Chapter Two

11.1K 148 10
                                    

"HINDI ka naman siguro nagpa-plano kung papaano ako papatayin, ano?"

Napakurap si Pearl nang marinig ang baritong boses na 'yon. Kanina pa ba niya ito tinititigan? "Salamat sa suggestion, gagawin ko 'yan ngayon din."

Zedric chuckled and she hated it. "Ang ganda mo ay kumikinang talaga sa umaga, Pearl," makata nitong sabi.

Muntik na siyang mabulunan sa iniinom na kape kung hindi lang niya napigilan ang pagtawa. Sira-ulo talaga ito. Napamura tuloy siya. "Nang-aasar ka ba talaga?"

"Ha? Hindi naman—"

"FYI, alam kong hindi pa ako naghihilamos kaya kumikinang pa talaga ako. Hindi mo na kailangang ipamukha sa 'kin 'yon."

"What? No, babe, that's not what I meant—"

"Umalis ka na nga! Umagang-umaga nang-aasar ka. Layas na!"

But he just sat comfortably beside her. "Nah. I'm okay here. Ikaw, okay ka lang ba diyan?"

"Wala ka bang matinong gagawin sa araw na 'to?"

"Hmm... meron naman."

"Ano? Mang-aasar? Manira ng araw?"

"Manliligaw sa 'yo, ano pa nga ba?" Kinindatan pa siya nito.

"Binasted na kita, di ba?"

"Haven't I told you before? I won't take 'no' for an answer."

"Haven't I told you before rin? Ayoko na sa 'yo."

"Bakit naman? Gwapo naman ako, bagay nga tayo, eh. Mabait rin, masipag, gwapo. Kayang kaya kitang alagaan, proteksyonan, intindihin—"

"Tigilan mo na nga 'yang pagpapalipad-hangin mo sa 'kin at baka matangay na ako."

Tumango-tango ito. "Right. Kailangan ko na ngang itigil 'to at baka mapadpad ka pa sa iba. Mahirap na."

Anak ng—! Akalain mong naipasok pa niya 'yon?

"Zedric—"

"Ahh, ang ganda talaga ng pangalan ko kapag ikaw na ang bumabanggit no'n. Paki-ulit nga."

"Ano ako, uto-uto?" Binatukan niya ito pero hinuli nito ang kamay niya. Pinandilatan niya ito sabay bawi sa kamay niya. "Tumahimik ka nga muna! Nagsasalita pa ako. Pasakan kita ng tsinelas diyan, eh."

Tumawa ito. "Okay. Ano nga 'yon?"

Tinignan lang niya ito ng masama. Napailing siya nang kumindat na naman ito sa kanya. "Ay, ewan."

"Pearl?"

"Inaano kita diyan?"

"Mahigit isang taon na akong naghahabol sa 'yo. Kailan ka ba maniniwala na mahal pa rin talaga kita hanggang ngayon? Hanggang kailan mo pa ba ako pahihirapan?"

She felt distracted with that sadness she heard in his voice. Teka, malungkot ito? Duh, as if. Hindi nalang niya pinagtuunan ng pansin 'yon. "Nagrereklamo ka na ba sa lagay na 'yan? Dahil kung 'oo', pwes, tigilan mo na 'yang kahibangan mo at nang matahimik na rin ang buhay ko. Because first of all, I didn't ask you to be this stupid—"

"Hindi stupid ang paghahabol sa isang tao na mahal mo pa, lalo na kung ang taong 'yon ay ikaw."

Lihim siyang nagmura. Napakaseryoso ng boses nito. Hindi siya sanay. "Second, I made it clear to you from the very beginning that I won't take you back. Hindi kita pinapahirapan. Ikaw ang nagpapahirap sa sarili mo."

"Hindi naman ako nahihirapan, eh," he said while looking at her. Hindi niya mailarawan ang emosyong nakita sa mga mata nito dahil napalitan agad 'yon ng pagkaaliw. "Hey, I was just asking. Seryoso ka naman masyado."

"Of course, I'm serious."

"Me too." Bigla nalang itong tumayo saka hinila din siya patayo. "Mukhang nalipasan ka na ng gutom, ah. Halika, mag-ice cream tayo para lumamig naman 'yang ulo mo. Treat ko."

"Sira ulo ka talaga, 'no? Ang aga pa kaya!"

"Sabi ko nga." Hindi na siya tumutol nang tuluyan na siyang hilahin nito palabas. "Bumili nalang tayo ng pandesal. Umagang-umaga, nagkakape ka. Baka sumakit ang tiyan mo niyan. Nenerbyusin ka pa ng wala sa oras."

"Duh. As if you care."

"Hey, I always care. I always do."

Nahimigan na naman niya ang pagiging seryoso nito. "Oh, eh, ano naman ngayon?"

"Because I love you, that's why."

Okay, time to abort. Pilit niyang binawi ang kamay dito pero hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa kanya. "Let me go!"

"No," matigas na sagot nito.

"Kung gusto mong bumili ng pandesal, bumili ka ng mag-isa. May gagawin pa ako sa bahay. Maliligo pa ako."

"Huwag ka munang maligo. Ako lang din naman ang aamoy sa 'yo, eh."

Napangiwi siya. "Manyak ka talaga kahit kailan, 'no?"

"Nah, I'm just addicted to you." And to prove his point, lumapit ito sa kanya saka pinanggigilang amuyin ang kanyang leeg. Sa pagkabigla niya ay malakas niya itong nasabunutan. Biglang ginapang ng kakaibang sensasyon ang pagkatao niya. It seemed threatening her to make her lose her sanity and knock her senseless.

"Aray ko!" Tatawa-tawang lumayo ito sa kanya, namumula ang mukha.

"Walang hiya ka! Kakasuhan kita ng sexual harassment, gago!"

"I'm sorry..." nang makuntento na ito sa pagtawa ay nagseryoso na uli ito. "I just miss you, Pearl. And I still really love your scent, by the way," masuyong wika nito.

"Seryoso ako, kakasuhan talaga kita ng sexual harassment."

Nalukot ang gwapo nitong mukha. "Oh, you don't mean that."

"Try me."

He took a step closer to her. "Aba, game!"

Pero bago pa nito magawa ang kapangahasang naiisip nito may malakas niya itong tinulak palayo dahilan para mapunta siya sa gitna ng kalye at muntik nang masagasaan ng humaharurot na sasakyan. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ni Zedric at nahila agad siya nito palapit dito. Parang naglaho ang lakas niyang magprotesta nang yakapin siya nito. He was making her safe and she felt safe.

"Ano ba?! Magpapakamatay ba 'yang girlfriend mo? Dahil kung oo, humanap kayo ng ibang mapeperhuwisyo! Huwag ako ang istorbohin niyo dahil wala ako sa mood!" Nagmura ng dalawang beses ang lalaking naka shades na nakadungaw mula sa bintana ng kotse nito.

"Hoy tarantado! Huwag mong ibunton sa 'min ang kasalanan mo! Ikaw ang hindi nag-iingat! Saka sino bang may sabi sa 'yong magpapakamatay ang girlfriend ko!" Nagmura din si Zedric.

"So ano? Naglalandian lang kayo? Kung gano'n, humanap kayo ng kwarto! Huwag kayong haharang-harang sa  kalsadang 'to! Mga buwisit!"

"Aba't—! Anak ka ng—! Hoy gunggong! Kung buwisit kami, mas buwisit ka naman! Huwag mo kaming sinisigawan dahil nasa territoryo ka namin! Baka gusto mong umuwi na magkapira-piraso!"

"Ewan ko sa inyo! Ang lalandi niyo!" Iyon lang at muli nang pinaharurot ng lalaki ang sasakyan nito palayo.

It's Only Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon