The next day ay ang mga bata ang naparating ko."Mommy!"
Nagulat pa ako ng mabilis akong niyakap ni keisha. Sa tuwa ko ay binuhat ko si keisha at pinupog ng halik sa pisngi.
"Ang bango naman ng baby ko!" Sabi ko.
"Hi mommy." Sabi ni Ivan saka humalik din sa akin.
"Kumusta ka na? Namiss ko kayo sobra!" Tuwang tuwa kong sabi.
"Same as you mom, maganda pa rin." Anya.
Natawa ako kay Ivan. Tumingin ako kay Irish na nanatili lang nakatayo malapit sa amin at nagmamasid. Sa kanilang tatlo ito ang pinaka nagtampo sa akin. Nagtama ang mga mata namin, nauna siyang nagyuko na tila nag aalangan kung lalapit ba siya sa akin o hindi.
"May tampo pa rin ba ang dalaga ko sa akin?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin at umiling. Namumuo na ang mga luha sa mata niya. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Im sorry mom!" Anya.
Ikinulong ko ang mukha niya sa mga kamay ko saka ko pinunasan ang mga luha niya.
"Its okey. Stop crying." Sabi ko.
Mabilis naman niyang pinunasan ang mga luha niya. Hindi ko alam pero sa tuwing titingin ako sa mga mata ni Irish ay parang nakikita ko ang mga mata ni daddy sa kanya. Humahawig pa nga siya sa akin.
"Anong kaguluhan ito?" Narinig kong tanong ni Tito Rene.
"Ah Tito, Mga anak ko pala este mga anak po ni Vince. Ito ang kambal na sina Ivan at Irish. Tapos ito po ang bunso si Keisha. Kids siya ang Tito Rene ko." Sabi ko.
Lumapit ang mga bata kay Tito Rene at tuwang tuwa silang yumakap kay Tito Rene.
"Ikaw po pala ang sinasabi sa amin ni Mommy na Tito niya. Its nice to meet you po, Lolo." Sabi ni Ivan.
"Finally po we've met Lolo. Sakto dala ko po ang sketch books ko at ang mga drawings ko!" Sabi naman ni Irish.
"Lolo, mommy told us you love kids." Sabat naman ni Keisha.
"Ay teka nga! Lumayo nga muna kayo sa akin!" Sabi ni Tito Rene.
Tila nagulat naman ang mga bata at mabilis na lumayo sa kanya. Mabilis naman akong lumapit.
"Tito." Sabi ko.
"Anong Lolo ang pinagsasabi nyong mga bubwit kayo?!" Masungit niyang sabi.
Napayakap naman sa bewang ko si Keisha dahil sa takot. Tumingin sa kanila si Tito Rene.
"Dont call me Lolo okey?! Call me Mamita!" Anya.
Hindi kumibo ang mga bata dahil medyo nagulat sila kay Tito Rene. Bumuntong hininga si Tito Rene.
"Ano ba?! Hindi naman ako Tigre na lalapain kayo e! Hali nga kayo ditong mga bubwit kayo! Yakapin nyo si Mamita!" Anya.
Bigla namang nabuhayan ng loob ang mga bata at mabilis nilang niyakap si Tito Rene. I know my Tito, malambot ang puso niya pagdating sa mga bata. Naikwento ko din sa kanya kung ano ang karanasan ng mga bata sa pamilyang kinalakihan nila.
BINABASA MO ANG
My Unknown Husband
RomancePaano kung isang araw may isang lalaki na lang na biglang lumapit sayo at sinasabing asawa ka niya? Galit na galit siya at pilit ka niyang iniuwi sa bahay nila. Paano din kung malaman mong ikaw at ang babaeng pinakasalan ng lalaking yon ay iisa ang...