Allison
At dahil nakatulog ako ng maaga kagabi, nakalimutan ko na mag assignment sa isa naming subject, first period pa naman. Aabot pa sana kung gagawin ko bago pumunta ng school kaso naalala ko lang nang makarating ako sa classroom. Hindi pa naman ako sanay ng pumapasok ng walang assignment.
Tahimik akong nakaupo sa armchair habang nagwiwish na sana hindi maalala ng science teacher namin na may assignment. Mabuti nalang parang hindi nya natatandaan. Huhu lagot talaga ako kapag----
"Maam may assignment po!" Halos pasigaw pang sabi ng kaklase ko. Argh. Palibhasa top 1 sya last year.
Tiningnan ko sya ng masama kaya agad syang nagtaka at nanahimik nalang.
"Yes ofcourse, salamat sa paalala. But let me announce first that we will have a new student in this class. I'll go get him."
Rinig kong nagbulungan ang mga nasa unahan ko.
"Hala? HIM daw ibigsabihin lalaki yun. Sana gwapo."
"Oo nga, pagkakataon na natin to."
Hindi ko nalang sila pinakialaman. Nangyari na rin to last year at nung isa pang taon. Innanounce na may transferee sa klase namin. Isa pa ako nun sa mga umasa na gwapo ang darating. Hindi naman pala. Taon taon na rin silang nadidisappoint. Kaya please lang, Im signing out. Ayoko na umasa sa mga transferee.
Ang importante lang sa kin...lumabas amg teacher! Yes! Pagkakataon ko na to para mag assignment. Para pagbalik nya, may sagot na ako.
Ito na yung moment na sobrang ingay ng klase kapag lumabas yung teacher, pero syempre break muna ako sa pag iingay. Kailangan ko sagutan ang assignment.
Kinuha ko na ang libro at notebook at nagsimulang magsulat. Tsk. Ang haba pala ng susulatin. Sana umabot ako.
Ilang sandali biglang tumahimik ang maingay naming klase. Nandyan na siguro si maam. Tuloy lang ako sa pagsusulat. Aabot ako, tiwala lang, matatapos ko 'to.
"Oh my gahd." Narinig kong sabi ng kaklase naming bading na tila parang gulat na gulat sya.
Sabi ko na nga ba. Another year of disappointment. Asa kasi ng asa na pogi yung transferee. Hindi ko nalang tiningnan at nagpatuloy na sa pagsusulat.
"Kindly introduce yourself."
"Hi, Im Trevis."
Wag kang baliw Alli. Kapangalan lang yan. Wag kang lilingon. Focus on your assignment.
Narinig kong naglakad na agad sya para umupo at agad na pinigilan ni maam. Ano ba yan, nakatingin ako sa notebook ko pero yung utak ko sa iba nakafocus. Argh.
"Is that all you can say about yourself?" Tanong ng teacher namin na tila parang pinapabalik ang transferee sa unahan at dagdagan pa ang sinabi nya.
"And Im here to find poster girl."
YAN ANG HINDI KO NA KAYA.
Laking gulat ko nang tumingin ako sa unahan. Kaya pala parang sobrang nagulat ang mga kaklase ko. Dati ko na syang nakita sa personal noong nanunuod pa ako ng mallshows nya kaya hindi na ako gaanong nagulat na sobrang gwapo nya lalo sa personal. Sa ibang bagay ako nagulat.
Nagulat ako sa idea na ang isang artistang kasing edad namin ay nandito ngayon sa classroom namin at hinahanap si poster girl.
Kahit crush ko sya, bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Lalo na at parang seryoso ang boses nya nang sabihin nyang hinahanap nya si poster girl.
Strike two na 'to. Kagabi nagpost sya ng lumang picture ko, ngayon hinahanap na talaga nya ako. Bakit ba hindi sya makaget over? Bakit nya ako hinahanap? May atraso ba ako sa kanya? May masama kayang naidulot sa kanya yung pagkuha ko ng posters nya nung bata pa kami?
Kagaya nya, bata lang din ako noon. Hindi ko naman sinasadya. Mabuti naman akong fan eh.
Sa sobrang pag iisip ko ay ngayon ko lang namalayang papalapit sya sa upuan sa bandang likod. Sa upuang katabi ko. Shit naman. Nahalata nya kaya agad na ako si poster girl? Nakakatakot na.
At mas lalong matinding kaba ang naramdaman ko nang umupo sya sa upuang katabi ko. Shit. Sa dinami rami ng upuan bakit dito pa?
Kahit sobrang tahimik ngayon sa classroom, halatang kilig na kilig ang mga kaklase kong babae. Pero bakit hindi ako kinikilig? Mas nakakakilig pa kapag sa tv ko sya nakikita dahil alam kong imposibleng kaming magkalapit ng ganito.
"Trevis, may sinusunod kaming seating arrangement dito. Dito ka sa second line katabi ni---"
"What?! May seating arrangement pa?!"
Nagulat kaming lahat sa ipinakitang reaction ni Rev. Pasalamat nalang sya mabait ang teacher namin. Nakangiti pa rin ito na tila iniintindi nalang sya.
"Oo. Ganito talaga kapag---"
"Ang arte naman dito. Why can't I sit wherever I want?!"
Ngumiti nalang ng matipid ang teacher at hinayaan nalang sya. Grabe pala itong si Rev. Akala ko perfect na sya.
Awkward pa rin ang katahimikan ng klase habang nagsusulat na ang teacher sa board ng kokopyahin naming karagdagang information na wala sa book.
Nagsulat nalang rin ako. Kahit halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayong katabi ko sya, mas mabuti pang hindi nalang ako magsalita. I need to stay out of trouble.
"Shit."
Napabulong nalang ako sa sarili ko nang naramdaman kong may kumalabit sa kaliwa kong balikat.
Dahan dahan akong lumingon. Please sana hindi si---
"Rev nga pala."
Nagtaka ako nang makitang ang seryoso nyang mukha, ngayon ay napalitan na ng ngiti. Ano sya? Bipolar?
Inextend nya ang kamay nya para makipag handshake sa kin.
Shit. Magdidikit kamay namin? Huhu hindi pwede! Pasmado kamay ko. Palaging pinapawisan kapag nagsusulat. Nakakahiya. Baka mandiri sya.
"Ah...eh...nice to meet you nalang. Pasensya, pawisin kamay ko."
"May arte ka rin pala." Natatawa nyang sabi at agad na...na...
Kinuha ang kamay ko para makipaghandshake.
Please lang, gusto ko na sapakin sarili ko. Nananaginip lang ako.
Nagpatuloy na ulit ako sa pagsusulat. Ang awkward pa rin ng paligid. Napansin kong hindi sya nagsusulat kaya naisipan kong kapalan ang mukha at ibreak ang silence.
"Hindi ka magsusulat?"
"Why should I?"
Tsk. Bahala sya. Hindi ko na nga sya kakausapin.
"You know what, you're different."
Ngumiti sya ng nakakaloko habang nakafocus sa paglalaro ng de pindot nyang ballpen na halatang binili lang sa maliit na tindahan sa school namin.
"Ha?" Sabi ko. Wala na akong maimik. Nakakapagtaka na.
"Im really sure you're not poster girl."
"H-hindi talaga." Nauutal kong sabi. Please lang sana hindi halatang nagsisinungaling ako.
"But I sure wish you are."
![](https://img.wattpad.com/cover/27030961-288-k323379.jpg)
BINABASA MO ANG
Poster Girl [EDITING]
Teen FictionPUTOL PUTOL ITO. FOR REVISING. WAG MO NA MUNA BASAHIN.