Alas tres na ng hapon nakabalik si Vince. Ang mga bata ay nakatulog dahil sa pagod nilang mag swimming kanina. Sina Terry at Tricia naman ay sumamang mamasyal kay Mang Kanor. Si Mama nagpapahinga din.Inabangan ko talaga sa may balcony sa harap ng bahay si Vince.
"Kumain ka na?" Bungad ko sa kanya.
Hindi niya ako kinibo at pumasok siya sa loob ng bahay. Mabilis naman akong tumayo at hinabol siya.
"Ipaghahanda kita ng pagkain kung gusto mo. Nagluto ako ng buttered shrimp at ginataang ulo ng Salmon." Habol ko sa kanya.
Huminto siya at humarap sa akin. Huminga ako ng malalim saka ako lumapit sa kanya.
"Tara sa kusina." Sabi ko.
Hinawakan ko siya sa braso at iginiya papunta sa kusina. Naupo naman siya doon. Para naman akong totoong asawa na ipinaghapag siya ng pagkain niya. Tahimik naman siyang kumain doon habang ako ay nakaupo sa harapan niya pero nag pipindot naman ako sa cellphone ko.
"May isla pala dito?" Tanong ko.
Pero hindi niya ako pinansin! Galit nga talaga siya sa akin. Ang hirap namang lambingin nito.
"Pwede bang pumunta kami nila Terry at Tricia sa isla na sinasabi nila? Isama ko na din ang kambal. Madami daw kasing star fish doon."
Hindi pa rin niya ako kinikibo. Natapos na siyang kumain at tumayo na. Iniwan niya akong mag isa doon! Kung susundan ko siya para lang akong tanga na walang kausap kaya tumayo na lang ako at iniligpit ang pinagkainan niya.
Padabog kong hinugasan ang mga plato. Wala akong pakialam kahit makalikha pa yon ng ingay. Nakita ko sa gilid ng mata ko na bumalik doon si Vince at may kinuha sa Cabinet. Hindi ko na lang siya pinansin. Maya maya pa ay narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya pinatay ko ang gripo at nagpunas ako ng kamay.
Unknown number ang nakalagay sa screen. Sinagot ko yon.
"Hello."
"Hi Sab. Si drew ito."
"Drew ikaw pala."
Kitang kita ko ang biglang paglingon ni Vince sa akin. Perfect timing ka Drew! Aasarin ko muna tong lalakeng to.
"Sino yung lalaki kanina?" Anya.
"Ah yon? Kuya ko. Siya yung nawawala kong kapatid." Sabi ko.
Ini loud speaker ko ang cellphone ko at naupo ako sa upuan.
"Oh, i see. Pakisabi sa kuya mo kung pwede ba kitang yayain mamasyal don sa Island dito." Anya.
"Sige. Gusto ko nga talagang pumunta sa islang yon. Pwede ko bang isama yung dalawang kaibigan ko?" Tanong ko.
"Yes of course. Kung gusto mo isama mo din yung kuya mong masungit." Anya.
Napatalon pa ako sa gulat ng suntukin ni Vince ang lamesa at lumikha ng malakas na tunog. Napatingin ako sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa akin at saka niya ako hinawakan sa batok at yumuko siya para siilin ako ng halik sa labi.
"Ano yun? Sab what happened?!" Narinig kong tanong ni Drew pero hindi ako makasagot dahil hinahalikan ako ni Vince.
Habol ko ang hininga ko ng pakawalan niya ang labi ko.
BINABASA MO ANG
My Unknown Husband
RomancePaano kung isang araw may isang lalaki na lang na biglang lumapit sayo at sinasabing asawa ka niya? Galit na galit siya at pilit ka niyang iniuwi sa bahay nila. Paano din kung malaman mong ikaw at ang babaeng pinakasalan ng lalaking yon ay iisa ang...