Dyna's PoV
Fine!! Ex pala ehh!! Dyan ka sa ex mo! Ako lang daw tss. Ulol! Ni hindi nag effort! Tss! Siya pa galit bwisit!!
Hindi na ko pumasok buong araw bahala siya sa buhay niya! Naiinis ako hmp! Makapaggala na nga lang! Sayang naman tong effort ko sa damit ko bwisit. Gustong gusto ko malaman reaksyon niya yun naman pala ako massurprise!! Leche!
Pagkatapos ko magliwaliw umuwi na ko pero nagulat ako na may taong nakayuko at nakaupo sa labas ng gate ng bahay ko. Wala namang may alam san bahay ko ah??
"Sino ka?!"
"Dyna! Sht! San ka ba nanggaling?! I was so fcking worried!"
Wth? Pano niya nalaman bahay ko?!
"D-dylan?! Teka paano-"
"Ok ka lang ba?? Hindi ka ba napahamak o ano ha?!"
"Dylan teka nga!! Bitawan mo nga ako tsk!"
"Dy... pagpaliwanagin mo naman ako"
"Pano mo nalaman bahay ko?"
"Nagtanong ako"
"Kanino?"
"Kay ate Teresa"
"Teka paano?! Kinausap ka ni ate Teresa?!"
"Pwede ba mag-usap muna tayo??"
Napansin ko namang basa ang buhok at katawan niya saka nanginginig na siya
"Bakit basang basa ka?"
"Naulanan lang"
"Adik ka ba?! Nasan payong mo?!"
"N-naiwan ko."
Huminga ako ng malalim bago siya hinigit papasok ng bahay.
Pagpasok na pagpasok pa lang namin ng bahay bigla na lang niya ko niyakap mula sa likod
"Dy... let me explain please. I love you. I love you."
"Maligo ka muna baka magkasakit ka" kahit naman naiinis ako dito ayoko naman siya magkasakit no.
Kumalas naman siya sa pagkakayakap saken
"May mga ilang gamit dun sa kwarto si papa yun na muna gamitin mo"
"O-ok"
Pagpasok niya dun sa kwarto yung mukha pa rin nung babaeng kahalikan niya yung nakikita ko.
Ano ba Dyna!! Pakinggan mo muna boyfriend mo!!
"Aaahhh!!" Napasigaw na lang ako sa frustration. Andaming umaandar sa utak ko. Ilan ba yung mga babaeng yun? Masyado nga palang gwapo tong boyfriend ko hays!! Nakakainis naman ehh!!
"Dy what happened?!"
Napalingon naman ako sa kanya pero napabalik din ako agad ng tingin sa harapan
"Ano ba yan Dylan?! Bat ka lumabas ng nakatapis?!"
"Ohh shoot sorry!! Sumigaw ka kasi bigla ehh!"
"Balik!! Shoo!!"
"Sorry sorry!!"
Maya maya lang lumabas na din si Dylan ng kwarto. Medyo basa pa buhok niya.
"Nagtuyo ka na ba ng ulo mo?"
"Ahh. Oo"
"Bakit tulo tulo pa rin?? Tsk. Akin na nga twalya"
Kinuha ko yung twalya sa balikat niya at tinuyo ang buhok niya. Bale nasa harapan lang niya ako ngayon
"Hindi naman tuyo. Kahit kelan ka talaga hindi ka naman marunong ehh lalo ka magkakasakit niyan ehh" sabi ko habang tinutuyo ang buhok niya
BINABASA MO ANG
I Heard Goodbye
FanfictionAll it took was a bet. A bet that changed your life. A bet that showed you love. A bet that showed you that love is more than just a game where you give your best shot. But at the end of the day, even if you try, you'll lose yourself and cry, becaus...