Saskia Vera-Cruz Pov
"mommy, look" pinakita ni Jaimee ang picture naming dalawa ni Athena. We're here at the living room.
Kinakausap ni Mr. Sarmiento si Andy ngayon.
"hey, i was the one who take those pictures" singit ni Ezra samin. Pareho kaming napatingin sa kanya.
"Yeah, i remember those time" pilit akong ngumiti sa kanya. Dinadama ko ang picture habang hawak ni Ezra ang iba.
"Mommy, mama Athena wants you to have this" kinuha nya sa bag nya ang isang nakapadlock na music box.
"what's that baby?" tanong ko sa aking anak. Yeah, hindi pa ako sanay sa bago kong stado ngayon, na magulang na pala ako.
"A letter" iniabot nya sakin" sabi niya once na nameet na kita sa tulong ni tita Ezra ibigay ko daw ito sayo, pero sabi niya okay lang na basahin mo yan kapag okay na ang nararamdaman mo, kung okay na to" tinuro niya ang puso ko.
"thank you" kinuha ko ito at inilagay ko sa coat ko.
"Jaimee, can you prepare us some snacks?" pakiusap ni Mrs. Sarmiento.
"okay Lola" tumayo ito at pumunta sa kusina, Naupo ang mag asawa sa tapat ko habang si Ezra sa solo chair na upuan at si Andrea sa katabi ni Mr. Sarmiento.
"Ngayong alam mo na na nagkaanak ka kay Athena, may karapatan ka rin sa anak mo. " Simula ni Mr. Sarmiento.
"Nakikiusap ako Saskia anak, wag mo sanang ilalayo si Jaimee samin kung sakaling kunin mo siya" naluluhang saad ni Mrs. Sarmiento.
"Wag po kayong mag alala, wala po akong balak na kunin si Jaimee sa inyo, hindi ko po siya ilalayo pero makikiusap po akong ipapakilala ko siya sa aking pamilya."
"kung yan ang gusto mo" massyang sabi ni Mrs. Sarmiento.
"And i believe there's still a connection between your family to mine" napasulyap ako ng tingin kay Andy, hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o ano, pero nakita ko siyang nag blush and she looks so beautiful. "Kaya pareho parin po tayong may karapatan sa bata" sabi ko. At muling tumingin kay Andy, maging sya ay nakatingin sakin.
"ehem" tikhim ni Mr. Sarmiento at doon lang kami nag hiwalay ng tingin ni Andy "Anyway, hindi pa tayo in good terms Miss Vera-Cruz, oo nga at nalaman mong anak mo si Jaimee, there are things na hindi ko pa matatanggap.. Sa ngayon" tumingin naman si Mr. Sarmiento kay Andy at muling bumaling sakin.
"i understand Sir" sagot ko.
"here's the food po" magiliw na sabi ni Jaimee.
"thank you iha" sabi ng lola nito.
"Lolo, lola. Pwede ba akong mag stay muna kina mommy? i want to meet her family, i want to meet her new wife and my other siblings" saad nito.
"nako Jaimee, solong solo mo pa, wala ka pang kapatid, ewan ko nalang kung sa iba meron" biro ni Ezra kaya siniko ko sya para tumigil.
"what do you mean tita?" pag tataka ng bata.
"wala yun Anak, biro lang ng tita Ezra mo yun" sabi ko sa kanya.
"Sige, pero Babalik ka rin ha, sa isang araw may pasok kana" sabi ni Mrs. Sarmiento.
"thank you lola" malambing ang anak ko, nagmana sya kay Athena.
"Baby'ng Baby pa kahit 10 years old na eh" wika ni Ezra.
College palang kami ng ipinagbuntis ni Athena si Jaimee, kaya pala bigla siyang nag transfer noon dahil nalaman na ng mga magulang niya. Ako naman hindi ko malaman kung tatanggaoin yung rason niya na hindi na niya ako mahal, kaya nag rebelde ako.
BINABASA MO ANG
To Love or Be Love (GxG, SPG) Book 1 Intersex
RomanceBook 1 of Sucker for Love Club Series Saskia Vera-Cruz, Owner of Vera-Cruz Shipping Line, Chief Director of Adeline University, Co-owner of Magnate Lawfirm. A chick Magnate and also a heartbreaker, she doesn't like to get a 'No' for an answer.. Wal...