Trevis
Ang tagal ko rin bago sya makumbinsi na magpahatid sa kin. Parang palagi nalang akong iniiwasan ni Allison. May kasalanan kaya ako sa kanya? May mali ba sa ginagawa ko ngayon?
Hindi na ako sumama sa mga kaibigan nya papunta sa mall. Sa totoo lang may taping ako ngayon, tumakas lang ako. Nakakatamad kasi. Parang tanga yung isa naming director doon. Lagi akong pinipilit suotin yung parang tanga na sweater.
"Teka san ka pupunta?"
Bigla nalang kasing lumiko si Alli papunta sa mga nakapilang tricycle. May time pa rin talaga na hindi ko sya maintindihan.
"Uuwi na ko di ba?"
Huhu bakit parang lagi syang badtrip kapag kausap ako? Alli naman eh. Mababakla yata ako sa mga kasungitan mo.
"Ihahatid kita di ba?" seryoso kong sabi. Bwahaha magsusungit din ako. Iyon yata ang uso sa kanya ngayon
"Rev, ano bang kailangan mo? Kailangan ko ng makauwi agad. May gagawin pa ako para sa student government, magrereview pa ako para sa quiz bukas, may assignment pa kami sa---HOY! AKIN NA YAN!"
Inagaw ko nalang ang bag nya at tumakbo na papunta sa parking ng kotse ko. Kapag kinuha ko ang bag nya, aagawin nya mula sa k at susunod sya sa kin. Im a genius! Angal pa kasi ng angal, ihahatid lang naman.
Tumigil na ako nang makarating na ako sa kotse. Habang sya, tumatakbo palang. Sorry talaga Alli, pero nakakatuwa ka palang pagtripan. Hehehe.
"Manong Bert, pabukas!" Halos sumigaw na ako para marinig nya ako. Full volume kasi magpatugtog itong si manong kapag solo syang naghihintay sa loob
Binuksan na nya ang pinto at agad akong pumasok sa loob. Nasan na kaya si Alli?
"Hoy Rev! Akin na bag ko! Feeling close!"
Ayan na pala.
"Ako pa ngayon ang feeling close? Ikaw dyan ang habol ng habol sa kin eh. Tsk. Pakipot ka pa. Alam ko namang crush mo ak---"
"Sira! Hindi ka na nakakatuwa!"
Hahahaha galit na galit. Ang kyot nya. Mukhang manok na hindi mailabas ang itlog.
"Hindi na? Ibigsabihin, nakakatuwa ako dati?"
Tumalikod nalang sya sa kin at naglakad na paalis. Hala? Give up na agad? O baka naman nagtatanggal lang ng kulangot na narealize nyang kanina pa pala nakadisplay sa ilong nya habang kausap ako? Pero wala naman syang kulangot kanina eh.
Sinundan ko sya dahil nasa akin ang bag nya. Aanhin ko namanto di ba?
"Allison! Hoy!"
Humarap sya at nakita kong namumula ang mata. Shit. Ang tanga ko. Pinaiyak ko pa yata.
"Rev, please, marami pa kong gagawin."
This time, hindi na sya pasigaw. Naawa tuloy ako bigla. Inabala ko pa sya.
Inabot ko na ang bag nya. Shit naman. Nanginginig kamay ko pag aabot. Parang tanga. Nagguilty na ko.
"Ayaw mo pa kasing magpahatid sa kin."
Inakbayan ko na sya para hindi na ulit umalis. Oo na, feeling close na. Naglakad na kami pabalik sa kotse. Halos mapangiti ako nang maramdaman kong parang wala na syang balak na umangal at hindi umalis sa pagkakaakbay ko.
*****
Ang tahimik namin sa kotse. Tanging ang mga puro rap na patugtog ni manong lang ang naririnig. Nakakainis. Ang boring. Bakit hindi sya nagsasalita? Parang ganito rin dati nung magkatabi kami sa classroom. Ano kayang magandang sabihin? Dapat yung gwapo ang datingan! Dapat yung kikiligin sya at makakalimutan nyang napaiyak ko sya kanina! Nevermind, bahala na.
"Uhm, hi."
YAK! ANG BAKLA! SA DINAMI RAMI NG PWEDE KONG SABIHIN.
Mabuti nalang mahina ang boses ko nung sinabi ko yun. Hindi nya yata narinig. Take two! Hindi ako prepared, walang script!
"Uy, sorry."
YOWN! #MedyoGoodboy
"Its okay." Sabi nya habang hindi pa rin tumitingin sa kin. Nakatingin lang sya sa bintana at iniimagine yata na nasa music video sya. Alam ko kasi ginagawa ko yun nung bata ako kapag napagalitan ako.
"I know its not okay."
POGI KO TALAGA KAPAG NAG EENGLISH!
"Nagtanong ka pa."
"Anong ginawa nyo kanina? Anong meeting yun?"
#InibaAngTopicKasiNapahiya
"Meeting ng school government."
Kanina ko pa naririnig yang lintik na school government na yan. Nakakain ba yun?! Hep! be polite Rev da pogi.
"Ah ganon ba, hehe. Ano ba yung school governor?"
"School GOVERNMENT. Parang overall officers sa mga estudyante sa school."
Governor at government? Tulad lang naman.
"Ahh eh anong position mo?"
"Secretary."
"Ahh."
Wala na akong masabi. Ang boring ng topic namin. ayaw ko talaga sa mga usapang pang school. Masyadong proper.
Naramdaman kong parang may nauupuan akong papel. Shit. Yung picture ni poster girl! Nalukot na.
This gives me an idea.
Inayos ko muna ang picture. Tanggalin muna ang lukot para hindi gaanong halatang nalukot na sa ilalim ng pwet ko.
"Allison, kilala mo ba sya?"
"Hindi. Uyyyy dito na pala ako bababa. Hehe. Ang bilis."
Tumingin ako sa bintana at hinanap ko ang kulay blue nilang bahay. Wala naman. Nandito palang kai sa ihawan ni Mang Elmer
"Doon pa sa dulo ang bahay nyo di ba? Tanda ko eh." sabi ko pero hawak na nya agad ang bukasan sa pinto ng kotse
"Oo pero...hehe papaload pa ko doon sa tindahan eh. Bye! Thanks!"
*****
Author's Note:
UTANG NA LOOB MGA TEH AT KYAH. WAG NYO MUNA BASAHIN TO PLS. HUHUHUHUHU. Inaayos ko pa po ito dahil i was like 14y/o nung sinulat ko to. It was such a long time ago and my writing sucks more noong mga panahong iyon.
Kaya ples, istap muna. Im renovating dis for a better reading experience hahaha. In the mean time, you may read my other story: "If Art Was A Person"
Pinsan po ni Trevis ang bida doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/27030961-288-k323379.jpg)
BINABASA MO ANG
Poster Girl [EDITING]
Teen FictionPUTOL PUTOL ITO. FOR REVISING. WAG MO NA MUNA BASAHIN.