Three days after ay nasa harap na kami ng judge na nagkasal sa amin ni Vince at kasalukuyan na kaming nagpipirmahan ng marriage contract. Witness namin sina Tito Rene, Kuya, Si Terry at Tricia kasama ang baby nila.Isang simpleng puting dress lang ang suot ko.
"And now i pronounce you husband and wife. You may now kiss your wife." Narinig kong sabi ng judge.
Humarap ako kay Vince. Ikinulong niya ang mukha ko sa mga kamay niya saka niya masuyong inangkin ang mga labi ko. Narinig naming nagpalakpakan ang mga kasama namin doon.
"Congrats bunso." Sabi ni kuya saka ako niyakap.
"Thank you kuya." Sabi ko.
Niyakap din ako ni Tito Rene, Terry at Tricia. Umuwi din kami sa condo pagkatapos at doon kami nag celebrate. Nag order na lang kami ng mga pagkain sa isang restaurant. Nagsalo salo kaming kumain doon.
"Gawa na din kayo ng kagaya ng baby Winter namin." Sabi ni Tricia.
"Hindi muna. Kailangan munang matupad ng Misis ko ang mga pangarap nila ni Tito Rene." Sabi ni Vince.
"Naku baka kapag iniwanan mo yan dito, hindi din yan magbago." Sabi ni Tito Rene.
"Magbabago po ako Tito." Sabi ko naman.
Tumingin ako kay Vince. Ngumiti siya sa akin. Magbabago ako para sa kanya. Tatanggalin ko ang alak sa sistema ng katawan ko.
Kinagabihan ay umuwi na kami sa condo niya. Nagulat pa ako ng bigla niya akong buhatin nong nasa tapat na kami ng pinto niya.
"Hey!" Sigaw ko.
"Kasabihan ito ng matatanda." Anya.
Itinulak ko ang pinto pabukas. Itinulak ko din yon pasara ng makapasok na kami.
"Ibaba mo na ako." Sabi ko.
"Nope. Kailangan kitang buhatin paakyat hanggang sa kuwarto." Anya.
"Ang bigat ko kaya!" Sabi ko.
"Ang gaan mo nga e." Anya.
Nagsimula na siyang humakbang paakyat sa hagdan. Hanggang sa umabot kami sa tapat ng pinto ng kuwarto niya.
"Open the door." Utos niya sa akin.
Pinihit ko naman ang door knob at bumukas ang pinto. Pumasok siya doon buhat buhat ako at saka niya sinipa pasara ang pinto. Marahan niya akong ibinaba sa kama.
"Ang bigat ko noh?"
"Hindi nga ako pinagpawisan e." Anya.
"Bolero! Alis ka diyan at maliligo na ako." Sabi ko.
"Sabay na tayo." Anya.
"No! Not now!" Sabi ko saka na ako mabilis na bumangon at tumakbo papunta sa bathroom.
"Honey!" Tawag niya sa labas.
"Maligo ka na sa isang bathroom!" Sabi ko.
"Fine! Humanda ka sa akin mamaya!" Sabi niya.
Hindi ko na siya narinig sa labas kaya naghubad na ako at naghanda para maligo. I feel nervous while thinking what will happen between us tonight.
Nagsuot na ako ng undies after kong maligo at pinatungan ko yun ng puting robe. Lumabas ako ng bathroom at tinungo ang walk in closets na katapat ng bathroom. Nag blow dry ako ng buhok doon.
Nagulat ako ng may humalik sa leeg ko. Pinatay ko ang blower at nilingon si Vince.
"Ready?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Unknown Husband
RomansaPaano kung isang araw may isang lalaki na lang na biglang lumapit sayo at sinasabing asawa ka niya? Galit na galit siya at pilit ka niyang iniuwi sa bahay nila. Paano din kung malaman mong ikaw at ang babaeng pinakasalan ng lalaking yon ay iisa ang...