Chapter Four

7K 102 2
                                    

ABALA sa panonood ng volleyball game si Pearl nang umagang iyon. College of Engineering and Architecture versus College of Nursing ang naglalaban kasalukuyan. Second day na iyon ng Intramurals sa buong university. Lumingon siya sa entrance ng covered court. Wala pa rin ang mga kaibigan niya, kanina pa niya hinihintay ang mga ito.

"Nasaan na kaya 'yong mga 'yon? Ang tagal naman—"

Napasinghap siya nang bigla nalang siyang pinosasan ng mga unipormadong CAT at hinatak palabas ng court. Bigla siyang nagpanic.

"Teka, saan niyo ako dadalhin? Saka bakit may ganito? Pwede bang tanggalin niyo 'to?" Itinaas niya ang nakaposas na mga kamay. Ngunit wala man lang nagsalita o kumilos sa mga ito. "Hoy, sinabi ko nang tanggalin niyo 'to, eh. At pwede bang dumahan-dahan kayo sa paglalakad? You're dragging me!" reklamo niya sa mga tuod na kasama. Bumagal naman ang pagkakalad nila. "Saan niyo ba ako dadalhin ha? Pwede bang may sumagot man lang sa inyo? O kung gusto niyo, isusumbong ko kayo sa principal ninyo at kakausapin ko ang mga instructors ninyo at ipapabagsak ko kayo sa lahat ng mga subjects niyo? How's that? Hmm? Teka, mga pipi ba kayo? O— teka... bakit...?" Natigilan siya nang idiposito siya nang mga ito sa loob ng marriage booth.

"Pearl, mabuti naman at nagpakita ka na sa madla!" nakangising bati ni Desiree sa kanya, co-instructor niya.

"Ano'ng meron? Bakit nandito ako? Pwede bang tanggalin niyo na 'to? Masakit na talaga 'yong kamay ko." Tumalima naman ang isa sa CAT. "Ano'ng ginagawa niyo dito? Kanina ko pa kayo hinihintay sa covered court, ah," aniya kay Desiree.

"Well, ang sabi kasi, ikakasal ka daw ngayon."

"Ano?"

Iminuwestra nito ang paligid. She surveyed the place. Maganda ang arrangement ng mga bulaklak, may cute na altar sa unahan, mahahabang upuan, choir, pekeng pari at mga bisita na karamihan ay kasamahan niya sa faculty na nakangiting nakatingin sa kanya. She was looking for one particular face but he was not there. Mukhang alam na niya ang mangyayari. Binalingan niya si Desiree. "This is not funny."

"Sino ba kasi ang may sabi sa 'yo na nagpapatawa kami?"

Biglang nagkagulo sa may likuran niya, pagbaling niya para tignan 'yon ay saktong sinalubong ang mukha niya ng isang matigas na dibdib. Matutumba na sana siya kung hindi lang siya nahawakan ng kasalubong.

"Aray! Ano ba! Hindi ako makahinga!" sigaw niya sabay hampas at sipa dito sa kung saan.

"Oo na! Aray! Huwag kang magulo!" sigaw din nito.

Natigil siya nang marinig ang baritonong boses na 'yon. When she looked up, she was welcomed by the most handsome face she had ever seen. Nakangiwi ito. Sabi na nga ba...

"Hi," nakangiting bati ni Zedric sa kanya nang makabawi. Akmang tutuhurin niya ito ngunit napigilan siya nito. "Oops, not so fast."

"Ano'ng ginagawa mo dito?" asik niya dito.

"Ewan ko. Ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Hah! Nagmamaang-maangan ka pa! Siguro ikaw ang mastermind nito!"

"What the hell are you talking about? Nananahimik ako sa basketball court kanina nang bigla nalang akong pinosasan ng mga batang-lumot na 'yon."

Humalukipkip siya. "Playing innocent, are we?"

"Ehem... ehem..." singit ni Desiree. "Excuse lang po, ano? Bago kayo magpatayan diyan, pwede bang simulan na natin ang seremonyas?"

"Seremonyas?" nagtatakang tanong ni Zedric. Noon lang nito iginala ang paningin sa paligid pagkatapos ay nakangising binalingan siya. "As much as possible, I would like this to be real... with you. But for the sake of everyone's effort, let's do it."

"Mag-isa ka—" Napabahing si Pearl nang bigla nalang siyang sinuotan ng belo ni Desiree sa ulo. "Ano 'to? Tanggalin niyo nga 'to."

"Huwag mong tanggalin 'yan. Props 'yan."

Narinig niya ang pagtawa ni Zedric. "Para kang multo sa lumang pelikula," anito. Tinignan niya ito ng masama. Umayos naman ito. "But still beautiful. Anyway, I'll wait for you at the altar, my lovely bride. Don't run away." He traced her face with his fingers. Kung hindi lang nito nailayo 'yon ay malamang nakagat na niya 'yon. Nilingon nito ang choir sa kabilang panig. "We're ready." Then a wedding song began.

...Been rehearsing for this moment all my life, so don't act surprise if the feeling starts to carry me away... On this day, I promise forever. On this day, I surrender my heart. Here I stand, take my hand. And I will honor every word that I say. On this day...

Nakangiting kinindatan siya ni Zedric bago ito nakapamulsang naglakad patungo sa altar. Lihim naman niyang minura si Desiree na halatang kilig na kilig sa tabi niya. "Hindi ito nakakatuwa."

"Ikaw lang naman ang hindi natutuwa. Anyway, huwag ka ngang KJ diyan. Halata namang tinatamaan ka. O." Ibinigay nito sa kanya ang bouquet ng mixed sunflower at roses. The arrangement was very beautiful. "Galing 'yan kay Zedric. Hindi 'yan props."

"What?"

"Isn't he the sweetest? Lakad na, girl, malapit nang matapos ang kanta. Go!"

Hindi na siya nagreklamo nang bigla nalang siya nitong itinulak. She started walking. Ewan niya pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso niya. She look straight at Zedric who was seriously staring at her. She could see the love shining in his eyes. 'Yon ang madalas ipinapakita nito sa kanya noong sila pa. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat naaapektuhan sa presensya nito. She did it a year ago. Magagawa din niya 'yon ngayon. Pero kasi...

Sinimangutan niya ito nang hinawakan nito ang kamay niya pagdating niya sa altar. The fake ceremony began. At napilitan pa siyang mag 'I do'. Lihim niyang sinulyapan si Zedric. She caught him staring at her. Pero hindi man lang ito nagbawi ng tingin bagkus ay nginitian pa siya nito kaya siya na ang umiwas. His stare somehow sent shivers down her spine. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagharap ni Zedric sa kanya. He was grinning, his eyes were twinkling.

"You may now kiss the bride," ani ng pekeng pari.

"Sige, subukan mo," itinaas niya ang kamao. "At ito ang makakahalikan mo," banta niya. But he just shoved her hand away.

"Kiss! Kiss!" sigaw ng audience.

Hindi na nakapalag si Pearl nang mapansin ang pagbaba ng mukha ni Zedric sa kanya. His lips were obviously aiming for hers. Napalunok siya nang magtama ang mga mata nila. He was enjoying her discomfort. Babatukan sana niya ito pero bigla nalang nitong ipinikit ang mga mata. The next thing she knew, he was kissing her. Tila nabingi na siya lakas ng tibok ng kanyang puso. What mattered now was the two of them. Everything around them became blurry. Kusang pumikit ang mga mata niya at tinugon ang halik nito, like she was treasuring his kisses. His kisses that she missed so much...

It's Only Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon