Chapter Thirteen

2.1K 67 1
                                    


Maaga akong gumising kinubukasan at nag jogging ako. Pagdating ko sa bahay ay nakaluto na ang dalawa. Naligo na muna ako bago ako sumabay sa kanila sa pagkain ng agahan.


"Tumawag na ba sayo ang Tito Rene mo?" Tanong ni Tricia.


Umiling ako.



"Nagtatanong na daw ang mga pinag momodelan mong mga company doon kung kailan ka babalik."



"I will just text Tito Rene later." Sagot ko.


"Kailan mo ba balak bumalik doon?" Tanong ni Terry.


"Kapag nalaman ko na kung sino ang impostora." Sabi ko.



"Paano kung tuluyan ka ng nainlove kay Vince, babalik ka pa ba?" Si Tricia.


"It depends on the situation. Ang bata ko pa naman para mag settle down e." Sabi ko.



Tumunog ulit ang cellphone ko. Si Vince yon.



"Bakit di mo sagutin?" Si Tricia.




"Hayaan mo siya." Sabi ko.


"Ay girl sagutin mo para malaman niyang hindi ka affected noh! Iisipin niyan nagselos ka ng bongga kaya ka lumayas." Sabi ni Terry.


Tama nga si Terry. Kinuha ko ang phone ko at sinagot ko ang tawag niya.



"Where the hell are you?!" Sigaw niya.

Inilayo ko pa ng konti ang cellphone ko sa tenga ko dahil nabingi ako sa lakas ng bises niya.




"Kagabi pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot!"



"Pwede ba huwag mo akong sigawan! First of all hindi kita asawa, pangalawa wala kang karapatan na ikulong ako sa bahay mo!" Sigaw ko din.



"Kahit hindi ikaw ang pinakasalan ko sa mata ng batas at sa mata ng mga tao asawa pa rin kita! So tell me where the hell are you and im going to pick you up!" Anya.



"Antipatiko ka rin ano? Wala na ako diyan sa Pampanga! Nasa airport na ako pabalik ng New York!" Sabi ko.



Natawa ang dalawa sa akin. Tinakpan nila ang mga bibig nila para hindi sila marinig ni Vince.


"Airport? Sa Manila?" Tanong niya.



"Oo at 30 minutes na lang aalis na kami." Pagsisinungaling ko.



"Sa ganitong paraan mo iiwan ang mga bata? Akala ko ba mahal mo sila bakit ngayon iiwan mo na lang sila ng walang paalam?"



Tila kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Bigla tuloy akong naawa sa mga bata.


"You're doing the things their mother did to them. Kung gusto mo na palang umalis bakit hindi mo sinabi sa amin ng maayos? Hindi yung ganitong bigla bigla ka na lang aalis." Anya saka na siya nawala sa linya.




"Binabaan na ako. Kinonsensiya pa tuloy ako. Dapat hindi ko na lang sinagot e." Sabi ko.



"Okey na rin yan bakla. Atleast hindi mo na kailangang tumira pa don sa kanila. Pwede mo namang malaman kung sino yung gumamit sa pagkatao mo kahit nandito ka sa sarili mong bahay e." Si Terry.



"Napamahal na ako sa mga batang yon. Parang anak ko na din sila." Sabi ko.



"Pwede mo naman silang dalawin doon. Punta ka ng umaga tapos uwi ka ng gabi." Sabi naman ni Tricia.



My Unknown HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon