Seryosong nakaupo ang manager na tila ang lalim ng iniisip nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaking halatang nabigo.
"Anong nangyari?"
"Wala pa rin po." sagot ng unang lalaki habang napapakamot sa ulo at nahihiya na
"Sabi ng salesmen, mabilis daw po masyado." sagot naman ng pangalawang lalaki na hindi na makatingin ng diretso sa kausap
Bumuntong hininga ang manager at napatingin sa batang artista na sa kasalukuyang inaayusan sa isang tabi.
"Hangga't hindi nahuhuli ang magnanakaw ng posters at standees, masisira ang career nitong bata natin. Kung ano anong issue na ang kumakalat."
"Pero sir, parang imposible na po yatang mahanap natin sya."
"Magagawan pa natin yan ng paraan. Remind me how this little girl looks like."
"Babae po. Parang kasing edad ni Trevis. Maputi. Mahaba ang buhok. Nakaviolet na dress. Nakaponytail ang buhok---ARAY NAMAN!"
Agad na umilag ang lalaki sa kasama nya nang batukan siya nito.
"Ano bang problema mo?!"
"Tanga ka eh. Nagpapakahirap ka. May picture naman! Eto sir..."
"Eto lang daw po ang nakuha nila."
Inabot rin ng lalaki ang isang ponytail na pink.
"Pangtali ng buhok? Tsk. Walang kwenta ebidensya mo." pang aasar ng empleyado sa kasama
Kinuha pa rin ito ng manager at tiningnan naman ang litrato kahit ramdam nya pa ring nag aaway ang dalawang empleyado.
"Hmm, hindi na talaga ako natutuwa sa batang babae na 'to"
"Wala naman pong ginagawang masama yung bata ah?"
"Walang ginagawang masama? Well she's stealing the posters and standees of our child star. And its causing a bad impact of issues."
Gumanti ang lalaki at binatukan naman niya ang kasama.
"Yan! Tanga ka kasi."
"Anong tanga?! Ikaw dyan yung---"
"Pwede na kayong lumabas. Doon nyo nalang ituloy ang away nyo."
Agad namang nakaramdam ng hiya ang dalawang empleyado at naglakad papalabas ng studio habang nagsisisihan pa rin.
Tanging boses na lamang ng make up artist ang naririnig nang biglang magsalita ang batang artista sa manager nya.
"Ano po yan? Sino po yung nasa picture?"
Agad na napaisip ang manager. Panahon na siguro para huwag na nilang ilihim sa bata ang totoong nangyayari.
"Trevis, sya ang nangunguha ng posters at standees mo."
Nagtaka ang manager nang makitang nakangiti ang artista habang tinitingnan ang litrato.
"Bakit parang natutuwa ka?"
"Wala lang po. Pwede po bang akin nalang yung picture?"
BINABASA MO ANG
Poster Girl [EDITING]
Teen FictionPUTOL PUTOL ITO. FOR REVISING. WAG MO NA MUNA BASAHIN.