Nang maiuwi na nila ang baby ni Tricia galing hospital ay wala ako. Nasa show ako at hindi ko din kasama si Tito Rene. Kaya nang umuwi ako na medyo susuray suray ay napatingin silang lahat sa akin."Oh! I thought nasa hospital pa kayo." Sabi ko.
"Sabrina lasing ka na naman! Ganyan na lang ba ang gagawin mo? After ng shows mo inom?! Kung ganyan ka lang din mas mabuti pang umuwi ka na lang sa Pilipinas!" Sabi ni Tito Rene.
Itinukod ko sa pader ang isa kong kamay at tinanggal naman ng isa kong kamay ang suot kong stilleto. Ibinato ko iyon sa sulok.
"Tss! Pinabalik mo ako dito sa New York tapos ngayon papauwiin mo naman ako ng Pilipinas? I cant understand you Tito Rene." Sabi ko.
Lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko. Siguro ay nasanay na ang katawan ko sa alak.
"Ano ba kasing problema mo ha?!" Tanong niya ulit.
"Kapag ba umiinom ibig sabihin may problema na? Hay!"
"Isasama ko na lang siya pauwi ng Pilipinas Tito." Narinig kong sabi ni kuya.
"Mas mabuti pa nga! Kesa nandito yan baka mamaya uuwi na lang yan na buntis!"
"Im still a virgin Tito! I dont mind those bastard who get crazy with my body!"
"Tingnan mo nga ang pananalita ng bruhang to!" Sabi ni Tito Rene.
"Tricia, dalhin mo yang baby mo sa taas. Naiingayan na yan sa kakatalak ni Tito Rene." Sabi ko.
Tumayo naman si Tricia at dinala na sa kuwarto ang baby niya. Sumama naman si Terry. Kinuha ko ang bote ng alak sa bag ko at muli yung itinungga. Pero may biglang humablot non sa akin kaya tumapon pa ang iba sa damit ko. Si Vince ang umagaw non.
"Ikaw na naman?! Bakit ba ang hilig mo akong pakialaman?!" Singhal ko kay Vince.
"Ano bang problema mo at lagi kang umiinom ng alak?" Tanong niya.
"Wala ka ng pakialam!"
"Iniidolo ka pa naman ng mga bata. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang lulong ka na sa alak?" Tanong niya.
Natigilan ako ng marinig ko iyon. Ano nga ang sasabihin ng mga bata kapag nalaman nila yon.
"Hindi mo ba naisip na sasama ang loob nila kapag nalaman nilang nagkakaganyan ka? Oo nga maganda ang trabaho mo pero sinisira mo naman ang kalusugan mo."
Pumalakpak ako ng mahina. Napasapo naman sa ulo niya si Tito Rene at parang sinasabing hindi tumalab ang mga sinabi ni Vince sa akin.
"Bravo! Look who's talking. What a good advice coming from my ex husband! Ikaw din naman walang pakialm noon sa kanila hindi ba? Kung hindi ako dumating hindi mo din makikita ang halaga nila sayo!"
Naglakad ako palapit kay Vince.
"Kumusta na nga pala kayo ni Maddie? Kailan ang kasal ninyo?" Tanong ko.
"Kuya, Tito Rene please allow me to give this woman the lesson what she need to learn." Narinig kong sabi ni Vince.
"Bahala ka na diyan! Sawa na ako sa babaeng yan!" Sabi ni Tito.
BINABASA MO ANG
My Unknown Husband
RomancePaano kung isang araw may isang lalaki na lang na biglang lumapit sayo at sinasabing asawa ka niya? Galit na galit siya at pilit ka niyang iniuwi sa bahay nila. Paano din kung malaman mong ikaw at ang babaeng pinakasalan ng lalaking yon ay iisa ang...