Chapter One

3K 70 0
                                    


Pagkatapos ng limang taon muli akong nakabalik sa Pilipinas. Pinagmasdan ko muna ang paligid.

"Huwag ka ng mag inhale exhale diyan. Puro polusyon malalanghap mo dito sa Manila. Sa pampanga mo na gawin yan. Doon fresh air malalanghap mo." Sita sa akin ni Tricia.

Tama nga si Tricia. Puro polusyon lang ang malalanghap ko dito. Maya maya pa ay narinig ko na ang pagtawag ng isang boses bakla sa pangalan ni Tricia.

"Tricia!"

Nagmamadaling lumapit sa amin si Terry, siya ang kaibigan ni Tricia na alaga din ni Tito Rene. Siya ang caretaker sa binili kong bahay sa Pampanga at siya din ang nagmamanage sa naiwang negosyo ni Tito Rene. Ang salon.

"Terry!"

Masayang nagyakapan ang dalawa. Maya maya ay tumingin na sa akin si Terry.

"Ikaw na ba yan Sabrina?!" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo naman Terry." Sagot ko.

"Ay ang ganda ganda mo na dati at mas lalo ka pang gumanda ngayon!" Papuri niya.

"Bolera!" Sabi ko.

"Hay naku sa van na tayo magkwentuhan. Matraffic dito sa Manila baka gabihin tayo sa daan." Pagkuway sabi niya.

Iginiya niya na kami papunta sa Van. Tatlong oras pa ang byahe pauwi ng Pampanga.

"Bakit kasi hindi pa sa Clark Airport kayo nagpabook? Malapit na lang sana non." Sabi ni Terry habang nasa biyahe kami.

"Hay naku alam mo naman si Tito. Minsan natotorete na lang yon." Sabi ko.

"Sabagay. Kelan ba uuwi yang tiyuhin mo dito? Nakakamiss na kasi siya e."

"Sabi niya susunod din daw siya kapag natapos niya na mga dapat niyang gawin."

"Masyado kasing busy yang si Mamang Rene e."

Lumingon ako sa bintana at pinagmasdan ang tanawin. Malapit na lang dito ang dati naming bahay. Nilingon ko si Terry.

"May balita ka ba tungkol sa Madrasta ko at sa anak niya?" Tanong ko kay Terry.

"Sa Manila na nakabase ang mga yon. Hindi ko na sila nakikita dito. Kahit yung bruha mong stepsister."

"Sinong nakatira sa bahay namin?" Tanong ko.

"Ang pagkakaalam ko binebenta na yung luma nyong bahay. Mga katulong na lang ang nandon." Sagot ni Terry

"Pero hindi nila maibebenta ang bahay namin. Sa akin nakapangalan ang bahay na yon." Sagot ko.

"Sabrina, madami ng paraan ngayon para maibenta nila yon. They can fake your signature. Hayaan mo na ang bahay na yun. Ang ganda na ng bahay mo dito sa Pampanga e." Sabi naman ni Tricia.

Napakadaming ala ala sa akin ng bahay na yon kaya parang ang hirap pakawalan.

"Tricia alamin mo kung sino ang ahente na may hawak sa pagbebenta ng bahay namin. I will buy our old house." Sabi ko.

Napamulagat silang dalawa sa akin.

"Magagalit sayo ang Tito-"

"Tricia may sentimental value sa akin ang bahay na yon. Don na ako ipinanganak at doon ako lumaki. Maiintindihan din ako ni Tito Rene. Basta gawin mo ang inuutos ko sayo. Bibilhin ko ang bahay na yon kahit maubos pa lahat ng ipon ko." Pinal kong sabi.

Hindi na kumibo ang dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay na pinagawa ko. Tiningala ko ang bahay ng makababa ako sa sasakyan. Ngayon ko lang ito nakita ng personal. Habang ginagawa ito ay sa video at picture ko lang ito nakita. Pagpasok namin ay muli kong iginala ang mga mata ko sa loob ng bahay. Nasunod naman lahat ng gusto kong designs ng bahay. Sa sala ay nakasabit ang 3 malalaking frame na litrato ko.

My Unknown HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon