Allison
"Bye. Madapa sana kayo."
Padabog kong binuksan ang gate para makauwi na ang dalawang bruha.
"Grabe ka naman Alli." Malungkot na sabi ni Julie kahit halata namang nag aacting lang. Habang si Sam naman ay napapatalikod na para magpigil ng pagtawa.
"ALIS NA!"
Isinara ko ng malakas ang pinto namin. Immature na kung immature pero hindi ko mapigilang magalit ng sobra kapag inaaway nila si Rev my loves.
Nakakapikon kaya. Napagtulungan ba naman akong asarin kanina. Hindi daw gwapo si Rev. Hmp.
Sa harapan ko pa gumawa ng negative acronyms para sa pangalan ni Rev.
T - tunay na bading, R - rabbit na bingot, E - elepanteng payat , V -very pacool----Argh! Nevermind! Nababadtrip lang ako kapag nirerecall ko.
"HOY! Ang lakas mong magsara ng---"
Tumakbo na agad ako nang marinig ko ang pagsigaw ng kapatid ko. Mahirap na. Baka kung ano pa ang gawin sa kin kapag lumabas na sya ng kwarto.
Kaya bumalik nalang ako ulit sa kwarto ko. Nakakastress ang mga tao ngayon. Kailangan ko makita ang boypren ko, to cheer me up.
And as always, isstalk ko muna ang profile ni Rev. Magtatampo yun sa kin pag hindi ko sya inistalk. Tinype ko na ang pangalan nya.
As always puro poser, wala eh, artista eh. Pero syempre alam ko kung alin yung official, sa ilang taon ko ba namang crush yan.
Ayan na! May bago syang pictures sa wall nya. Yung unang picture, nasa Starbucks. 467 likes agad! Two hours ago nga lang.
Caption:
Goodevening po :)
OMG!
Ang astig ng caption, at...at...at...ang p-pogi nya!
Kinuha ko ang supot na nakapatong sa table ng kwarto ko at hinipan ito.
Woo! Inhale...exhale...kalma, Alli, kalma. Bawal ang maingay. Magagalit yung bruha sa kabilang kwarto
Magbabasa na lang ako ng comments sa picture nya.
Loading..
Loading..
Ang tagal. Siguro ang dami nito.
Loading..
Loading..
At eto ang ilan sa mga comments na nakita ko...
Goodevening din babe
Ohmygosh your so cute kahit kelan talaga. Iloveyou!
Hi Rev. Akin ka lang ha <3
Gwapo ni idoooool! Weloveyou!
Wait for me baby, pupuntahan kita dyan! Pogi moooo!
Ang hot mo talaga kahit kailan. Loveyou Rev!
SUBUKAN LANG NILANG AGAWIN SI REV KO, PAPATAKAN KO SILA NG ELMERS GLUE SA BUTAS NG ILONG! I WONT LET THEM GET AWAY WITH THIS--wait, nag english ba ko? OMG! Nag english ako! Im so proud of my self!
Pero seriously nakakairita. Ang kakapal naman ng mukha nila. Sa tagal kong crush si Rev, never ako naging ganyan. Di nga ko nagcocomment or like man lang eh. Ni hindi ko nga sya inaadd. Hanggang ganito lang ako. Hindi ko kayang mag voiceout sa kanila through social media. Dahil dati ko na rin itong ikinapahamak. Kaya silent type lang ako pagdating kay Rev. Makita ko lang sya masaya na ko.
Wis anu daw? Hahahaha.
Hindi ko na tiningnan yung mga comments dahil baka makapag aksaya pa ako ng glue na ipupusit ko sa ilong nila
Tiningnan ko nalang yung ibang pictures.
Kaso may bigla akong nakitang weird na caption...
Tanda nyo pa si Poster Girl? Hahaha throwback!
WTF.
Tanda nya pa rin yun?
It was like seven years ago!
Nakita ko sa picture ang sarili ko. Nung seven years old ako. Nakaviolet na dress at tumatakbo habang hinahabol ng dalawang salesmen habang hawak hawak ang poster ni Rev. Nung time na nawala ko yung favorite kong pang ponytail.
Nakakahiya. This time hindi ko na napigilang mapasigaw.
"Waaaaa! Nakakahiyaaaa!"
Bumukas na naman ang pinto sa kwarto ko at bumungad ang pagmumukha ng kapatid ko.
"Oo nakakahiya, nakakahiya ka sa kapitbahay, ingay mo na naman. Im trying to sleep nga eh."
"Lagi ka namang tulog ate."
"Yup. Kaya nga nauso ang beauty rest. Hay, ganda problems."
With matching hair flip pa syang lumabas ng kwaro ko. Hirap talaga ng GGSS ang kapatid. Di katulad ko, maganda na talaga.
Hmm back to the throwback thing, sabagay hindi na siguro nila ko makikilala dahil 15 na ko. Ang layo ng itsura ko dun sa picture ko nung seven ako.
Oh well. I'll just keep calm and ignore them.
Kahit alam kong hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
Poster Girl [EDITING]
Novela JuvenilPUTOL PUTOL ITO. FOR REVISING. WAG MO NA MUNA BASAHIN.
![Poster Girl [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/27030961-64-k323379.jpg)