Diecinuebe

295 20 0
                                    

"Star Patrol! Trending ngayon sa social media ang mga litrato ng CEO ng Thavrilla Corporation na si Mr. Pyrros Drystan Thavrilla. Kilala siya bilang isa sa mga poging bachelor sa bansa, ngunit ang mainit na tanong ng bayan ngayon ay... may nagpatibok na nga ba sa puso niya?"

Napalingon ako sa tv sa aming sala nang marinig ang pangalan ni Drystan. Nakita kong nakaupo si Kira sa sofa at nakatutok doon.

"Makikita sa larawan ang pawisang mukha ng binata sa labas ng kanyang kompanya at halatang may hinahanap. Sa isa pang litrato, makikitang may kasama siyang babae at ang lalong nag-patrending rito ay ang litratong hinahalikan niya ito! Makikitang likod lamang ang makikita sa babae. At ang isa pang mainit na balita, ay ang pagbabalik ng pangalawang pangalan nito, maaalala nating kapag sinearch natin ang kanyang pangalan sa google o sa kung ano man, ang magpapakita lamang ay Pyrros Thavrilla, ngunit ngayon, ito na ay Pyrros Drystan Thavrilla."

Napantig ang tenga ko ng marinig ko ulit ang kanyang buong pangalan. Napalingon din saakin si Kira na malamang ay naramdaman na ang aking presensiya.

"Maalalang nakapanayam natin si Mr. Thavrilla noon, at ipapaalala natin ang kanyang official statement."

Lumapit ako kay Kira at umupo sa tabi niya. Tumutok din ako sa tv nang magpakita ang gwapong mukha ng lalaking aking pinakamamahal. Kulay asul naman ang buhok niya rito.

"I removed my name for some personal reasons. I will bring it back." Tumingin ito ng diretsyo sa camera. "When my happiness comes."

Napakapit ako sa gilid ng sofa nang marinig ko ang boses niya at ang mga katagang kanyang binitawan.

"Para bigyang tuldok ang ating mga salita, live ngayon, The CEO of Thavrilla Corporation. Please welcome, Mr. Pyrross Drystan Thavrilla!"

Nahigit ko ang aking paghinga nang marinig ko ang salitang sinabi ng anchor. Tumingin ako sa telebisyon at ang mukha ni Drystan ang bumungad saakin.

"Mr. Thavrilla, what can you say about the latest news about you right now?"

"Is it true?"

"Who's that girl you were kissing?"

"Are you two in a relationship?"

Drystan cleared his throat before looking directly at the camera. I feel like he's not looking at the camera, but at me.

"Few months ago, I've encountered a woman, it was really an accident. Magulo ang buhok niya pero may mala-anghel na mukha. She's the first woman who dared to glare at me but hindi ako nagalit, instead natuwa ako." He chuckled. Nanatili akong nakatitig sa mukha niya. "I will never forget those moments that when she's stopping herself from crying, her chin will automatically wrinkle like a child and I find it so cute." Nanlaki ang mata ko. Napansin niya pala lahat ng bagay na iyon. "I shared many happy moment with her. I only shared one sad memory, and it is when I let her go but I assured her that I will wait for her until my last breath." Naging seryoso na ang boses niya at matiim na tumitig sa camera.

"I know you're watching right now. I can't tell these words to you when I talked to you weeks ago because I'm afraid that I might break down and start crying. I want to say not only to you but the whole country, that I'm living for you. You are my happiness. You told me that you want a man who's true to himself and believe me I did my best to be transparent!" He exclaimed. Tahimik naman ang mga reporter habang nakikinig sakanya. Ako naman ay kasingpula na ng kamatis ngayon.

"I'm Sadness and you are my Happiness, right? My name Drystan means Sadness and Alair means Happiness. Our names contradict each other but I love how the owners of those name met. That night you told me that you never loved nor liked me, I almost believe that we're just met, but not meant. But I trusted my instinct! I know that you have something for me!"

"I love you very much. I've given you enough time and space. My Happiness, please come back to me." Nakita kong pinipigilan niya lang ang mga luha niyang pumatak sa kanyang mga mata. I'm hurt and happy at the same time because of his words. I'm hurt because of me, not listening to him and happy because he just confessed that he loves me too.

"Serenity Alair Quinn." Napaigtad ako ng marinig ko ang buong pangalan ko. What the hell is Drystan thinking?! Sinabi niya lang naman ang pangalan ko sa National Television, kaya lahat ng tao sa bansa, napapanood ito!

"What?!" I asked him, no the tv. Narinig ko naman ang pagtawa ni Kira sa tabi ko. I asked the tv but I feel like he is talking to me so I said that.

"I'll wait for you 'til tonight. " Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Pinapabilis niya ba ang pagbalik ko sakaniya?! Aba itong lalaking to!

"Ayoko nga!" I said and crossed my arms infront of my chest.

"If you will not come, I will really let you go." He said na nakapagpatigil sa pagtutol ko sa loob ng aking isipan. Napatigil din si Kira sa pagtawa and glared at the tv.

"What?!" I shouted. Si Kira naman ay tinignan ng masama ang mukha ni Drystan sa telebisyon. He looked at the camera intently.

"Alair, come back. Jebal." He begged before the show ended with a commercial. Lumingon naman saakin si Kira kaya napatingin naman ako sakanya.

"Oh anong ginawaga mo pa dyan?" She asked. Napakunot naman ako ng noo sakanya and gave her a what-do-you-mean look.

"HOY! Alas kwatro na! Hanggang gabi ka lang baliw!" at ginising ako niyan. Dali dali akong tumakbo sa kwarto at nagpalit. Pantalon at T-shirt lang naman. Hindi na din ako nagkaroon ng oras para magpaalam sakanya. Ilang oras ang byahe papunta sa kompanya ni Drystan maliban lang kung may sariling sasakyan pero minamalas ako at wala akong perang pambili!

"Taxi taxi!" tawag ko pagkalabas na pagkalabas ko sa gate ng bording house namin. Tinignan ko ang wrist watch ko. 4:20 na, kilala ko si Drystan, ang katapusan ng gabi para sa kanya at 7:00 dahil trabaho siya trabaho pagkatapos noon.

After a minute of waiting, may tumigil na taxi sa tapat ko. Dali dali akong pumasok at umupo sa passenger sit.

"Manong, sa Thavrilla Corporation po!" I said saka inayos ang upo ko. Nakita ko naman nakatingin sa rearview mirror ang driver at tumitig saakin.

"Miss Serenity Alair Quinn?" sinasabi ko na nga ba! Kahit na wala akong mukhang naipakita sa tv kanina, may facebook account ako. Argh! Drystan!

"Opo! Alam nyo naman po sigurong may hinahabol ako diba? Tara na po!" Sagot ko. Tumango tango naman si manong driver bago pinatakbo ang taxi. Napatingin naman ako sa orasan ko. 4:30 pm. Please please bilisan niyo po.

"Pakibilisan po manong." Pakiusap ko. Binabagtas na namin ang EDSA ngayon. Nagsisimula na akong makahinga ng maluwag nang huminto ang kotse.

"Ano pong problema manong?!" taranta kong tanong. Narinig ko naman ang ibang busina ng mga kotse na nakapaligid saamin. Nakalimutan kong nasa Pilipinas nga pala ako at traffic ang numero unong problema.

"Traffic ma'am." Sagot naman niya. Nagulo ko ang buhok ko. Apat na oras nalang, 7:00 na! Tatlong oras ang byahe pero dahil sa traffi na to, magiging limang oras to!

"Manong! Eto na po bayad! Salamat po!" Sabi ko at inabot ang pera. Dali dali akong lumabas at nagsimulang tumakbo sa gilid ng daan. Kinompute ko ang oras at eksaktong apat na oras kung tatakbuhin ko. Okay ng mapagod, basta makaabot. Hayop na Drystan na yan, ang daming alam e!

Habang tumatakbo ako, unti unti na akong napapagod. Pilit kong ipinakita ang imahe ni Drystan sa utak ko. The memories na pinagsamahan naming dalawa for strength and inspiration.

Malapit na akong sumuko nang makita ko ang building ng kompanya ni Drystan. Nakikita ko na din ang ilang empleyadong nagsisilabasan, malamang uwian na. Mas binilisan ko ang takbo ko hanggang sa marating ko ang harapan.

"Hoo!" Tinignan ko ang wrist watch ko. 6:58! Tumakbo ako papunta sa entrance nakita ko naman ang ilang kakilala kong empleyado. Nag sign sila saakin ng fighting, ngumiti naman ako bilang tugon. Nang makapasok ako sa building, tumingin ako sa paligid para hanapin ang taong iyon ngunit wala!

"Drystan." usal ko, hindi ko alintana ang uhaw at pagod ko. Tumingin ako sa wrist watch ko at 7:01 na! Nahuli ako pero hindi ako sumuko. I looked around when my eyes stopped on a familiar back of a man. Naglalakad na ito palayo at bagsak ang mga balikat

"DRYSTAN!"

Drystan's AlairWhere stories live. Discover now