTH.."

What?

"Hoy ang sama mo!"

"Bakit ba, it's my allowance not yours. And besides, I'm not harming anyone except my parents' pocket,"

Ah okay. Jusko, kala ko naman nagsisinungaling siya para makipaglandian. Pero... oo nga 'no. May point siya. Bakit 'di ko rin naisip 'yon? Edi sana hindi binawasan ni Mommy allowance ko ngayong sem!

10:30am na at on the way na kami ngayon sa sinasabi niyang brunch restaurant kanina. Hindi ko nga alam kung saan kami papunta eh. Basta ang alam ko kakain muna kami.

Actually kanina pa kami nagtatalo dahil gusto kong unahin yung PLDT kesa kumain. Kaso ang sabi niya, baka abutin raw kami ng tanghali doon dahil baka mahaba yung pila edi mas lalo kaming namatay na dalawa dahil sa gutom. Binantaan ko na lang siya na pag 'di niya ako hinatid, sasabihin ko sa prof namin na ako yung gumawa nung title niya at hindi siya.

Nakarating din naman kami sa restaurant na sinasabi niya in no time. Malapit lang din naman pala kasi 'yon sa campus. Nagpark lang kami sa labas at sabay kaming pumasok sa loob. Siguro kung kasama namin yung iba naming kabibigan baka iniwan ko na siya.

UntitledWhere stories live. Discover now