Saskia Vera-Cruz Pov
One week is enough para magpahinga, hindi ko na kayang walang ginagawang kahit na anong trabaho. Kaya first things first, una muna akong pumunta sa Lawfirm para alamin ang mga naiwan kong trabaho. Then I call Devie kung saan kami mag kikita.
This is the right time para harapin ang taong may gawa nito sakin. Kaagad akong sumakay sa aking sasakyan at pinaharurot ito.
"You're early, akala ko mamaya ka pa?" gulat na saad sakin ni Devie.
"i change my mind, gusto kong hatulan na agad ang may kagagawan nito" Sumunod na ko kay Devie para makapunta na kami kung saan niya kinulong ang may kagagawan.
pagpasok namin sa bullet proof na kwarto, nakagapos sa upuan ang nanaksak sakin. Naka cross arm ako habang tinitingnan siya.
"Ms. Im sorry" umiiyak na saad nito.
"hindi kita sasaktan kung makikipag cooperate ka samin" i pat her head at medyo nangingilig pa sa takot ito.
"now, all im asking is.. sino ang nag utos sayo para saksakin ako"
"h-hindi ko sinasadyang ikaw ang saksakin"
"kung hindi ako ay sino?"
"si Logan!" sigaw niya.
"at bakit mo siya sasaksakin?" tanong ko sa kanya.
D-dahil may atraso siya sakin, ipinahiya niya ako sa babaeng gusto ko. Kaya naisipan kong gawin yun sa kanya, kabago bago niya pero ang yabang nya" katwiran nito. Pero pinapakatitigan ko siya, madali namang mag cope up ng kwento o mag alibi. Napansin siguro niyang hindi ako naniniwala sa sinasabi niya kaya muli siyang nag makaawa.
"Maniwala ka" umiiyak na saad nito.
Sandaling kinausap ko si Devie at nag iwan ako ng gagawin niya sa babaeng ito.
"Ikaw na munang bahala dito, nawalan ako ng ganang kastiguhin ang isang yan" bored na sagot ko, ayokong dungisan ng dugo ang mga kamay ko kaya si Devie ang pagtatrabahuhin ko.
I was parking my car at the VIP area when i glance at the motorbike that pass by at my spot. It was Logan with Andrea.
They're laughing while talking at parang kagagaling lang nila sa lunch. I don't know but i grip the car key. Naglakad na ko palayo sa lugar. At sa halip ay dumiretso na ako sa aking office.
"Maam Ms Sarah is looking for you" saad nito.
"where?"
"sa office po ninyo" nadatnan ko si Ate na Seryoso at nakatingin sakin.
"Didn't you know na may problema sa azucarera de Lucia?"
"No, what happened?"
"Yung iniwan mong mga nag mamanage ng ating family business inaabuso na ang mga trabahador, at may nawawalang mga delivery. "
"you want me to go there? para personal kong abyarin ganun ba?"
"kung pwede sana na ikaw, i have tons of paper works dumagdag pa si Maynard" Maynard is her ex husband. Ewan ko sa kanila, ang gulo ng relasyon nila. Kaya hindi ako nangingialam.
"alright i'll go there tonight"
"tonight?" gulat na tanong ni ate sakin.
"yes tonight, i'll give instruction to Jeane kung ano man ang ipag uutos nyo"
" how's your body? baka masakit pa ang sugat mo"pag aalala ni ate.
"hindi, okay na naman, hindi naman siguro ako masstress doon"
BINABASA MO ANG
To Love or Be Love (GxG, SPG) Book 1 Intersex
RomanceBook 1 of Sucker for Love Club Series Saskia Vera-Cruz, Owner of Vera-Cruz Shipping Line, Chief Director of Adeline University, Co-owner of Magnate Lawfirm. A chick Magnate and also a heartbreaker, she doesn't like to get a 'No' for an answer.. Wal...