Lawrence Pov
Nandito na ako sa canteen at nakita kong kasama ni michael yung mga barkada nya sa iisang lamesa, at tyaka ko tinignan ang lunch box at naglakad palapit sa kanilaNapatingin sa akin yung mga barkada nya ng papalapit na ako, bakit hindi nakatingin si michael? Malamang nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya nakikita kung sino ang tinitignan ngayon ng kanyang mga kasamahan
Sa hindi malamang dahilan parang bumibilis ang tibok ng aking puso ngayon na alam kung papalapit na ako kay michael, like geez!!! Mapapatanong na lang ako kung Bakit ganito??
"Hoy!"
Sabi ko at kinalabit sya, humarap naman sya sa akin na may pagtataka sa mukha"Anong kailangan mo huh!?"
Pabalang na tanong nya sa akin"Oh!"
Sabi ko at binigay sa kanya ang lunch box pero hindi nya parin tinatanggap, steady lang ang lunch box sa kanyang harapan habang hawak-hawak ko ito"Ano yan?, anong gagawin ko dyan?"
Tanong nya"Ibasura mo"
Biro kong sabi pero nakapoker face parin ako"Huh!, hindi ba lunch box yan?, hindi ko ba kakainin ang laman?"
Nagtataka nyang tanongAlam nya pala eh, bakit pa sya nagtatanong?
"Alam mo pala eh, bakit mo pa tinatanong, utak please,"
Sabi ko sa kanyaTumayo sya agad sa kanyang upuan at susuntukin na sana nya ako ng nagsalita na ako agad
"Ayoko ng away, at heto pinamimigay yan ni vicmar"
Seryoso kong sabi at nilagay na sa kanilang lamesa ang lunch box na para kay michaelAt tyaka ako umalis, pero habang naglalakad ako palayo sa kanya ay narinig ko syang tumawa ng malakas
"Sabihin mo nga sa bff mo na bakla na tigil-tigilan na nya ako, please lang mga bakla, nakakasuka na talaga kayo"
Sabi nya at hindi parin ako nagpatinag nakatalikod parin ako sa kanya"At heto"
Sabi nya kaya napatingin na ako sa kanya at nakita kong hawak-hawak nya yung lunch box na ibinigay ni vicmar para sa kanya
BINABASA MO ANG
The Mirrors Love (BXB) COMPLETED
Fantastik(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Paano kaya kung may isang tao na nakakakita kung sino ang nagsisinungaling at sino ang nagsasabi ng totoo, gusto mo ba syang maging kaibigan o maging ka-ibigan? *************** (MOVIE STYLE WRITING = 200 words pataas...