Rainbow
"I'm not forcing you but I'm going to be direct, class. Lahat ng teachers ay magbibigay ng additional points sa grade ng mga makakasali sa gaganaping Valentine's Ball this coming February 14. So if you want to boost your grades up, pumunta kayo. This is also a once in a lifetime experience."
Nagliligpit na ako ng mga gamit nang in-announce yon bigla ni Mrs. Belgado. Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga classmates ko na sinundan pa ng sari-saring diskusyon tungkol dito.
Sa totoo lang ay hindi pa ako nakakasali sa mga ganyang event, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil madalas ay kinakailangan ng malaking halaga para makadalo sa ganyan.
Bukod sa paggawa ng mga assignments at projects ng mga classmates ko ay ume-extra din ako sa pag-aaring pwesto ni Auntie sa palengke tuwing sabado at linggo. Maliit lang ang binibigay nya kaya sakto lang talaga para sa araw-araw na baon ko at ibang gastusin sa school.
Pero nasasayangan talaga ako sa makukuha kong points sa event na toh lalo na't lahat daw ng teachers ay magbibigay ng extra points. Kinakailangan ko din kasi yon para makasama sa top 3 ng klase para maging eligible sa full scholarship program ng provincial government namin para sa college lalo na't kasamang kino-consider ang mga extra-curricular sa computation ng grades at nanganganib ako dahil wala akong sinalihang extra-curricular ni-isa kaya binubuhos ko lahat sa academics.
Napabuntong-hininga nalang tuloy ako.
Kaya nga malaking bagay talaga para sa akin na accelerated ako ng tatlong taon. Laking pasasalamat din namin ni mama sa mga taong tumulong sa amin noon para makapag-exam ako na ang naging resulta ay ang pagiging qualified ko sa grade 4 sa edad na anim. At ngayon ay magtatapos na ako ng senior high school at next year sana ay kayanin ng budget ang pagko-kolehiyo. Magandang oportunidad ung pagiging accelerated student ko pero mahihirapan naman akong tustusan ang kolehiyo ko dahil wala namang susuporta sa akin bukod sa sarili ko. Wala ding maayos na trabaho na pwedeng ibigay na aayon sa edad ko dahil kung makapagtapos man ako ng senior high, menor de edad pa rin ako. Kaya hinahabol ko talaga ung scholarship dito sa bayan namin.
"Bella." Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ang papalapit na si Mrs. Belgado. "I just want to remind you about the meeting tomorrow after class. Sasabihan ko din ung dalawa mo pang kasama from other section, dahil tatlo kayong magiging representative ng school for the upcoming Quiz Bee."
"Yes, ma'am." sagot ko
"Good. And congratulations again." nakangiting aniya at bahagya akong tinapik sa balikat
Nang makalabas na si Mrs. Belgado matapos ang maagang dismissal ng klase para sa isang faculty meeting ay sya namang pag-uunahan ng mga classmates ko na makalabas ng room.
"B! Congrats! Nakakainggit ka. Sana katulad mo din ako na achiever. Pero galingan mo ah, ililibre kita kapag nanalo kayo."
"V..." nag-aalalang ani ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit sya naiingit sa akin
Nagulat ako nang bigla syang natawa at pabiro akong hinampas.
"Hala, ano ka ba? Joke lang! Eto naman, di mabiro. Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi matatalo ng insecurity ko ang pagkakaibigan natin noh!" aniya pero napairap nang hindi na naman ako sumagot "Sus. Tama na nga ang drama. Anyway, punta tayo sa Valentine's Ball ah."
Sa pagbukas nya ng topic na yon ay pumasok na naman sa isip ko ang sari-saring problema tungkol sa Ball. Ayokong mahalata ni Vicky na namomoblema ako kaya agad kong binago ang expression ng mukha ko at ngumiti sa kanya.
"Sige,V! Pero try ko muna." masigla kong sagot
Pero mukhang nakahalata yata ang kaibigan ko nang taasan nya ako ng isang kilay. Huli na nya ako kapag ganon kaya iniwasan ko agad ang tingin nya at pinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit.

BINABASA MO ANG
Natalya (La Domina #1)
General Fiction"As you can see, I have needs, worst needs. So Mayor Vasquez, do you still take me with my needs or just leave that contract like nothing happened?" -Natalya ××××××××××××××××××××××××××××××××× Maria Isabella Cruz is a selfless, forgiving and an innoc...