13

884 46 1
                                    

Dylan's PoV

"Dyna!! Dyna!!"

"Ilay gising!!"

Napabangon naman ako at nagising sa nangyare. Hinanap kaagad ng mata ko si Dy na nasa tabi ko lang ngayon

Hinigit ko kaagad siya payakap saken

"Oy. Anyare sayo?" Sabi niya sabay tapik ng likod ko

"Akala ko umalis ka na talaga. Akala ko iniwan mo na ko" parang nanikip ang dibdib ko sa sinabi kong yon

"Lagnat lang yan. Matulog ka pa"

"Aalis ka?"

"Hindi no. Isa pa bahay ko to Ilay haha"

"S-sabi ko nga"

"Magpahinga ka na dyan sige na"

"Paano ka?"

"Ako na bahala sa sarili ko. Magpagaling ka dyan"

😳

Nagulat ako nang halikan niya ko sa labi

"Just marking what's mine. Sige na tulog na"

Pinahiga niya ko sa kama niya pagkatapos. Lalo yata ako uminit sa ginawa niya. Sht.

"San ka pupunta?"

"Sa sofa"

"D-dito ka na lang pwede ba?"

"Andito lang naman ako Ilay"

"I mean sa tabi ko Dy please. I-I just wanna hold you. Kahit kamay lang"

Napansin ko namang napabuntong hininga muna siya pero sumagot din agad

"Oo na sige na"

Inabot ko yung kamay niya. I missed holding her kahit isang buong araw lang yun.

Mahigpit ko hinawakan yung kamay niya habang nagpapadala sa antok na dala ng sama ng pakiramdam ko. Pero hindi ko na rin namalayan na nakatulog na lang ako.

Dyna's PoV

Aalisin ko sana kamay ko sa pagkakahawak niya para matingnan ko yung temperature niya kung nagimprove man lang ba o ano pero di ko magawa kasi di niya talaga binibitawan.

"Huy teka lang tingnan ko lang temperature mo"

Kaso tulog ata 🤦🏻‍♀️ pinilit ko na lang abutin sa isang kamay ko yung noo niya. Medyo bumaba naman na ata. Pasalamat ka Ochoa mahal kita nakooo jusko!!

Nakasandal lang ako sa headboard ng kama ko habang hawak hawak ni Dylan ang kamay ko. Nakatulog na ko sa ganung pwesto.

Paggising ko mahimbing pa rin yung tulog ni Dylan. Chineck ko temperature niya at mukhang okay na. I decided to go down para ipagluto siya ng makakain para sa sakit niya.

Nag-unat unat ako habang naglalakad kasi nakaupo akong nakatulog. Ang sakit tuloy ng leeg at likod ko.

Hindi ko na muna pinansin yun at nag-asikaso na ko ng agahan naming dalawa.

Dylan's PoV

Paggising ko parang nanibago ako sa nakikita ko. Nung iikot ko paningin ko dun ko lang naalala na andito nga pala ako kina Dyna. T-teka nasan si Dyna?!

Napabangon ako agad at pilit na naglakad palabas ng kwarto kahit medyo nahilo ako pagkabangon ko.

"Dyna?! Dyna nasan ka?!"

"Kusina!!" Napabilis naman ako ng lakad at dun lang ako nakampante ng makita ko si Dyna sa kusina. Napalingon naman siya saken

"Okay ka na ba?! Bat parang namumutla ka na naman???"

"M-medyo nahilo lang"

"Ha?! Ano ba pinaggagagawa mo na naman?? Wala pa ko isang oras nawala sa kwarto ahh??" Napansin kong nataranta siya at napahugas siya ng kamay saka diretsong lumapit saken. Kinapa kapa niya ang mukha ko na parang nagccheck uli ng temperature.

Niyakap ko na lang siya bilang tugon.

"I got scared that you're not around anymore"

"Ano ka ba naman nagluto lang ako Ilay"

"Sorry. N-natakot lang ako"

"Bumitaw ka nga oy may atraso ka pa saken baka akala mo nakalimutan ko"

Dyna's PoV

Bumitaw naman siya agad

"Dy... about that-"

"Hep!! Mamaya! Kain muna saka gamot mo bago yang sakit ko sa ulo!"

"O-ok"

"Mahiga ka muna uli sa salas. Sino ba kasi may sabing bigla kang kumilos na tao ka hay nako aray! tsk"

Napatigil ako sa pagdaldal kasi sumakit yung likod ko. Namali yata ako ng pwesto kagabi 😣

"Okay ka lang?"

"Oo okay lang sige na dun ka na muna sa salas. Wag ka magkikilos please lang baka lagnatin ka na namaaan"

Dinala ko naman sa salas yung pagkain nung natapos na ako magluto.

"Oh kain na. Iinom ka pa ng gamot"

"Ok naman na ko Dyna ehh"

"Kain na"

Hindi naman siya nakaangal saken pagkatapos nun.

Kumain na kami tapos pinainom ko na siya ng gamot pagkatapos.

"So... sino si Crystal?" Pagsisimula ko

I Heard GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon