Andrea Moriset Carmona's Pov
Gaya nga ng pakiusap ko kay Jeane, nag stay muna ako ng isang araw pa sa lugar ni Saskia, Hindi ito umuwi sa pad nya dahil nakiusap ang kanyang Ate na umuwi muna sya ng mansyon. Kahit na 37 years old na ito, para parin siyang bata once na nakiusap sa kanya ang pamilya nya, mahal nya ang kanyang pamilya, kahit sa kabila nito ay ang pagiging sikat nya bilang womanizer.
Kinabukasan, maaga akong dumating sa university dahil unang araw ng pasukan, ayoko namang mapagalitan ng head namin.
Panibagong takn nanaman, at bagong mga mukha para sa freshmen.
"wish ko, maging productive ako this year" bulong ko sa sarili ko.
naglakad na ko papunta sa first subject ko para sa mga freshmen. Pero sa labas palang ay rinig ko na ang rambulan. kaya inis akong pumasok sa loob.
Nagulat ako dahil bukod sa mga bago oalang sila at hindi pa magkakakilala, away na agad ang sumalubong sa akin.
Hindi ko lubos maisip na isang babae at malaking lalaki ang mag aaway. Mukhang seryoso ang naging dahilan dahil hindi naman manlalaban ang isang babae sa kagaya ng lalaking ito.
Nagulat pa ako ng maabutan ito ni Saskia, ayaw na ayaw pa naman nyang may nag aaway sa unibersidad nya. At dahil gentlewoman si Saskia, tinakot nanaman nya ang mga bata. And after that, may iniabot syang card sakin. Bagay na ikinatalon ng puso ko.
'sorry for not texting you yesterday, bawi ako tonight'
ito ang mensahe nya sakin and later on umalis na rin siya.
Habang nag kaklase ako, hindi ko maiwasang mapagawi ng tingin sa bago kong estudyante na nag ngangalang Logan. Sanay na naman ako sa mga tingin ng student ko pero sa kanya, parang laging may gustong ipahiwatig. Nakaka mesmerize ang kanyang mga mata, bagay na bagay sa kanyang maamong mukha.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa isiping ito. maigi nalang at konting oras nalang at matatapos na ang subject ko.
10:30 am nag punta ako sa library para humiram ng libro, madadaanan kasi muna nito ang cover court at dahil nawiwili ako sa pagbabasa ng libro, hindi ko namalayang matatamaan na pala ako ng bola, pero ang inaasahan kong bola na tatama sa akin ay hindi ko naramdaman, nakits kong may sumalag ng bola para sa akin at ito ay walang iba kundi si Logan.
Ang tangkad nya, bagay sa kanyang maging player ng volleyball, magkasing tangkad sila ni Saskia. Pinulot nya ang mga nalaglag kong libro at muli niyang iniabot sakin, ang bango nya kahit na pawisan na sya sa kalalaro.
tanging pasasalamat nalang ang nasabi ko sa kanya dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Sa aking pag lalakad, nakasalubong ko si Saskia.
"Andy, are you alright?" may bahid pag aalalang saad niya.
"B-bakit?" pag tataka ko.
"I saw you, muntik ka ng matamaan ng bola, thanks to that Kid" saad nya.
"okay naman ako" ngiti ko sa kanya at inakbayan na nya ako habang papunta ako sa faculty. Ganito si Saskia, hindi nahihiyang ipakita ang gusto nyang gawin. Minsan nga namimiss interpret ko na ang mga kilos nya, pero alam kong sa huli hindi pa rin niya pipiliing mahalin ang tulad ko.
"let's have some lunch later"
"di ka aalis?"tanong ko.
"hindi muna siguro, first day of school gusto kong isupervise muna, but tomorrow nasa shipping line ako" paliwanag niya.
Ito ang isa pa rin sa nagustohan ko sa kanya, when it comes to work,seryoso sya at nakatutok, hands on sabi nga ng iba. Sya nalang kasi ang wala pang pamilya sa kanila kaya more on sa kanya ang family business, tanging Lawfirm lang niya ang naipundar nya.
BINABASA MO ANG
To Love or Be Love (GxG, SPG) Book 1 Intersex
RomanceBook 1 of Sucker for Love Club Series Saskia Vera-Cruz, Owner of Vera-Cruz Shipping Line, Chief Director of Adeline University, Co-owner of Magnate Lawfirm. A chick Magnate and also a heartbreaker, she doesn't like to get a 'No' for an answer.. Wal...