Once

280 24 1
                                    

I've been comfortable being with Drystan after the day that I had dinner with him. Tulad nalang ngayon, he called me to come in his office again and ang baby damulag nga naman, nag papababy lang e.

I'm sitting on his couch here and he's sleeping on my lap. Ang dami niya pa ngang sinabi e, masakit yung ulo, yung likod, lahat ata ng parte ng katawan niya masakit but the real reason is, gusto niya lang mag pa-baby. I'm stroking his hair when my mind was filled with the flashbacks of what happened that day.

"Ano?! Ayoko nga!" Sigaw ko sakanya. Sabihin ba naman na dadalhin ako sa bahay niya. Ayoko nga! Dalagang Pilipina ako no!

"We'll just have dinner at my house Alair. Don't over react." He said and tsked. Ay? Naging oa ba ako? But still! I don't want to come. Okay lang sana kung sa mga ibang lugar, sa maraming tao, sa publiko, pero yung lugar na kaming dala-----

"Hey! You're thinking about that thing right?!" Napatingin naman ako sakanya nang mapagtanto kung ano ang ibig nyang sabihin. Kusang lumaki ang mata ko at sa pangalawang pagkakataon, pinalo ko nanaman siya sa braso. Uy self, namumuro tayo ha?

"What the fu--hell Alair!" He exclaimed while laughing. Nag pout naman ako tinignan siya ng masama. Humalakhak naman siya, halos yata lumuha na siya kakatawa e! Kasalanan ko ba kung ganon yung dating saakin?

Oo Alair! Kasalanan mo. Sagot naman ng utak ko. Umirap nalang ako at tinignan ulit siya ng masama. Hindi padin siya tumitigil kakatawa. Pinalo ko nalang ulit siya sa braso.

"Aray naman! Bakit ba?" Sabi niya pero may kasamang halakhak. Alam mo Drystan, kung hindi lang kita gusto, pinakain na kita sa mga monsters sa Bermuda Triangle.

"Tumigil ka na kasi!" Sigaw ko sakanya. Tumigil naman siya, pero halatang nagpipigil lang. Nagfocus na ulit siya sa daan. Nakasandal yung braso niya sa bintana at hinahawakan niya yung labi niya. Ilang minuto lang, napansin ko ang paggalaw ng balikat niya. Etong lalaking to!

"Drystan!" sigaw ko sakanya. At doon, lumabas na ulit ang kanina niya pa pinipigilang halakhak. Sisigawan ko na sana ulit siya nang mapatigil ako dahil napatitig ako sakanya. Totoo ngang makikita mo sa mata ng isang tao kapag totoo siyang masaya o hindi.

Nakikita ko naman na tumawa at ngumiti minsan si Drystan sa kompanya pero hindi sumasabay ang mata niya, nananatiling walang emosyon. Tumitig ako sakanya ngayon habang tumatawa pa siya, kung wala lang akong hiya, kinuha ko na yung cellphone ko para kuhanan siya ng stolen pictures but I just stared at him while I know that his laughters are genuine, because his eyes are also smiling. Kaya kahit nakakairita yung dahilan ng pagtawa niya, hinayaan ko nalang. Minsan lang to, susulitin ko na.

Sa pagtitig ko sakanya, hindi ko namalayan na nakarating na kami.

"We're here!" He said, my hint of playfulness parin sa boses niya pero mas kumalma na ngayon, napagod din e but I can still see his eyes smiling.

"Ah sige." sagot ko saka inalis yung seatbelt ko. Humarap ako sa pintuan para buksan nang magulat ako dahil nauna itong bumukas. Nag-angat ako ng tingin, nakita ko si Drystan na nakalahad ang kamay at nakangiti. Lumingon ako sa upuan niya kanina at wala siya doon. Ganoon siya kabilis?

"S-salamat." sagot ko at tinanggap ang kamay niya. Sinarado niya naman ang pintuan. Bibitaw na sana ako but I sucked my breath when I felt that he interwined our hands. Napatigil ako sa paglalakad, gayun din siya. He looked at me and smiled.

"Why? Feel comfortable with me Alair." He said, assuring me. It's like he is telling me to trust him because he will not do anything that will make me hate him. I smiled back at nodded my head.

Drystan's AlairWhere stories live. Discover now