Chapter Twelve

5.3K 106 4
                                    

KANINA pa nahihilo si Pearl sa kahahanap kay Zedric. Malapit na nang mag-alas sais ng gabi at magsisimula na sa ilang sandali ang late dinner party nila. Nag-aagaw na ang dilim sa paligid at hindi na niya alam kung saan siya banda. Hindi niya kasi kinabisado ang naturang isla kaninang hapon dahil abala siya pag-aanalyze ng nararamdaman niya para kay Zedric na kalaunan naman ay nagkaisa din ang kanyang puso at diwa. Sa wakas!

Binaybay niya ang seven-floor beach building na malapit sa kinaroroonan niya para doon magtanong dahil alam niyang kilala doon si Zedric. Nasa entrance na siya nang mapansin ang isang pamilyar na bulto ng lalaki at babae na mabilis na nagtago sa mayabong na tanim sa gilid. Sa hindi malamang dahilan, bigla nalang siyang kinabahan. Kahit na nagdududa at hindi mapakali ay ipinagkibit-balikat nalang niya 'yon saka dumiritso sa receptionist.

"Good evening. Excuse me," bati niya dito. "Kilala mo ba si Zedric Enriquez? Napansin mo ba siya dito? Kanina ko pa kasi siya hinahanap, eh."

"Good evening din po, Ma'm," magiliw na sagot nito sa kanya. "Si Sir Zedric po ba? Yes po. Kalalabas lang po niya. Hindi po ba kayo nagkasalubong? May kasama po siyang babae na kulot."

Parang dumoble ang kabang naramdaman niya kanina dahil sa narinig. "Ah, gano'n ba? Sige, salamat." Then she went out. Iba talaga ang gut feel niya sa dalawang taong napansin kanina. Without having second thoughts, she went near the bush. May narinig siyang tila nag-aaway doon. And their voices were very familiar. Hindi niya mapigilan ang unti-unting pagkunot ng noo sa mga narinig.

"Zedric, why are you like that? Hindi mo ba ako namiss?"

"How many times, Remie? Kahit kailan, hindi kita mamimiss. Alam mo, kung okay lang manakit ng babae, bugbog sarado ka na ngayon. Alam mo bang galit na galit pa rin ako sa iyo? Ikaw ang puno't dulo kung bakit kami nagbreak ni Pearl noon. You let her believe that we have something going on between us, when in fact, wala naman."

"Hey, bakit ba ako ang sinisisi mo? That day, no'ng nahuli niya tayong naghahalikan—"

"Na ikaw lang naman talaga ang humalik sa 'kin."

"Whatever! Hindi ka nagpaliwanag sa kanya, Zedric. Tas ngayon, sa 'kin mo ibubunton ang katangahan mo?"

"Alam ko ang kasalanan ko. Pero may kasalanan ka rin. Sabi mo sa 'kin may sasabihin kang importante. Unknowingly, plano mo pala talagang sirain kami nang araw na 'yon by kissing me. Bakit ka ba gano'n kay Pearl? Ang bait niyang kaibigan sa 'yo."

"Mabait? May mabait bang mang-aagaw? Inagaw ka niya sa 'kin."

"Baliw ka na. Hindi ako kailanman naging sa 'yo. Besides, I never knew you existed kung hindi ka lang pinakilala sa 'kin noon ni Pearl."

"I have loved you since high school, Zedric. You see, we were schoolmates before. Pero kahit kailan, hindi mo ako pinapansin. Nang magcollege tayo, sinundan kita kung saan ka mag-aaral. I'm ready to introduce myself to you pero palagi nalang akong nauunahan ng takot. Hanggang sa nagkagirlfriend. I was so mad, so furious, and so jealous. Sabi ko, babawiin kita sa kanya. Kaya ako nakikipaglapit kay Pearl. That girlfriend of yours was very gullible—"

"Bawiin mo ang sinabi mo."

"Hindi lang siya gullible, bitch din siya—"

"Don't you dare call her that!"

Napasandal si Pearl sa malamig na semento nang dumagundong ang boses ni Zedric. Sabi na nga ba niya. Kaya pala pamilyar sa kanya ang babae dahil si Remie nga naman pala 'yon. How can she forget her? Ito lang naman ang tinuturing niyang best friend dati na naging dahilan kung bakit nag-break sila ni Zedric. Hindi na siya magtatanong kung ano ang ginagawa nito doon dahil obvious naman ang dahilan.

It's Only Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon