Chapter Thirty Two

1.9K 60 0
                                    


Nang makalabas si Kuya sa hospital ay kusa siyang sumuko sa mga pulis gaya ng sinabi niya. Kinuha siya ng mga pulis at ikinulong. Hindi man ako nagdemanda sa pagpatay niya kay Daddy, kailangan naman niyang pagbayaran ang pagpatay niya kay Samantha.




Nagpabook na rin si Tito Rene ng ticket para sa pagbalik namin sa New York. Maiiwan si Terry sa Pilipinas at saka na lang susunod doon kapag malapit ng manganak si Tricia. Habang nandito pa ako sa Pilipinas ay ipinaayos ko ang luma naming bahay. Ipinalinis ko ito at kinuhanan ng caretaker.




"Maganda naman pala itong dati nyong bahay kapag nalinisan at naayos e." Sabi ni Terry.




Lumiwanag nga ulit ang bahay. Pinapalitan ko din kasi ito ng pintura. Dati kasi ay pinapinturahan ito ng kulay lavander ng mag ina. Ibinalik ko ang dati nitong kulay na peach. Pinalitan ang mga kurtina at pinatanggal ang lahat ng gamit ng mag ina. Pinatanggal ko na rin ang lumang bodega at nagpagawa ng panibago.




"Ikaw na ang bahalang magpaayos ng iba Terry. Baka kasi hindi pa ito tapos makabalik na ako sa New York." Sabi ko.





"Naku oo naman. Para paglaya ng kuya mo may mauuwian siya." Sabi naman ni Terry.




"Sa kanya na ang bahay na to pag uwi niya. Sana makapag asawa din siya noh? Para naman hindi siya malungkot. Kasi yung mga bata hindi na niya maiuuwi mga yon. Si Vince kasi ang nakalakihan nilang ama." Sabi ko.





"Guwapo naman ang kuya mo. Tsaka kung tuluyan na siyang magbago makakahanap din yun ng mapapangasawa niya."





"Sabagay."





Muli kong tiningala ang bahay. Napakadaming good and bad memories sa akin ng bahay na ito. Ito na ang bahay namin mula ng magkaisip ako.





Lumipas pa ang mga araw at bukas na ang flight namin pabalik ng New York. Ang bigat sa dibdib sa tuwing maiisip ko na aalis na ako. Una kong pinuntahan si kuya sa kulungan.




"Kuya okey ka lang ba dito?" Tanong ko.




"Okey lang ako." Anya.





"Bukas na ng umaga ang alis ko pabalik ng New York. Pipilitin kong makauwi dito sa Pilipinas kapag wala akong masyadong trabaho doon." Sabi ko.





Ngumiti siya sa akin.





"Bunso, ayusin mo na lang ang trabaho mo don. Huwag mo na akong alalahanin dito." Anya.




"Hey dont call me bunso. Ang tanda ko na kuya!" Sabi ko.




"Bunso din ang tawag ko kay Vince noon at pareho kayong ayaw ang endearment na yon." Anya.




"Para kasing pambata." Sabi ko.




Napailing iling siya. "Mag iingat ka doon. Wala ng Vince ang magliligtas sayo don."




Nakaramdam ako ng lungkot ng sinabi ni kuya yon. Tama siya, wala na ngang Vince ang magliligtas sa akin doon. Wala ng mangungulit at magtitiyaga para suyuin ako. Naramdaman ko ang paghawak ni kuya sa kamay ko kaya napatingin ako kay kuya.




"You cant deny the fact that you love him, pero may bagay lang na pumipigil sayo." Sabi niya.




"Kuya i dont love him." Pagmamatigas ko.





"Ramdam ko Sab. Kapatid mo ako kaya alam ko. Siguro dahil iisang dugo ang nananalaytay sa mga ugat  nating dalawa kaya nararamdaman ko yung nararamdaman mo. Madali sa akin ang basahin ang kilos mo, ang mga mata mo." Anya.




My Unknown HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon