Allison
"...Baka nga hanggang ngayon pinag uusapan nila yang poster girl thingy na yan eh. At dahil sa pahamak na throwback post na yun, ay naging mahirap ang buhay ko sa school kanina. Grabe, di ba?"
Kakatapos ko lang ikwento sa ate ko ang nangyari sa school kanina, habang abalang abala syang nagseselfie sa harap ng salamin.
"Ha? Paulit nga. Hindi ko narinig", sabi nya kasabay ng pagtatanggal ng earphones.
Wait, earphones?! Seryoso?!
Ang haba ng kinwento ko ha.
"Dali, kwento mo na ulit. Di na muna ako magpapatugtog."
"Wag na."
"Hay nako, tampo na si poster girl. Hahaha."
"Dont call me that!"
"Dont call you what?"
"That!"
"Poster girl baaaa? Hahaha"
"Argh!"
"Oh ano, ikekwento mo ba ulit or--"
"Fine.", huminga ako ng malalim, rolled my eyes, at nagsimula ulit, "Ganito kasi, pagdating namin ni Cathy sa school. Rinig na rinig sa bawat corridor ang--"
"Alli! Pabukas ng pinto!"
Speaking of Cathy, nasa labas siya ng bahay namin ngayon. Ang dakila naming kapitbahay na laging panalo sa bingo at dakila kong kaibigan since elementary. Next time na sya kumatok. August pa lang. Wala pang nasisimulang trick or treat.
Hindi ko bubuksan ang pinto. Bahala sya, busy ako. Kahit kumatok pa sya hanggang madaling araw.
Im too kind to our visitors. Hehe.
Isa pa yang si ate na wala ring pakialam sa mga kumakatok. Nagpatuloy lang sya sa pagseselfie. Tapos mamaya nakapost na agad. Sus wala namang naglalike. Dati inuutusan pa ako na mag gm sa mga kaklase ko na i-like profile pic nya eh.
Ugh, my uto-uto days.
Pero syempre bubuksan ko pa rin ang pinto dahil palagi namang ako ang taga bukas dito. Kulang nalang magsuot ako ng pang security guard. Pero wag na. Makati at mainit ata yung tela nun. Teka bakit ko ba pinoproblema yun?
Woops! Bubuksan ko nga pala ang mahiwagang pinto.
Nalimutan ko na.
Aww pati ba naman yun kinakalimutan na.
"Alli pabukas! Alam kong nandyan ka, kitang kita ko ang pagmumukha mo sa bintana!"
Tsk. Ang hirap talagang itago ng natural beauty. Natural beauty nga mahirap itago, feelings pa kaya.
"Ano na naman?", sabi ko with pamewang effect pagkabukas ko ng pinto
"Diyan muna ako. Nagtatago ako kay Kuya."
"Ah okay. Bakante dun sa aparador. Ikaw na bahala sa mga ipis, friendly naman sila basta magpapakilala ka at kapag maganda ang first impression nila sayo. Tatlo sila. Si Jobert ang pinakamatanda sa kanila. Mabait naman yun. Si Jaymark naman medyo masungit pero--"
"Alli naman!"
"Oo na! Doon ka sa kwarto ko bilis!"
Nagmamadali syang pumasok sa kwarto ko at nilock ang pinto. Ewan ko kung anong trip niya, basta hihiga nalang ulit ako sa sofa habang nagkukutkot ng kuko sa kamay.
"Tao po? Hello? Tao po?"
May naglalaro yata ng pinoy henyo sa labas.
"Tao po?"
BINABASA MO ANG
Poster Girl [EDITING]
Fiksi RemajaPUTOL PUTOL ITO. FOR REVISING. WAG MO NA MUNA BASAHIN.