Venice
"Hoy Alli. Wag ka ngang maingay dyan. Di ko masimulan project ko. Kilig na kilig ka na naman dyan," pagtataray-effect ko kay Alli at sa mga kaklase nya. Hahaha!
"Sorry Ate."
Bumalik na ko sa kwarto ko.
Ang ingay nya naman kasi. Pero sabagay, naiintindihan ko naman ang kalagayan nya. Naiintindihan kong mahirap para sa kanya ang magkaron ng magandang ate.
Kilig na kilig na naman si Alli dun sa crush nyang si Rev. Di naman nya kayang kiligin ng ganun in public.
Ewan ko dyan. Pero batang bata palang sya, crush na crush na nya yun, english speaking pa nga sya eh.
Kaya tuwing magfifill up ako sa school handbook dati, laging "Common Illness: nosebleeding" ang nakalagay sa kin.
Haha. Naalala ko tuloy nung bata pa kami...
*Flashback*
"Hmm..maganda yung style nitong red. Alin mas gusto mo venice? This red one or that pink one?," tanong sa kin ni mommy
Nasa mall kami ngayon, naghahanap ng isusuot para sa school play namin.
"I think i like the-.."
"Mommy! Ate! Mommy! Ate!," biglang sumabat si Alli. Tsk. Batukan ko 'to eh. Hindi dapat umeeksena kapag nagsasalita ang magandang ate.
"What is it Alli?"
"Rev has a picture! He's now the model of the clothes there. He's my boyfriend mommy! Ate lets go there!"
Ano?! Boyfriend nya daw?! Napakalaking kalokohan.
Imagine. Naunahan pa ako ng seven years old kong kapatid. Pero sabagay, choosy kasi ang magaganda kaya wala pa akong boyfriend.
"Mommy oh! Si Alli hinihila ako! Boyfriend nya daw! Talo pa ko."
"We'll go there later Alli. Let's look for a dress for your ate first."
Yan! Matahimik kang bata ka! Bakit kasi sinama pa ni mommy 'to?!
Natahimik naman sya. Crush na crush nya yun eh. Lagi kasing nakikita sa mga posters tuwing pumupunta kami sa mga mall.
"Mommy, mas gusto ko yung red," sabi ko
"Oo nga. Parang mas maganda. Halika sukat mo muna dun sa fitting room."
"Okay. Hey Alli, lets go."
Huh? Where is she?
Ayan napapa english na rin ako. Calma, Venice, calma. Ang magaganda hindi dapat nagpapanic.
"Uhm, mommy? Si Alli nawawala."
"Ano?! Juskooo san naman kaya napunta yung batang yun. Tara na muna hahanapin natin, ireport na rin natin."
Naglakad na kami. At nagtanong tanong.
"Miss, may nakita kang batang babae, nakaviolet na dress, maputi, mahaba ang buhok, nakaponytail at itsurang seven years old?," tanong ni mommy sa saleslady
"Yun po ba?" ,sabi nung saleslady sabay turo sa daan sa kaliwa.
Pagtingin ko, nakita ko si Alli. Hinahabol ng dalawang salesman. Hala! Yan ang tunay na habulin -_-
"Yun na nga! Sige salamat! Tara anak!"
Ang astig talaga ni mommy, nawala lang sa mall yung anak, feeling action star na.
Ang bilis nila kaya di namin sila naabutan. Sorry naman, mahinhin kase tumakbo kapag maganda. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh.
Bakit kaya hinahabol nila si Alli? Natatakot na tuloy ako.
Maya maya, nakasalubong ulit namin yung saleslady na napagtanungin ni mommy kanina.
"Maam yung anak nyo po, nandun sa fitting room."
Hindi na kami nakasagot at pumunta na agad kami.
Pagdating namin dun, nandun nga si Alli. At..
Nag iiyak?
"Anak, are you okay? What happened? Where have you been? Why were they chasing you?"
"All i wanted was to have this."
May nilabas sya sa bag nya.
Pagkakita ko..
Poster?! Ni Rev?! As in Trevis?! Yung batang model na seven years old lang din?
Kinuha nya yung poster tapos bigla nalang tumakbo at hinabol? Kaya naman pala eh!
Ano ba 'tong kapatid ko, seven years old palang kung anu ano nang ginagawa.
"Mommy, yung pang ipit ng buhok ni Alli nawala na."
"Ay oo nga noh. Kaya pala parang may nag iba at ang gulo gulo ng buhok nya. Hayaan mo na Venice, whats important is that she's safe. Pwede namang bumili ng bago eh."
"But mommy! That was my favorite! That pretty pink one with the glitters!"
Oh ayan. Iiyak na naman. Tsk. Nabubwisit na ang magandang ate ha.
"Dont worry, we'll just buy a new one."
"But mommy! It wont be the same as that one!"
"Maam, nagsusukat pa po ba kayo?," sabi nung babaeng nsa fitting room din
"Ay sorry po. Hindi na po. Pasok ka na po," sabi ni mommy
Hindi naman kami napahamak pero mula nun, lagi na syang nangunguha ng poster. Bigla bigla nalang nawawala pag nasa mall kami. Pero nakikita naman namin ulit na as always may dalang poster. May makita lang na bagong poster ng pagmomodel ni Rev, kukunin na agad nya. Nasanay na nga kami eh, Hanggang 11years old na sya ganyan.
But here's the bad news, kumalat sya sa social media at binansagan bilang Poster Girl.
*End of Flashback*
BINABASA MO ANG
Poster Girl [EDITING]
Genç KurguPUTOL PUTOL ITO. FOR REVISING. WAG MO NA MUNA BASAHIN.