Chapter 7: Groupmate

202 17 4
                                    

Allison

"Alam mo, adik ka na. Malala na yan."


Natatawang sabi ni Cathy habang nagbabayad ng drinks sa canteen. Lunch break na kinwento ko na sa kanya ang tungkol kay Rev. Hindi nya ako mapaniwalaan.




"Seryoso ako. Si Rev talaga! Hinahanap si poster girl." pabulong kong sabi. Mahirap na kapag may nakarinig.




Naglakad na kami papunta sa isang table kung saan kumakain ang mga kaibigan namin. Sa mga kaklase ko pa rin sumasama si Cathy kahit iba na ang section nya.



Bago palang ako uupo nang biglang magsalita si Sam.


"Hay nako sayang ka Cathy! Kaklase namin si Rev!"

"Bruha ka! Ako dapat ang magsasabi, inunahan mo ako." pagrereklamo naman ni Julie



"Ano bang trip nyo? Kanina pa rin ako kinukulit ni Alli na nandito na sa school natin si----PUTANG-----"




"SHHH! Bawal ang bad words. Magagalit si Barley." sabi ng kaklase at kaibigan rin naming si Greg na kasama rin namin sa table. Katabi nya ngayon si Cathy kaya agad nyang natakpan ang bibig nito bago pa makapagmura nang makitang dumaan si Rev.

Si Barley ang teacher namin sa Christian Living last school year. Ayaw nya ng may nagmumura. Okay sana syang teacher kaso sya na mismo ang nagresign dahil nagkakacrush daw sya sa isa naming schoolmate. Hahaha.


"YUCK! Amoy luya kamay mo!" nandidiring sabi ni Cathy nang tanggalin nya ang kamay ni Greg sa bibig nya.

"Huhu. Ang bad naman ni Cathyntahan ko. Tinataboy ako." Nagpout pa si Greg habang nagpapacute ka Cathy. Loko talaga 'tong lalaki na 'to. Lahat yata ng maging kaklase namin naging crush na nya.



"Yan. Ayaw pa kasi maniwala." Pag iiba ko ng usapan dahil halatang naiinis na si Cathy kay Greg


"B-bakit sya nandito?"

"Para mag aral syempre." sabi ni Greg

"Para kumain! Masarap daw kasi ang lunch dito. Hehehe." sabi ng kaibigan naming mataba na si Dong.

"Para matagpuan ang destiny nya. At ako yun!" sabi ng kaibigan naming bading na si Apple.

"Para maka experience sa regular na school?" sabi ni Julie


Oo. Ang dami naming magkakaibigan dito sa lunch table  -___-


Wala yatang sasagot ng maayos kaya ako na ang nagsalita,

"Para nga daw hanapin si poster girl."

"Hala! Paano---"

"Mga momshie tingnan nyo si Rev, ang gwapo! Umiinom ng tubig!"

Agad naman akong napalingon. Wala lang hahaha hindi naman masamang tumingin.

"Hoy! Wag naman tayong sabay sabay tumingin, halatang halata tayo." sabi ni Sam

Haaays. The perks ng marami kayong magkakaibigan. Kapag may tinurong isa, sabay sabay titingin lahat. Pero okay lang, masaya naman.


"Alli, ikaw muna tumingin." sabi ni Cathy

"Natingnan ko na."

"Greggy ikaw na." sabi ni Apple

"Anong titingnan ko dyan? Mas gwapo ako dyan. And dont call me Greggy. Nakakaputa."

"Halaaa. Lagot ka kay Barley!" sabay sabay naming nasabi.

*****

"Para mas madali, by friends nalang ang groupings."

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko nang sabihin ng teacher na by friends ang groupings ng bago naming group report. Si Rev kaya? Kanino makikigroup?


Speaking of Rev, hindi ko sya katabi sa classroom ngayon. Pinagbigyan ko si Apple. Nagpalit kami ng upo. Ayun, tuwang tuwa dahil katabi nya ngayon si Rev. Haha bahala sya.

Nagpasa na kami ng papel kung saan nakasulat ang members ng group. Syempre si Greg ang nagsulat. Kahit lalaki ang ganda at linis magsulat eh. Best in writing nung grade 5. And yes, since elementary kami magkakaklase. Ako, si Cathy, Greg, Sam, Julie, Dong at Apple.

"Trevis sinong groupmates mo?" nagtatakang sabi ng teacher nang makitang nagpasa si Rev ng papel na pangalan nya lang ang nakasulat

"Bakit? Kailangan pa ba ng groupmates? Madali lang naman."

Wow ha. Edi sya na ang magaling.

"But this is a group activity. Hindi ka pwedeng magsolo. Oh eto, ilalagay nalang kita sa group nina Apolinario."

Kitang kita kong hindi maitago ni Apple ang ngiti nya nang malamang magiging groupmate namin si Rev.


Poster Girl [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon