Chapter Fifteen

2.3K 65 0
                                    

Tinanghali na ako ng gising kinabukasan. Alas nuwebe na ng umaga. Nakita ko ang isang note sa ibabaw ng unan ni Vince. Kinuha ko ito at binasa.

Pumunta na ako sa Factory. Hindi na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo. Hoping to see you sleeping on my bed every morning but i bet you dont want to sleep with me anymore. Prepare now your things and also tell our children to prepare their things. Aalis tayo papuntang Zambales mamayang madaling araw. See you tonight.

Vince

Natawa ako sa sinabi niya. Nakangiti akong bumangon sa kama niya at lumipat sa kuwarto ko para maligo. Pagbaba ko ay sinabihan ko na ang kambal at tuwang tuwa naman silang nagsitakbuhan papunta sa mga kuwarto nila magprepare ng mga gamit nila. Inutusan ko na din ang yaya ni keisha na ihanda ang mga gamit ng bata.


Lumabas ako ng garden at naabutan ko don si Mama at ang nurse nito. Tumayo ang nurse ng makita ako, muli ko naman siyang pinaupo. Nakakapagsalita na ng diretso si Mama. Konti nalang makakalakad na ulit siya.


"Aalis na daw po tayo mamayang madaling araw, Mama sabi ni Vince." Pagbabalita ko sa kanya.


"Ipapahanda ko na kay Manang Doray mamaya ang mga gamit ko." Anya.

Kinuha ko ang kamay niya at minasahe.

"Konti na lang Mama makakalakad ka na." Sabi ko.


"Lahat ng ito ay dahil sayo. Thank you sa pagmulat mo sa mga mata ko kahit nasaktan kita." Anya.

"Wala po yon. Alam ko naman na pinagkamalan nyo ako na ako yung impostorang yun e." Sabi ko.


Hinawakan niya ang mukha ko. Napakalambing niya sa akin magmula ng maging maayos kami.

"Binulag lang ako ng galit ko sa babaeng yon. Hindi ko narealized na magkaiba kayo. Mas bata pala ng sampung taon ang tunay na Sabrina." Anya.

"Hayaan nyo po at hahanapin natin siya para pagbayarin siya sa lahat ng mga kasalanang ginawa niya sa atin." Sabi ko.


"Kapag nahanap mo na ba siya babalik ka na sa New York at ipapa annull mo na ang kasal nyo ni Vince? Its your name kaya ikaw ang may karapatang magpa annull." Anya.



"Opo. Hindi po ako ang pinakasalan ng anak nyo kaya parang wala ng reason para magpatuloy pa iyon." Sabi ko.



"E paano ang mga bata?" Tanong niya ulit.



"Hindi ko po ipagkakait ang pangalan ko sa kanila. Mananatili po ako bilang ina nila kahit magkalayo kami." Sabi ko.



"Paano si Vince?"


Tumingin ako sa kanya. "You know about my feelings with your son, mama. Pero sa ngayon mas pipiliin ko po munang lumayo."



"Wala akong magagawa kung yan ang desisyon mo sa ngayon." Anya.


"Dont worry Mama, araw araw akong tatawag sa inyo at kapag umuwi ako dito sa Pilipinas dadalawin ko po kayo ng mga bata." Sabi ko.


"Aasahan ko yan." Anya.



Ngumiti ako sa kanya. Matagal pa kaming nagkuwentuhan bago ako nagpasyang umakyat sa taas. Doon ko lang naalala na wala pala akong mga damit doon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Vince.


"Hello." Sagot niya.



"Hello Vince pwede bang umuwi muna ako sa bahay ko? Nandon kasi ang mga damit ko e." Pagpapaalam ko.



My Unknown HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon