Saskia Vera-Cruz Pov
Iniuwi ko muna sa mansyon nila Mr. Sarmiento si Andrea, kasama ko si Jaimee, sumama na rin si Dhera para daw makapamasyal din siya sa bahay ng lola ni Jaimee.
"Gago ka, pati anak kong si Andrea balak mo pang sirain ang buhay" Nakatutok sa akin ang baril ni Mr. Sarmiento.
"Hon, tama na.. may mga bata maririning ka" pagpipigil nito.
"Pa wag po" nasa harap ko si Andy pero ako ang pumauna sa kanya, hinarap ko ang Papa niya.
"Merly wag mo ko pigilan, di mo ba narinig sa tv yung pamamahiyang ginawa nila sa anak ko?Kay Andrea?"
"sir let me explain, pina hold ko na lahat ng media, even the internet. Ipapa trace ko ang nag pakalat at nagbalita ng napanuod ninyo. And magbibigay ako ng statement regarding this matter. But sir, please, allow me to explain first". Ibinaba na nito ang baril niya.
"I love your daughter, in fact we're having our own family now" paliwanag ko.
"what?" pagtataka ni Mr. Lorenzo sakin.
"I'm pregnant papa" imik ni Andrea, nanlaki naman ang mata ni Mr. Lorenzo.
"Lolo kana ulit" biro ng kanyang asawa.
"at talagang binuntis mo pa ang anak ko? hindi mo na binigyan ng kahihiyan? Sige paano mo ipapaliwanag sakin ngayon ang sitwasyon niya? kinasal siya kahapon lang tas ngayon ikaw naman ang nakabuntis? gago ka ba? Sinisira nyo ba buhay ng mga anak ko?" Napakapit naman sa braso ko si Andrea.
"don'y worry sir, everything is fine, ako ng bahala sa lahat, i assure you sir na hindi naikasal ang anak nyo kay Logan"
"how?" tanong ni Tita Merly.
"secret" kinindatan ko si Tita. Kaya napatawa naman ito.
"you never change Saskia, you and your hidden agenda para sa mga mahal mo"
Lumuhod naman ako sa tapat ni Andrea.
"I know that this ring is very important to you, dahil ito yung ibinigay mo sakin noon at inamin mo ng buong tapang na mahal mo ko, ang sabi mo okay lang na wag kong sagutin ang tinatanong mo kung mahal kita? ngayon sasagutin ko na. Mahal na mahal kita Andrea noon hanggang ngayon at sa mga susunod pang araw na kasama kita at ng magiging baby natin. Will you marry me?"
Muling napaiyak si Andrea sa sinabi ko.
"Yes, i want to marry you" sagot niya sakin at niyakap ko siyang maigi at hinalikan sa labi.
"teleserye na pinapanuod ko?"tanong no Mr. Lorenzo at napailing ito.
"Kung bibigyan po ninyo ako ng Isa pang pagkakataon, hayaan nyo po kaming magsama ni Andrea,gagawin ko po ang lahat para sa kanya, kung inyo rin pong mamarapatin. Mamayang gabi ay lilipad kami sa states. para doon magpakasal" paliwanag ko pa.
"ganun ka bilis?" tanong ni Mr. Lorenzo sakin.
"hindi mo mapipigil ang isang tao when they're in love" nginitian ko sila at hinawakan ang kamay ni Andrea.
"Sige na Lorenzo payagan mo na" pag kumbinse ni Tita Merly.
"siguraduhin mo lang na hindi na iiyak ang anak ko kundi mapapatay na talaga kita" banta nitong muli.
"yes sir, Sisiguraduhin kong iiyak lang siya kapag ipapanganak na niya ang baby namin at sa tuwing masaya siya and most especially kapag nasasarapan sya" pag bibiro ko. Hinampas naman ako sa ulo ni Mr. Lorenzo "ouch!"
"bastos kang bata ka" sabi ni Mr. Lorenzo kaya nagtawanan sila.
Niyakap naman ako ni Tita Merly kasama si Andy.
BINABASA MO ANG
To Love or Be Love (GxG, SPG) Book 1 Intersex
Lãng mạnBook 1 of Sucker for Love Club Series Saskia Vera-Cruz, Owner of Vera-Cruz Shipping Line, Chief Director of Adeline University, Co-owner of Magnate Lawfirm. A chick Magnate and also a heartbreaker, she doesn't like to get a 'No' for an answer.. Wal...