Chapter 8: Awkward

164 12 1
                                    

Trevis

"Sino ba si Apolinario?" pagtatanong ko sa mga kasama ko ngayon. Wala lang. Kapangalan kasi ng tito ko. Nakatingin ako sa kasama naming lalaki na halos kasing tangkad ko lang pero mas gwapo ako. Sya siguro si Apolinario.

"Thats meh! Call me Apple nalang!"

Nagulat ako nang magsalita ang bading na nasa tabi ko na pala. Siya pala si Apolinario. Hahaha.

"Ano ba mga momshie! Magpakilala naman kayo kay Trevis."

Anim kaming magkakasama ngayon. At wala akong kilalang kahit isa sa kanila. Dalawang babae, isang matabang lalaki, isang bakla, at isang lalaki na kasing tangkad ko lang pero mas gwapo ako.

Ewan ko kung bakit pinipilit nilang maglakad kahit sobrang init. Ang baho na tuloy ng pawis ng kasama naming mataba. Ang alam ko seven kaming magkakagroup pero nauna na yata yung isa. Sa bahay daw nung Allison kami gagawa ng project. Hindi ko rin sya kilala.


"Sam nga pala. Sya naman si Julie." Nakangiting sabi nung isang Babae. Mukhang mabait naman sila.


"Donald. Pero Dong nalang. Yun tawag nila sa kin. Gusto mo?" sabi naman nung mataba at inalok naman ako ng binili nyang softdrinks. Umiling nalang ako.


"Greg, pare." tipid na sabi nung lalaking kasing tangkad ko pero mas gwapo ako.




"Malayo pa ba?" tanong ko sa kanila

"Sabi ko sa inyo dapat nagtricycle nalang tayo eh! Nakakahiya kay Trevis." sabi nung babaeng Julie na halata ngang nahihiya na.

Tinatanong ko lang naman kung malayo pa eh. Naaawa na kasi ako kay Dong. Parang pagod na pagod na.


"Eh kaninong idea ba itong maglakad?" tanong ni Dong


"Ewan. Hayaan nyo nalang, malapit na naman tayo." sabi ni Sam. Siguro idea nya yun hahaha guilty eh.

"Dapat pala sumabay nalang tayo kay Alli nung nagtricycle sya pauwi." sabi nung lalaking kasing tangkad ko lang pero----woops Greg pala.

"Sino si Alli? Siya din ba si Allison?" tanong ko sa kanila. Mahirap eh. Nagmumukha akong gwapong alien dito. Hindi ako makarelate.

"Oo. Sya si Allison. Doon tayo gagawa ng project sa bahay nila." nakangiting sabi ni Julie.

****

"We're here na mga momshie!"

Itinuro ni Apolinario ang isang bahay na light blue ang kulay. Habang si Dong naman ay busy sa pagpupunas ng pawis sa batok nya. Kawawa naman. Pinaglakad pa kasi nila.

Mukha namang mababait sila. Sana maging kaibigan ko rin sila.

Nagdoorbell na si Apolinario habang naghihintay kami sa labas ng bahay na light blue. Makikilala ko na rin kung sino yung Allison na yun.

Halos magulat ako nang makita ko yung babaeng nakatabi ko nung first day ng pagtransfer ko. Nakilala ko sya agad kahit nakapambahay na sya at nakatali ang buhok. At...parang malungkot sya.

Allison pala ang pangalan nya. Hanggang ngayon curious pa rin ako sa kanya. Sya lang ang babae sa klase nila na hindi nagreact nung dumating ako. Baka sakaling matutulungan nya kong hanapin si poster girl.

"Oh tara! Josok na tayo sa loob mga momshie!"


"Nandito si daddy."


Parang biglang nag iba ang mood nilang lahat. Parang lahat sila kinabahan at biglang nalungkot. Ano bang masama kung nandyan daddy nya?

"Kina Cathy nalang muna tayo." sabi ni Allison

Naglakad kami papunta sa bahay na katabi lang ng bahay nila.

"Anong nangyayari? Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Dong na katabi ko ngayon paglalakad

"Sa bahay nina Cathy. Long story, sumunod ka nalang."

Sino naman si Cathy? Hay ang saklap ng buhay. Ang dami naman nila.

****

"Tita, gagawa lang po kaming project." sabi ni Allison sa babaeng nagbukas ng pinto dito sa bahay na orange

"Sige. Pasok kayo, magmeryenda na rin kayo. HALA! IKAW BA SI----"

Halos hindi sya makapaniwala nang makita ako. Bawal ba ako dito?

"Nasan po si Cathy?" pag iiba ni Dong sa usapan

"May practice pa ng---oh ayan na pala."


Dumating ang isang babae na maiksi ang buhok at maiksi rin ang height. Bad hahaha. Hanggang balikat ko lang kasi sya.

"Anong meron?" sabi nung babae na halatang nanlaki ang mata nang makita ako. Nakaka alien na talaga. Hindi nila ako matingnan ng normal.

"Cathy my loves! Ako na magdadala ng bag mo." sabi nung lalaking feeling pogi. Hindi naman sya pinansin ni short hair.

"Gagawa kaming project. Hindi pwede sa bahay." sabi ni Alli

"Pasok na tayo. Mainit dito." sagot niya habang nakatingin kay Dong na pinagpapawisan pa rin.


Pumasok na kami sa loob at agad na humiga ang bading sa sofa na parang wala syang idea na uupo rin yung iba. Si Sam dumeretso sa bintana dahil naghahanap ng malakas na signal. Si Dong nagmamadaling sinaksak ang electric fan. Parang sanay na sanay na sila sa bahay na 'to. Matagal na siguro silang magkakaibigan.

At dahil inagawan ako ni bakla sa sofa, umupo nalang ako sa upuang kawayan katabi ni Allison.

"Paano gagawin natin sa report----"

"IINOM AKO!"

Nagulat ako dahil kakaupo ko lang at bago palang ako magsasalita ay agad na syang tumayo at natatarantang umalis. Baka naman uhaw lang talaga.

Nag usap usap na sila tungkol sa gagawing report. Wala naman akong pakialam dahil hindi naman ako graded. Hindi ko naman tatapusin ang school year na 'to.



"Anong move it?! Bubulong ka pa, tayo tayo lang naman. Ayoko nga. Ang sarap kaya humiga sa sofa."

Bumalik na pala si Alli. Pinipilit nya yatang umalis sa sofa itong bading.

"Wag sa pwesto ng gwapo." sabi nung Greg. Nahalata nya sigurong papaalisin rin sya ni Allison sa upuan nya.

"May bakanteng upuan naman sa tabi ni Rev ah? Doon ka umupo." sabi ni babaeng short hair

Hindi na nagsalita si Allison at umalis nalang sa sala. Parang ayaw nya talaga akong katabi. Sa classroom magkatabi kami pero lagi syang lumilipat. Nilalayuan ba nya ko?

Naglaro nalang ako ng games sa cellphone. Tinatamad akong makipag usap. Mababait sila pero nahihiya pa rin ako.

Busy na ako sa paglalaro nang bigla akong nakarinig ng isang pamilyar na boses mula sa tv nila.

SHIT. Ganitong oras nga pala pinapalabas yung teleserye na kasama ako.


Tumingin ako sa tv at...


Ayan na nga.



Alam kong gwapo ako pero masyadong awkward ang pangyayaring 'to. Mabuti nalang busy sila.



Nagmamadaling tumakbo si Allison papunta sa tv at inoff ito. Nagtaka kaming lahat sa ginawa nya.





"Mahal ang kuryente." sabi niya at naglakad na papalayo


Poster Girl [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon