Epilogue

8.4K 178 29
                                    

LUPAYPAY na umupo si Pearl sa malamig at basang tiles ng banyo. Katatapos lang niyang sumuka. Hindi niya alam kung anong nangyari dahil bigla nalang bumaliktad ang sikmura niya nang magluto siya ng daing kanina which was weird. Paborito kasi niya ang daing. She leaned on the tiled wall as she closed her eyes. Nahihilo rin siya. Ano bang nangyayari sa kanya? Magdadalawang linggo na siyang gano'n. Kailangan na niya yata ng checkup.

She heard someone walked down the stairs. "Babe? Nasa'n ka?" tawag ni Zedric sa kanya.

"Nandito sa banyo," she talked louder as much as she can.

Ang nag-aalalang mukhang ng asawa niya ang bumati sa kanya. They were already two years married now. Na'ng nakaraang taon ay nagbukas sila ng sarili nilang construction firm, ang Enriquez Ventures. Nakapagpatayo din sila ng sariling bahay at nakapundar ng malawak na lupain sa probinsiya. Marami na ang nangyari sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama at sa kabila ng kakulangan niya ay ramdam pa rin niyang mahal na mahal siya ni Zedric. After all these years, nothing changed. And she realized one thing that she'll be grateful for all her life; she married the right man. Maswerte siya dito.

"Are you okay? What happened?" Binuhat siya nito saka maingat na pinaupo sa sofa.

"Ewan ko. Bigla nalang akong nasuka nang maamoy ko iyong daing, e. Sobrang lansa na amoy patay na daga na ewan. Babe, baka sira iyong nabili kahapon."

Mas lalong mahahalata sa mukha nito ang pag-aalala. Dinama nito ang pisngi niya at noo. "Iyong daing ba talaga? Fresh pa naman iyon sabi no'ng nagtinda."

Napangiwi siya. "May daing bang fresh?"

"Oo, iyon. Babe, baka kung ano'ng panis ang nakain mo kaya sumama ang tiyan mo."

"Siguro—"

Kahit na nahihilo pa rin ay mabilis siyang tumakbo pabalik sa banyo nang pakiramdam niya ay masusuka na naman siya. Naramdaman naman agad niya ang asawa sa tabi. "Babe, dalhin na kaya kita sa ospital?"

"No, I'm fine—"

Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay.

IMINULAT ni Pearl ng dahan-dahan ang mga mata. Puting kisame at puting dingding ang bumungad sa kanya. Teka, nasaan siya? She looked around. May mga kagamitang pang-ospital. So, nasa ospital siya?

Bilang sagot ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang babaeng doctor at si Zedric na mababakas pa rin ang pag-aalala sa mukha. He hurriedly walked towards her and cupped her face.

"Babe, kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Ayos lang naman."

"Are you sure?"

Tumango siya. Tumikhim ang doktor na may dalang papel sa tabi ni Zedric. "Doc, kumusta po ang lab tests niya?" tanong ng asawa niya dito.

"All the tests were good, Mr. and Mrs. Enriquez." May binasa ito sa papel. "Na-operahan ka na pala sa matres mo, Misis?"

Tumango siya. "Yes, Doc. May mga kinuhang bukol. Sabi ng doctor ko noon, impossible na daw na magkababy pa ako."

"Well, this must be a miracle. You are one month pregnant. Congratulations!"

"What?" Sabay pa nilang tanong ni Zedric. Is she serious? Paano nangyari 'yon? Ginugoodtime lang yata sila ng doktor.

"Yes. I don't know how it happened." Ngumiti ito sa kanila. "Pero siguro, malakas kayo sa Itaas."

"H-hindi ba kayo nagbibiro, Doc?" tanong niya. Gusto niyang ngumawa sa narinig. Siya? Buntis? Weh?

Namaywang ang doktor. "Mukha ba akong nagbibiro?"

It's Only Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon