Sa guest room tumuloy si Vince. Siguro ay pagod siya kaya ng pumasok siya doon ay hindi na lumabas. Nagpunta ako ng kusina at naabutan ko don sina Tito Rene.
"Gusto mo ng juice at sandwich?" Tanong ni Tricia.
"Sige nga please." Sabi ko.
Alas kuwatro na ng hapon at kagigising ko lang dahil natulog ako kanina pagkagaling namin ni Vince sa hospital. Nagluluto na si Terry at Tito Rene ng Dinner.
"Yung si Vince kakagaling lang ng hospital hayun lumayas na naman." Sabi ni Tito Rene.
"Umalis siya?" Tanong ko.
"Oo. Pero bago umalis ang daming mga dumating na pulis dito. Magbabantay daw."
"Saan daw siya pupunta? Hnd pa naman siya makakapag drive e." Sabi ko.
"Hindi naman niya nabanggit, basta nagpaalam lang na lalabas muna. May driver din siyang dumating." Si Terry.
"Hay! Ang tigas talaga ng ulo ng lalakeng yon!." Sabi ko.
"Pareho lang kayong matigas ang ulo. Kagaya mo din ang kuya mo kasi tigas ng ulo din e." Sabi naman ni Tito Rene.
"Tito naman." Sabi ko.
"Kung hindi siya pinag intresan ng parents ni Vince di sana buhay pa ang daddy mo ngayon. Sana hindi namatay ang mommy mo at sana hindi nyo na nakilala ang mag inang yon! Di sana wala kayong problema ngayon. Alam mo kasalanan naman ni Vince at ng magulang niya ang lahat ng nangyayari ngayon sayo!" Sabi ni Tito Rene.
"Pero kung nangyari nga yun Tito e di sana wala ako ngayon sa poder mo? Sana malaya kong mahalin ang taong gusto kong mahalin." Sabi ko.
"Aba't sinasagot mo na ako ngayon?!" Sabi ni Tito.
"Tito sinusunod ko na nga ang gusto mo hindi ba? Pinipigilan ko na ang nararamdaman ko kay Vince kahit napakahirap!"
Ewan ko pero bigla na lang akong napaluha sa harapan nila. Siguro dahil stress na ako sa sobrang dami kong iniisip at sa dami ng kinakaharap kong problema.
"I choosed you Tito, kasi ganon ka kaimportante sa akin. Kakalimutan ko ang sarili ko para sayo dahil ayokong dumating ang araw na sabihin mong wala akong utang na loob. Kaya please lang, huwag mo ng bastusin at sisihin si Vince." Sabi ko.
Tumayo ako at dire diretso ako sa kotse ko. Mabilis naman akong sinundan ng mga bodyguard ko. Gusto ko munang umalis sa bahay. Gusto ko munang makahinga pansamantala.
Nang makalayo ako sa bahay ay patuloy pa rin akong nagdadrive at hindi alam kung saan ako pupunta. Naiinis ako sa sarili ko, alam kong marami akong utang na loob kay Tito Rene pero hindi pa rin maalis sa isip ko na katulad lang din ang buhay ko noon sa piling ng madrasta ko at sa piling ni Tito Rene. Walang kalayaang magmahal.
Bigla akong nagulat ng makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril. Natapakan ko ang brake ng kotse. Kitang kita ko kung paano matamaan ang ilan kong mga bodyguard. Mas nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kotse ko at hinablot ako ni Vincent.
"Baba!" Sigaw niya.
Takot na takot akong bumaba ng kotse. Mabilis niya akong hinablot at iniharang sa katawan niya habang nakapulupot ang kanang kamay niya sa leeg ko.
"Sige subukan ninyong magpaputok at pasasabugin ko ang utak ng amo ninyo!" Sigaw niya sa mga bodyguard ko.
"Stop this kuya! Hindi mo alam ang ginagawa mo!" Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Unknown Husband
RomansaPaano kung isang araw may isang lalaki na lang na biglang lumapit sayo at sinasabing asawa ka niya? Galit na galit siya at pilit ka niyang iniuwi sa bahay nila. Paano din kung malaman mong ikaw at ang babaeng pinakasalan ng lalaking yon ay iisa ang...