Nasa sala ako ng dumating galing sa School ang kambal. Humalik sila sa akin. Nanatiling nakatayo sa harapan ko si Irish. Tiningala ko siya."May problema ka ba?" Tanong ko.
Napatingin siya sa may pinto ganon din ako kapapasok lang doon ni Vince. Sinulyapan niya ako at si Irish bago dumiretso sa hagdan. Nasundan na lang namin siya ng tingin ni Irish. Ibinalik ko ang tingin ko kay Irish na naabutan kong nakatingin pa rin sa hagdan kung saan umakyat ang ama niya.
"Is there something wrong?" Tanong ko kay Irish kaya muli niyang ibinalik ang mga mata niya sa akin.
"N..Nothing mommy." Sabi niya saka na mabilis na umalis at umakyat na rin sa hagdan.
Nasundan ko na lang siya ng tingin. Maya maya pa ay nakita kong lumabas galing sa kuwarto niya sa baba ang mama ni Vince. Sapo sapo niya ang ulo niya. Mabilis ko siyang nilapitan.
"May problema po ba?" Tanong ko.
"Bitawan mo ako!" Angil niya sa akin.
Maya maya pa ay muntikan siyang bumagsak mabuti na lang at nahawakan ko siya.
"Nahihilo ako!" Sabi niya.
Nataranta na ako dahil namumutla na siya.
"Manang! Manang! Vince! Vince!" Sigaw ko.
Pero walang nakakarinig sa akin. Kailangan kong magmadali.
"Madam mamamatay ka kung hihintayin ko pa sila!" Inalalayan ko siyang makatayo at hinawakan ko siyang mabuti at inilabas.
Isinakay ko siya sa kotse. Nakita ako ng mga body guard.
"Kuya mag drive ka dali dalhin natin siya sa hospital!" Utos ko sa isang bodyguard don.
Nagmadali naman nila akong tinulungan ipasok ang mama ni Vince sa kotse. Nang makapasok kami ay pinaharurot ng driver ang kotse at isinugod namin ang mama ni Vince sa pinaka malapit na hospital.
Mabilis nilang inasikaso ang mama ni Vince. Aalis na sana ako pero bigla niyang hinila ang kamay ko.
"Don't leave... natatakot akong mag isa..." anito.
Wala akong nagawa kundi sumama sa loob. Tumaas ang blood pressure niya mabuti na lang at naitakbo kaagad siya dito sa hospital. Nagamot na siya ng dumating si Vince.
"Doc kumusta ang mama?" Nag aalalang tanong niya.
"Maayos na siya. Mabuti na lang at naisugod agad siya dito sa hospital." Sabi ng doctor.
Umalis na ang mga doctor at Nurse. Nagulat ako ng bigla niya akong hablutin sa braso.
"Anong ginawa mo sa mama ko?!" Anya.
"Wala akong ginagawa sa Mama mo. Nakita ko lang siyang nahihilo kanina at inalalayan ko lang siya. Sigaw ako ng sigaw pero hindi mo ako naririnig kaya itinakbo ko na siya dito sa hospital." Sabi ko.
Marahas niya akong binitawan. "Kapag nalaman kong may ginawa ka sa mama ko masasaktan ka sa akin!" Anya.
"E di tanungin mo siya!" Sabi ko.
Nilampasan niya na ako at nilapitan niya ang ina niya na mahimbing na natutulog. Sumandal naman ako sa pader. Hanggang kailan ba ako pahihirapan ng tao'ng to?
Maya maya pa ay hinawakan niya ako. "Halika na, iuuwi na kita."
Hinila niya na ako palabas ng kuwarto ng Mama niya. Para akong bata na ayaw niyang bitawan.
BINABASA MO ANG
My Unknown Husband
RomancePaano kung isang araw may isang lalaki na lang na biglang lumapit sayo at sinasabing asawa ka niya? Galit na galit siya at pilit ka niyang iniuwi sa bahay nila. Paano din kung malaman mong ikaw at ang babaeng pinakasalan ng lalaking yon ay iisa ang...