Chapter four

276 19 2
                                        

Trevis

Ako ang gwapong pinag uusapan sa kwentong ito. Oh ano? Kiligin na kayo bilis!

Hahahaha

Hahaha

Haha

Ha...

Wala palang nakakatawa dun.

Una sa lahat, hindi ako magpapakilala na parang "Hi, ako nga pala si Trevis Benitez. Fifteen years old. Gwapo, pogi, at gwapo."

Imagine nyo namang umiimik ako ng ganyan habang solo akong naglalakad sa hallway.

Mukhang tanga di ba? Kaya utang na loob, wag nyong asahang gagawin ko yun.

Nagkakalinawan ba tayo?

Okay. Una sa lahat, ako ay isang gangster. Pa-tambay tambay, Pa-cool maglakad, medyo badboy, may nakataling panyo sa ulo, naka leather jacket. Alam nyo na yun.

Pero syempre kalokohan lang yan.

Ako? Gangster? Eh ang dami na ngang gangster sa mundo makikipagsiksikan pa ba ako?

Atsaka puno na daw ang slots nung nag audition ako bilang gangster. Over populated na sila.

Naiimagine ko tuloy sarili ko habang ako ang leader nila...

"SINO TAYO?!"

"MGA GANGSTER!!!"

"ANONG GAGAWIN NATIN?!"

"MAGPAPAKA-ASTIG!!!"

"PERO ANO TALAGANG GAGAWIN NATIN?!"

"MAGBABAGO AT MAGPAPAIBIG NG BABAE!!!"

"WOO! MABUHAY SI TREVIS BENITEZ!!!!"

Pasensya sa mga nagbabasa ng mga gangster lovestories ha pero enebeyen mge pre. Mabuti pa ako, gwapo lang.

Pero seryoso na, ako ay isang artista at model na mas gwapo sa lalaking makakasalubong ko ngayon sa hallway.

At ayan na nga. Magkakasalubong na kami. Slow motion? Asa.

"Rev!", pagtawag sa kin ng kaibigan kong si Briston

Tinaasan ko sya ng kilay at sinabing, "Ano? Miss mo na agad ako?"

"Susi ng dressing room, akin na. May kukunin ako."

Palagi nyang naiwawala ang susi ng dressing room niya kaya ako ang naghahawak. Abyaring bata ito. Naalala ko tuloy dati, ako pa ang pinagdala ng brief nung napatae sya sa taping nila.
Kadiri. Nangingilabot tuloy ako tuwing naaalala ko.

"Oh eto. Balik mo sa kin."

Naglakad na ulit ako papalabas ng building para bumili ng ibang makakain. Nakakasawa na ang mga pagkain dito.

Pati ba naman pagkain pinagsasawaan na.

Aww.

HashtagTryingHardHumugot

Nakahanap ako ng maayos na fastfood at pagpasok ko sa loob, pinagtinginan na naman ako.

Hubo kase ako ngayon.
Wala na damit e.

Joke.

At ayan na nga, bago palang ako pupunta sa counter ay may nagsisimula ng dumiskarte para magpapicture.

Pakipot pa kasi. Pwede namang sabihin nalang.

Ayan na sila. Takbuhan ko kaya?

"Uhm, i-ikaw po ba si Trevis?"

Hindi. Ako ang nawawalang apo ni incredible hulk.

"P-pwede po bang...ano...pwede po bang magpa--"

"Magpapicture? Okay akin na ang camera. Wacky ba, look up, duck face, stolen, pabebe, jejemon o ano?"

Inunahan ko na silang magsalita. Papatagal pa kasi eh gutom na ko. Tao rin ako. Hindi porket gwapo ako, hindi na ako nagugutom.

Pagkatapos ng pictorial session, hindi ko na naitago ang aking ngiting tagumpay dahil sa wakas ay kakain na ako!

Kaso habang kumakain, pinagtitinginan pa rin ako. Pwede bang wag silang ganyan kahit isang araw na? Dalawahin na kaya.

Human CCTVs are everywhere.

Nginitian ko nalang sila habang kumakain ako.

Always smile kahit may tinga.
He he he

Matapos kong kumain at magtanggal ng tinga, lalabas na sana ako nang may pumigil sa aking empleyado. Nabakla na yata sa kin.

"Sir!"

"Picture ba? Paano ba, wacky, formal, duck face, pabebe--"

"Nahulog po yata ito galing sa wallet nyo."

HashtagPahiyaPeroCoolPaRin

Akala ko naman picture.
Pinakita nya sa akin ang isang picture ng babae.

Teka, teka.

Yung picture?
Muntik ng mawala!

"Ay salamat po. Thank you po talaga."

Agad kong kinuha ang picture at ibinalik sa wallet ko. Hindi 'to pwedeng mawala. Mahalaga ito sa kin. Kulang nalang halikan ko yung picture at sabihing "waaah thank God your alive. Come to mama!"

*****

"Oh tapos? Ano nangyari?", sabi ni Briston habang naglalagay ng gel sa buhok niya. Kinwento ko kasi ang nangyari.

"Tapos kinuha ko agad yung picture! Grabe, muntik pang mawala! Mabuti nalang may nagbalik. A very honest citizen."

"Very honest ka pang nalalaman, batukan kaya kita? Para ka namang muntikan malugi ng isang milyon kung makapagsalita."

"Bris, this picture is worth more than any amount of money."

"Daming kabaklaan nito", bulong pa nya na akala hindi ko rinig

"Wala kang kwentang kausap.", walang ganang sabi ko sa kanya

"Aww tampo na si baby rev. Oh sige, I will listen to your thoughts and feelings na. Come on, dont be shy, aww."

Muntikan pa niya akong yakapin. Mabuti nalang nakaiwas ako agad.Kadiri, amoy lumpia pa sya.

"Manahimik ka na nga lang. Laki-ilong ka. Ganito kasi, di ba yung picture na ito ay si poster girl?"

"Alam mo, para kang babae magkwento. Pero oo alam ko yung picture na yun."

"Si poster girl na nangunguha ng posters at standees ko nung bata pa tayo, di ba?"

"Oo."

"At naging crush ko si poster girl kahit sa picture ko lang naman nakita, di ba?"

"Oo."

"Ang ganda nya no?"

"Pucha ang tagal! Idiretso mo na nga brad!"

"Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo nun na nagpromise ako sa sarili ko na paglaki ko, hahanapin ko si poster girl at gagawin kong girlfriend ko? Tanda mo pa?"

"Oo. Ang tanga mo nun."

"Pwede bang suportahan mo ako kahit isang beses lang?! Sige, alam kong tanga at childish pa ang mga bagay na naiisip ko nun. Pero, parang..."

"Parang ano?"

"Kasi ano..."

"Pucha ang tagal! Parang ano? Parang matatae ka na o ano?"

"Parang gusto kong hanapin si poster girl. I know this sounds crazy but it wont hurt to try."

Poster Girl [EDITING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon