Sa sobrang busy ko dahil sa project namin ni Vince ay hindi ko na napansin na sobra na pala akong napagod at naulanan pa kahapon kaya nagising na lang ako kinabukasan na masama na ang pakiramdam ko. Bahing ako ng bahing at napakasakit ng lalamunan ko. Nilalamig pa ako. Hindi talaga ako bumangon.
Narinig kong bumukas ang pintuan ko.
"Mommy are you awake?" Boses ni Irish ang narinig ko.
"Yes." Sagot ko na namamalat ang boses.
"Are you okey mom?" Tanong ni Irish.
Narinig ko ang yabag niya palapit sa akin. Bigla akong bumahing. Naramdaman ko ang pagsalat ni Irish sa noo ko.
"You have a fever mommy!" Pag aalalang sabi niya.
"Im okey, dont worry."
"You're not okey mom. Sandali lang tatawagin ko si Daddy." Anya.
Pipigilan ko sana siya pero masakit talaga ang lalamunan ko kaya hinayaan ko na lang siya.
Hindi nagtagal ay narinig ko na ang mga yabag nila. Naramdaman ko ang pagsalat ng isang kamay sa noo ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Vince.
"May lagnat ka!" Anya.
Bumahing ulit ako. Masama nga talaga ang pakiramdam ko.
"Irish tell Manong Larry to ready the car. Dadalhin natin sa hospital ang mom-"
"No need." Putol ko sa sasabihin niya.
"But you need to go to the hospital. May lagnat ka." Anya.
"Trangkaso lang to. Iinom lang ako ng gamot tapos magpapahinga, mamaya okey na ako. Sige na pumunta kana sa Factory." Sabi ko kay Vince.
"Are you sure?" Tanong niya.
"Oo. Just tell manang doray to bring me some medicines." Sabi ko.
Hindi ko na siya narinig na sumagot. Naalala ko si Irish na baka mahawa sa akin.
"Irish sweetheart you can go now. Ayokong mahawa ka sa akin." Sabi ko.
"But mommy i need to take care of you." Anya.
"Hindi na kailangan.. sige na." Sabi ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at narinig ko ang paglabas nila ng kuwarto ko. Sobrang sama ng pakiramdam ko kaya muli akong nakatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero naalimpungatan ako na nilalamig. Nanginginig ang buong katawan ko sa lamig. Hindi ko mabuksan ang mga mata ko.
"Drink this medicine." Narinig kong sabi ni Vince.
Inalalayan niya akong bumangon at may isinubo siyang tabletas sa akin at saka ako pinainom ng tubig. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.
"Damn it! Inaapoy ka ng lagnat!" Anya.
I cant open my eyes dahil sa tindi ng nararamdaman kong panginginig. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin. Wala akong lakas kaya hinayaan ko na lang siya.
"Dad bakit?!" Narinig ko si Irish.
"Dadalhin ko ang mommy nyo sa hospital!" Anya.
Naramdaman ko din ang pagpasok niya sa akin sa kotse at pag andar nito hanggang sa mawalan na ako ng malay at hindi na alam ang mga sumunod na nangyari.
BINABASA MO ANG
My Unknown Husband
RomansaPaano kung isang araw may isang lalaki na lang na biglang lumapit sayo at sinasabing asawa ka niya? Galit na galit siya at pilit ka niyang iniuwi sa bahay nila. Paano din kung malaman mong ikaw at ang babaeng pinakasalan ng lalaking yon ay iisa ang...