Allison
"Ilan ang absent?"
"Tatlo po." sagot ng class secretary namin (sya yung nakakainis na nagpaalala pa ng assignment nung minsan) Nasa unahan sya ngayon at pinapabasa sa teacher ang listahan nya ng attendance. Sya ang nagchecheck ng attendance araw-araw.
"Akala ko naman kumpleto kayo ngayon. Sino sino naman ngayon?"
"Flores po may lagnat. Santos po sinusundo ang tatay sa airport. Benitez po---"
"Teka, sinong Benitez? Yung artista?"
"Opo."
"Wala na naman yatang balak pumasok yung batang yun. Wag na nating isama sa class picture kung hindi na talaga magpaparamdam."
Totoo ang sinasabi ng teacher. Wala na yatang balak pumasok dito si Rev. Hindi rin daw nagchachat man lang kung kanino. Three weeks na ang nakakalipas nang huli namin syang makasama sa cafeteria. Three weeks na syang absent.
Pero okay na rin ang ganon, komportable na ulit akong nakakasama sa mga kaibigan ko. I knew this would happen. Magsasawa rin sya sa paghahanap kay poster girl.
"Busy siguro talaga ang buhay nya." sabi ni Dong.
Mula nang umabsent si Rev, tinatabihan na nya ako. Mas gusto nya raw kasing umupo dito sa likod dahil hindi mahahalata ng teacher kapag kumukuha sya ng pagkain sa bag nya.
"Busy pa sya sa bahay, nag aalaga ng anak namin."
"IN YOUR DREAMS BADING!"
"MANGILABOT KA SA SARILI MONG MGA SALITA APOLINARIO!"
Halos kalahati ng klase ang nagreact sa sinabi ni Apple. Pati ang teacher ay muntik ng mapatawa. Hindi pa daw kasi sya move on kay Rev. Naniniwala daw syang babalik si Rev at hindi babalewalain ang one week realationship nila. Loko talaga.
"Joke lang syempre. Kay Alli na yung afam na yun. Yieeee."
"HOY WAG MO AKONG DINADAMAY SA---"
"Sinong kay Alli?"
Nagulat kaming lahat sa nagsalita mula sa pintuan.
"Oh Benitez, mabuti naman naisipan mo pang pumasok kahit late na late ka na. Third subject na at---"
"At wala akong pakialam. Ang mahalaga dumating pa ko di ba?" Ngumiti pa sya ng may pagka sarcastic sa teacher.
Tahimik lang ang klase at halos lahat ay nakatingin sa kanya dahil sa pinakita nyang attitude.
Hindi na talaga yata 'to magbabago. Simula pa nung first day ni Rev sa school namin, wala na talagang paggalang sa mga teacher. Hindi man lang makapag "po" or "opo". Pero kapag sa mga kaklase naman mabait sya. Hay.
Umalis na si Rev sa unahan at naghanap na ng upuan. As always wala pa rin dalang bag. Tinitiklop lang sa dalawa ang isang notebook na maliit at nilalagay sa bulsa kasama ng ballpen nyang de-pindot.
Since magkatabi na kami ni Dong, umupo nalang sya sa kabilang upuan na katapat ko.
"Dont look at me like that, I dont give a fuck about seat plans." sabi nya sa teacher at mga kaklase naming makatingin pa rin sa kanya
Bumuntong hininga ang teacher at nagsimula nalang magdiscuss ng lesson.
*****
BINABASA MO ANG
Poster Girl [EDITING]
JugendliteraturPUTOL PUTOL ITO. FOR REVISING. WAG MO NA MUNA BASAHIN.