"GOOD morning, Pearl, my precious gem!"
Muntik nang buhusan ni Pearl ng umuusok na kape ang nakangising mukha ni Zedric nang ito agad ang bumugad sa kanya paglabas niya ng bahay papuntang front porch. Umagang-umaga, nandito na naman ito sa bahay niya. At sira na naman ang araw niya!
"Heh! Paano magiging good ang morning ko kung ikaw ang una kong nakikita?" pagtataray niya. "You're being unfair."
He grinned. "Well, pwede naman nating gawan ng paraan 'yan."
Tumaas ang isang kilay niya. "Ewan ko sa 'yo. Huwag ka ngang ngumisi ng ganyan, nagtataasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan!"
"Lahat?"
"Manyak! Kinikilabutan ako sa 'yo!"
Tatawa-tawang tumabi ito sa kanya nang maupo siya sa upuan na yari sa kawayan. Ipinatong niya ang mga paa bago sinimulang inumin ang mainit-init pang kape. Tinanaw niya ang kalye sa harap ng kanyang bahay. May mga nanay na nagwawalis, mga batang naghahabulan at namumugaw ng mga bangaw, may mga tao na ding naglalakad sa kung saan-saang direksyon, at dinig na dinig na rin niya ang tunog ng radyo ni Lola Kerps. It was just a normal Saturday morning. Kumbaga, 'yon ang routine ng mga tao sa barangay nila.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito? Aasarin mo na naman ba ako buong araw?" tanong niya nang mapansing hindi na ito umiimik sa tabi niya. Nang hindi pa rin ito nagsasalita ay binalingan niya ito. Nakapangalumbaba ito habang seryosong nakatitig sa kanya. There is something in his eyes that she can't name. "Hoy!" untag niya dito. "Huwag mo nga akong titigan ng ganyan."
Imbes na tumalima ay napabuntong-hininga lang ito. Napalitan ng kapilyuhan ang kislap ng mga mata nito. "Alam mo bang hindi ka nakakasawang titigan, Pearl? Napakaganda mo. Wala akong maitapon na anggulo."
"Alam ko na 'yan. At kapag hindi mo pa 'yan ititigil, dudukutin ko talaga 'yang eyeballs mo at ipapanguya ko sa 'yo."
"What? Naiilang ka ba?" There was a slight grin forming in his lips.
"No. I just find it so rude."
"Hindi naman, ah. Sa pagkakaalam ko kasi, ang pagtitig ay isang freedom of expression."
Pearl rolled her eyes. "Nag-iimbento ka na naman. Kung ikaw kaya ang tititigan ko, hindi ka kaya maiilang?"
A seductive smile was now evident in his lips. "So naiilang ka nga?"
"Tinatanong kita, sumagot ka ng maayos."
"Well, in my case, no. Pabor sa 'kin 'yon, eh."
Napasimangot lang siya. Bakit nga ba niya pinatulang kausapin ang sira-ulong 'to?
Zedric Elijah Enriquez was her ex-boyfriend— first boyfriend and first heartache. They met and fell in love during their college years. He possessed all the traits that she wanted in a guy kaya nahulog ang loob niya rito. He's the one that she'd been praying for her life or so she thought...
It had been three years since they broke up with each other. Ang dahilan? Nahuli lang naman niya itong nakikipaglaplapan sa best friend niya. Yep, of all people, ang best friend pa niya talaga! She never knew that they had something going on between them. Hindi kasi niya alam na nagpapansinan at nag-uusap pala ang mga ito! But whatever! Ang kakapal pa rin ng mukha ng mga ito! Hindi man lang talaga isinaalang-alang ang lugar kung saan ang mga ito maghahalikan dahil sa pampublikong lugar pa talaga!
Mabuti na lang pala at siya ang nakahuli sa dalawa. Kasi kung sa iba pa niya malalaman ang tungkol doon ay siguradong mga mata lang ng mga ito ang walang latay.
The day she accidentally discovered that incident, she didn't know what to do and feel. Para kasing pinagsakluban siya ng langit at lupa at tinakasan pa siya ng lakas na makaramdam. Gustong-gusto niyang saktan ang mga ito pero hindi niya magawa. Kasi sa kabila nang ginawa ni Zedric sa kanya ay mahal pa rin niya ito. Tanga yata siya dahil imbes na talikuran ang mga ito ay binigyan pa niya ng pagkakataong magpaliwanag ito. But Zedric is a jerk. He prefer not to talk. Nanatili lang kasi itong nakatitig sa kanya. He was poker-faced at nararamdaman niyang naguguluhan ito.
Pero hanggang doon lang ang pagiging tanga niya. Hindi na siya nagdalawang-isip pa na makigpaghiwalay agad dito. 'Yon lang ang alam niya to save herself. Kahit masakit. Nakita niya ang matinding pagtutol sa mukha si Zedric. She knew somehow he didn't agree. Pero hindi nito isinatinig 'yon. Akala pa naman niya ay pipigilan siya nito pero hindi pala. Naghintay lang siya sa wala.
That time, she knew they were destined to fall apart. Na pinagtagpo lang sila para lang mawalay sa isa't isa. But she knew deep inside her that if he explained, she will forgive him because honestly, she still love him. Gano'n kadali. Pero wala, eh. Natuldukan na rin nang araw na 'yon ang pagkakaibigan nila ni Remie.
The day after their break up, nabalitaan na lang niya na umalis si Zedric at nanirahan na sa Cebu. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Gusto niyang magtampo dahil hindi man lang siya nito sinuyo. Isn't she worth it? Maybe, yes. Because if so, hindi ito lalayo. Pero aaminin niya, namimiss niya ito. Every passing day without him was so painful. Nasanay kasi siyang kinukulit siya nito araw-araw, na ito palagi ang kasama niya. Pero dahil lang sa nangyari, biglang naglaho lahat. Ni wala man lang silang closure. He just left her hanging, for Pete's sake.
A year after that heartbreaking incident, she still graduated with latin honors and passed the board exam in one take. Blessing in disguise yata ang nasaktan siya noon dahil puro kasiyahan naman ang natatamasa niya pagkatapos no'n.
Originally, she wanted to become a teacher. Pero hindi siya pinayagan ng Papa niya, sa halip ay Civil Engineering ang pinakuha nito sa kanya. And that was when she knew 'everything happens for a reason' made sense because she met Zedric, who was taking up Mechanical Engineering, and fell in love.
Ginawan niya ng paraan ang frustrations niya na maging isang guro. Nag-apply siya bilang instructor sa Civil Engineering department sa dati niyang paaralan kung saan agad naman siyang natanggap. She was enjoying being a college instructor and was starting to fall in love even more with her career when Zedric suddenly appeared. Ang gago, isa na rin palang instructor sa doon!
Aaminin niyang hindi pa siya handang makita ito. Pero ang magaling na lalaki, agad na nagpapalipad-hangin sa kanya na tila walang nangyari sa pagitan nila nito noon. But he said he was sorry. Yes, matatanggap niya 'yon. Pero ang ipagsigawan sa buong university na paiibigin siya ulit nito ay hindi katanggap-tanggap. Dinagsa kasi siya ng samu't saring emosyon at hindi niya napaghandaan 'yon. That moment led them to where they were now.
BINABASA MO ANG
It's Only Love (Complete)
RomanceThis is an edited version. Published under Precious Hearts Romances last 2015. Enjoy reading! Dimple ♡