"WILL you stop staring at me?" naiiritang tanong ni Pearl kay Zedric. Inamba niya dito ang hawak na sandok. "Titirahin talaga kita nito," banta niya.
Hindi ito natinag. He just kept on staring at her even more. "Do what you want to do. I don't care. I just don't want you out of my sight," bumuntong-hininga ito. "I really can't believe that I'm with you, that you're here. Na ikaw na ngayon ang lumalapit sa 'kin. I must've done something right."
Hindi niya ito pinansin, bagkus ay itinutok niya dito ang sandok. "Isa. Hindi ako nagbibiro, lilipad talaga 'to sa 'yo."
"Aw, c'mon, Pearl. High blood ka na naman. Gusto ko lang namang makita ang nag-iisang babae sa buhay ko. Huwag mo nalang akong pansinin dito."
Too bad. She can hardly do that now. She was very aware of his presence. Her heart was very aware of him. Binalingan nalang niya ang kumukulong lugaw at binuksan ang takip niyon. Hinalo niya 'yon. She can't take it anymore. She needed distraction. His stare was making her feel awkward. Nako-conscious na din siya sa sarili. Naririnig na din niya ang pabilis na pagtibok ng kanyang puso. Huu! Nakakapraning! "Nag-iisang babae talaga sa buhay mo? Eh, si Nanay Bebang? Si Zara? Si Ate Chelsea? Hindi ba 'yon mga babae sa buhay mo?"
"Mama at mga kapatid ko naman 'yon. Iba 'yon," pumalatak ito. "Alangan namang jowain ko ang mga 'yon."
Tinalikuran niya ito para hindi nito makita ang pagpipigil niyang tumawa. Siraulo talaga itong sumagot, eh. "Bumalik ka na nga do'n sa kuwarto mo," pagtataboy niya dito. "Ihahatid ko nalang 'to kapag tapos na." Tinakpan niya ang kaldero.
"Ihatid mo ako," paglalambing nito.
"Wow. Parang ang layo ng kuwarto mo, ah," sarkastikong aniya. "Kaya mo na 'yan, oy."
"Ikaw ang nurse ko, dapat inaalagaan mo ako ng mabuti. Is that how you treat your patient?"
Napabuga siya ng hangin nang wala sa oras. She really can't believe this guy. Kinokonsensya na ba siya nito? "I'm an engineer, not a nurse."
"But you're here and you're nursing me." He offered her his hand. "Halika na. Nahihilo na naman ako."
Dahil sa sinabi nito ay mabilis niya itong nilapitan. In a way, may kasalanan din naman siya sa nangyari dito.
Pero slight lang, 'no!
Pagbibigyan nalang niya ito para matapos na ang drama at kabaliwan nito.
Weh? Gusto mo rin e, tudyo ng madumi niyang utak.
Duh. Shut up.
His happiness was obvious as he held her hand, stood up then placed his arms on her shoulder. Hinila siya nito palapit dito. The mere touch of their bodies bought a nice feeling to her somehow. Again. Mukhang unti-unti na siyang nasasanay na mapalapit dito, ah.
"Ang bigat mo," kunwari reklamo niya para pagtakpan ang nag-iiba na talagang damdamin para dito. Sheeeeeet!
"Okay lang 'yan, para cute tayong tingnan."
"Tsinatsansingan mo lang ako, eh. Kunwari ka pang nahihilo."
"Nahihilo talaga ako."
"Hilohin mo'ng mukha mo." Gaya kanina ay kinumutan niya ang makulit na lalaki hanggang ulo nang humiga na ito. "Diyan ka lang, huwag kang magulo."
"Ginawa mo na naman akong bangkay," reklamo nito. Inayos nito ang kumot sa sarili. "Oh teka lang, aalis ka na?"
"Magluluto pa ako, di ba?"
"Where's my kiss?"
"What?"
"My kiss? 'Yong nakakabaliw, ha." Ngumuso pa ito.
BINABASA MO ANG
It's Only Love (Complete)
RomanceThis is an edited version. Published under Precious Hearts Romances last 2015. Enjoy reading! Dimple ♡