Dylan's PoV
I'm just staring at her while she's busy drying out my hair. Kahit nagkaaway kami kanina... she still cares for me. Hay.
I couldn't contain myself so I hugged her while she's in the middle of drying my hair out.
"Dylan! Di pa ko tapos sa buhok mo oy!"
Hindi ko siya pinansin. Hinigpitan ko lang lalo ang yakap ko sa kanya.
"Sorry Dy... I'm really sorry..."
"Teka lang. Mamaya natin pag-usapan yan. Yang buhok mo basa pa!!" Sabi niya habang pilit ako nilalayo sa kanya
Maya maya natapos din siya pero hinila niya ako agad papunta kusina.
"Oh kumain ka. Ng mainitan sikmura mo. Hindi ka naman siguro sinipon no? Gano katagal ka ba sa ulan loko ka?"
"2 hours?? Ewan"
"Ha?! Siraulo ka talaga!!"
"I-I was waiting for you"
"Pwede namang maghintay ng nakasilong?!"
"Ayoko umalis sa harapan ng bahay mo baka takbuhan mo lang ako ehh"
"Sumasakit lalo ulo ko sayo Dylan Ochoa!! Tsk. Ohh higupin mo dali! Kasalanan ko pa pag nilagnat ka"
"Luto mo??"
"Oo. Pero tira na lang yan ininit ko lang"
"Salamat"
Dylan's PoV
Kinain ko na nga yung binigay niyang pagkain saken pero hindi ko maalis yung mata ko sa kanya
"Kumain ka wag ako titigan mo"
Napayuko naman ako sa sinabi niya. Nagulat na lang ako ng may kamay nang lumapat sa noo ko
"Tsk. Ayan na nga sinasabi ko ehh! Medyo mainit ka nga!!"
"Ok pa naman pakiramdam ko Dy..."
"Ok PA. Tsk. Paulan kasi ng paulan eh!"
"Kailangan ehh"
"Dito ka na magpahinga. Hindi kita pauuwiin ng ganyan."
"Wag na Dy. Ok lang ako talaga"
"Ayaw mong alagaan kita ganon?"
"No! Nahihiya na ko sayo. Nakiligo na ko nakikain pa. Ok na yun"
"Hindi yun okay. Wag ka na nga magulo! Ubusin mo yan magpapahinga ka sa kwarto ko. Magpapahinga ka kung gusto mong makapag-usap tayo"
Nung matapos ako kumain huhugasan ko pa sana yung pinagkainan ko ng hilahin na naman ako ni Dyna
"Magpahinga ka na"
"Huhugasan ko lang yung plato Dy..."
"Kaya ko na yon!! Shoo! Akyat!"
"O-ok"
"Dumirecho ka sa kwarto ko. Mahiga ka dun!"
"Dy..."
"Sshh!! Go!"
"O-ok"
Pagpasok ko ng kwarto niya dumirecho ako sa sofa. Ipinikit ko na yung mata ko pagkahiga ko dun
Dyna's PoV
Nilagnat na nga si Ilay dahil saken 😣 ano ba naman kasi naisipan niya at naghintay siya sa ulanan?! Ako tatakbo?! San pa ko pupunta ehh bahay ko to?!
Hindi ako mapakali dito sa pag-iisip pano aalagaan yung mokong sa kwarto ko. Tinapos ko na kaagad yung hugasin tapos umakyat ako agad sa kwarto pero pagbukas ko ng pinto walang tao sa kama.
Nasan yun?!
Inikot ko naman yung paningin ko at dun ko nakitang sa sofa nahiga si Ilay. Tsk. Kahit kailan talaga tong taong to oo!
"Ilay..."
"Hmm" sagot niya ng nakapikit saken
"Bat dyan ka humiga? Dun ka sa kama huy..."
"Ok na ko dito Dy" sagot niya habang nakapikit
"Tayo ka dali..."
Sumunod lang naman siya saken pagkatapos. Dinala ko na siya sa kama at dun pinahiga
"Pahinga ka na" sabi ko pagkaupo ko sa gilid ng kama
Aalis sana ako para kumuha ng twalya pampunas pero hinawakan niya kamay ko.
"Oh bakit?"
"Wag ka umalis please"
"Ilay... hindi ako aalis. Kukuha lang ako ng pampunas sayo"
Bumitaw naman siya agad. Pagbalik ko tulog na tulog na siya.
Habang pinupunasan ko katawan niya di ko maiwasang tingnan yung labi niya. Nahalikan yun nung babae kanina 😤
Gustuhin ko mang kuskusin ng sobra yung labi niya ng twalya di ko magagawa. Pero pinadaan ko din don yung twalya ng ilang beses pero dahan dahan lang hehe.
"Ilan pa ba naging babae mo? Para naman informed ako? Labi inaatake sayo naiirita ako!! Akin lang yan eh tsk"
Pagkatapos ko siya punasan ehh naupo na ko sa sofa. Babantayan ko na lang muna to.
Maya maya naman mukhang binabangungot.
"Dyna... Dyna wag!!! Dyna!!"
Nilapitan ko siya at sinubukang gisingin
"Ilay..."
BINABASA MO ANG
I Heard Goodbye
FanfictionAll it took was a bet. A bet that changed your life. A bet that showed you love. A bet that showed you that love is more than just a game where you give your best shot. But at the end of the day, even if you try, you'll lose yourself and cry, becaus...