Crystal's PoV
I was walking past the garden ng makita ko si Dylan with his ugly girlfriend talking...
So she's claustrophobic??? 😏 I have a good idea. Testingin natin yang phobia mo Dyna Gonzaga.
Dylan's PoV
Dumating yung araw ng Christmas event at hindi ko alam sa sarili ko bakit ako kinakabahan...
Maybe because this is my first time?? Or may iba pang dahilan? Wag naman sana yung isang rason di ba?
Dyna's PoV
Pag-akyat ko ng conference room pumasok agad ako para kunin yung props daw pero wala namang gamit sa loob. Nagulat na lang ako nung may humatak ng bag ko at isinarado yung pinto nung kwarto.
"Hoy!!"
"Hi Dyna"
"Crystal?!"
"Uto uto ka rin pala talaga ano? Hahaha"
"Wth? Ikaw yung nagtext?!"
"Obvious ba? Hah. Mabulok ka dyan. Claustrophobic ka ba talaga? Nag-iinarte ka lang naman ata. Kaya mo na yan dyan mag-isa! Hahaha. Bye! Uto uto! Maghohost muna kami ng baby Dylan ko"
"Crystal buksan mo to!!!"
"Byee!!"
"Crystal!!"
Fck. Kinuha niya yung backpack ko pano ko mattext si Ilay?!
Sht. Dyna kalma. Kwarto lang to. Walang masamang mangyayare sayo. Kumalma ka lang Dyna...
Dylan's PoV
Pagdating ko sa school nasa open grounds na sina pres
"Ohh Dylan! Ready?"
"Not sure pero bahala na pres"
"Si Dyna nasaan?"
"Hi pres!!" Crystal
"Huh? Wala pa siya dito?"
"Oo?"
"May pinakuha daw kayong props sa kanya ehh. Yun huli niyang chat saken?"
"Props? Anong props?"
"Pres dun na muna ako ha?" Crystal tapos naglakad na siya palayo
"Sige. Dylan anong props??"
"Wala siyang sinabi pero ang sabi niya ikaw ang nagtext"
"Di ko alam number ni Dyna tol"
"Ano?!"
Tangina. Kaya ba ako kinakabahan dahil dito?!
Hinabol ko agad si Crystal na mabilis na naglalakad palayo.
Nung inabutan ko siya hinawakan ko kaagad siya sa braso
"Aray!!"
"Nasan si Dyna?!" Mahinang tanong ko sa kanya
"Malay ko!"
"Wag kang sinungaling! Nasan si Dyna!!"
"Guys we're about to start!!" Sigaw ni pres
"Hindi ko alam ano ba?!"
"Maghost ka mag-isa mo Crystal!" Binitawan ko na siya at tatakbo na sana nung siya naman ang humawak saken
"Hindi ka pwedeng umalis!! We'll be hosting the event!!"
"Wala akong pakialam sa event bitawan mo ko kung ayaw mong masapak kita"
"Dylan!"
Naibuhos ko na lahat ng inis ko sa kanya kaya naitulak ko siya at napaupo siya sa sahig
"Ouch!!"
Tumakbo na ko paalis ng venue. Gago Dylan!! Dapat talaga sinamahan mo na si Dyna!!
BINABASA MO ANG
I Heard Goodbye
FanfictionAll it took was a bet. A bet that changed your life. A bet that showed you love. A bet that showed you that love is more than just a game where you give your best shot. But at the end of the day, even if you try, you'll lose yourself and cry, becaus...