Chapter 9 : Friends?

190 16 1
                                        

Allison

"Himala, ang tahimik."



Yan agad ang sinabi sa kin ni Cathy nang umupo na sya sa dining area. Dito na ako magdidinner sa bahay nila at dito na rin ako matutulog. Sa tagal na naming magkapitbahay at magkaibigan, sanay na kaming ganito.


"Daming ginawa sa school. Nakakapagod." sabi ko habang inaabot nya sa kin ang isang pinggan. Dalawa lang kaming nasa table. Nauna na ang nanay at tatay nya.


"Kelan ka pa nanahimik ng dahil sa pagod? Wag ka ngang magbiro Alli."

"Wala nga."

"Bahala ka. Akin na 'to."

Kukuha palang ako ng kanin nang bigla nyang iniwas sa kin ang kaldero.

"Hoy ang bad mo."

"Joke lang! Eto na."


Binalik na nya ulit sa table ang kaldero ng kanin. Ilang minuto rin kaming tahimik na kumakain nang bigla syang magsalita.




"Hindi ko pa rin feel na kaklase nyo na si Rev. I mean, parang ang bilis lang ng pangyayari. Dati parang sobrang layo nya."


Tumango lang ako para sumang-ayon. Wala ako sa mood pag usapan.


"Nag uusap ba kayo?"



Napatigil ako sa tanong nya. Nag uusap nga ba kami?



"Kailangan ba?"



"Wow, ang ganda mo ha. Alam mo, halatang umiiwas ka sa kanya."



Napabuntong hininga ako bago makapagsalita. Halata ba talaga?


"Wala rin namang point kung mag uusap kami di ba? Ewan ko pero mula ng lumipat sya sa school natin, parang hindi ko na sya crush. Nag iba na ang tingin ko sa kanya. Lalo na nung sinabi nyang hinahanap nya si poster girl. Ang creepy rin nya, nalaman nya agad na sa school natin nag aaral yung hinahanap nya."



Tahimik lang na nakikinig si Cathy habang nagsasalin ng tubig sa baso. Itinuloy ko ang sinasabi ko.


"Cathy, hindi nya pwedeng malaman na ako si poster girl. Let's face it, his world is entirely different from ours. Hindi natin alam ang dahilan kung bakit nya ko hinahanap at hindi rin natin alam kung anong magiging epekto. Mabuti na yung safe. Baka mamaya ikapahamak ko pa. Dagdag problema."


Hindi sumagot si Cathy at parang ang lalim ng iniisip. Naging tahimik ulit ang paligid.





"Paano yun? Eh hindi daw sya aalis sa school hanggat hindi nya nahahanap si poster girl?"




"Magsasawa rin yun."

*****


"SABI KO SAYO DAPAT NAG TRICYCLE NALANG TAYO EH!"


Padabog na inagaw ni Cathy ang suklay sa kamay ko at nagmamadaling sinuklay ang buhok nya. Nagmovie marathon pa kami kagabi kaya pareho kaming late ng gising ngayon. Lagot na.


"Hayaan mo na, nakarating naman."


Dumeretso ako at lumiko naman sya papunta sa classroom nya. Teka, parang may nalilimutan ako.



"HOY SUKLAY KO!"

"Mamaya na!"

Lokong babae. Inagawan pa ko ng suklay, hindi pa ako nagsusuklay.


Poster Girl [EDITING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon