PALABAS na ng mall sina Pearl at Zedric nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagyaya pa kasi si Pearl na magwindow shopping kanina kaya natagalan sila.
"Hala, pa'no 'to? Wala akong payong," aniya habang nakatingin sa naglalakihang patak ng ulan.
"Ako rin wala," wika naman ni Zedric sa tabi niya. Gaya niya pinapanuod din nito ang pagbagsak ng ulan. He looked a bit worried though.
"Ano ba 'yan? Lalabas-labas ka tapos wala kang dalang payong? Ano kaya 'yon?"
"Bakit, ikaw? Meron?"
"Ikaw ang pinag-uusapan dito."
"Aba, nakakain ka lang, naging brutal ka na naman. Inaapi mo na naman ako."
"Ewan ko sa iyo. Wala kang kwenta. Huu!"
Mukhang hindi nagustuhan ni Zedric ang sinabi niya dahil bigla nalang nitong hinubad ang polo at sinaklob sa kanya. "Walang kwenta pala ha. Tignan natin kung sino ang walang kwenta ngayon."
Napatili si Pearl nang bigla nalang siya nitong hinatak palabas ng mall at tinatakbo nilang tinawid ang kalsada. Nasa waiting shed na sila nang hampasin niya ito ng dalang bag.
"Sira-ulo ka talaga!" sigaw niya. Paano ba naman kasi, wala rin kwenta ang polo nito dahil basang-basa siya.
"At least nagkakwenta ako," natatawang anito.
"Nag-eenjoy ka talaga dito, 'no, sira-ulo ka?" naasar na tanong niya. "Kung bumili nalang sana tayo ng payong, hindi sana tayo mababasa ng ganito!" bulyaw niya dito.
"Oo nga, 'no?"
"Hindi mo naisip 'yon?!" nanggigigil na singhal niya.
Ngunit ngumisi lang ang gunggong. "Alam mo kasi, Pearl, kapag nandiyan ka, lalo na pag katabi kita, hindi ako nakakapag-isip ng matino. You occupied my mind, every corner of it."
"Nagpapalusot ka pa talagang damuho ka!"
Tumawa lang ito. "Hey, loosen up. Napakaseryoso mo talaga. Don't you know the word fun?"
"Fun? Fun para sa 'yo 'to? Paano kung magkasakit tayo?"
Nagkibit-balikat ito. "You know, you always have a choice on how you look at things. Pwede mong tingnan ang negative side or pwede mong piliin ang good side. It's up to you. Pero kung magpapaligaya sa 'yo ang isang bagay, seize it right away. Baka kasi wala nang next time. Just live. Forget the rules, forget what other people think, forget the consequences of your actions. Just live, even if sometimes it doesn't make sense." Tumingala ito. "You should appreciate and enjoy these little things, Pearl. Kahit paminsan-minsan lang. Kailan ka ba huling naligo sa ulan, ha?"
"Bakit?"
Nagkibit-balikat ito at bumaling sa kanya. "Giniginaw ka?"
Niyakap niya ang sarili. "No," pagsisinungaling niya.
"Hmm... ikaw talaga, ang plastic mo. Ang liit mo pero napakataas ng pride mo." Sinimangutan niya ito. "Kita nang nangnginginig siya, ayaw pang umamin." He then casually placed his arms over her shoulders and pulled her closer to him. "Better?"
Tumango lang siya. Pasimple din niya itong niyakap sa baywang. Even better.
"Zed?"
Lumingon ito sa kanya. "Yes, babe?"
Ano na nga 'yong sasabihin niya? Pesteng mga mata 'yan, nakakadistract! "Nothing."
Kumunot ang noo nito. "Ayos ka lang ba?"
"Bakit?"
"Nothing din," he chuckled. "Kailangan ka lang palang paulanan para bumait ka sa 'kin."
"Mabait ako. Ikaw diyan ang malakas mang-aasar. Pinapainit mo lagi ang ulo ko."
She felt him kissed her head. "Hindi naman, ah. Ikaw lang naman diyan ang highblood sa 'kin. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa 'yo para maniwala sa 'kin," there was hint of frustration in his voice. "You still really hate me this much, huh?"
Hindi siya kumibo. Hindi niya kayang sagutin ang tanong nito at baka iba ang masabi niya. Mayamaya pa ay pinara ng binata ang papalit na jeep. Agad siya nitong sinakluban ng polo sa ulo at inalalayan pasakay. They sat on the left side of the jeep and Zedric was sitting on her right side. Nakapatong ang isang braso nito sa bintana sa likuran niya, making her safe and secure. Walang nagsalita sa kanila sa buong biyahe. Pero nararamdaman niya ang pag-amoy-amoy nito sa buhok niya.
Pumara na si Zedric nang makarating sa bahay niya pagkatapos magbayad. Inalalayan ulit siya nitong makababa ng jeep. Tumitila na ang ulan nang mga oras na 'yon kaya ang kamay nalang nito ipinatong sa ulo niya. When they reached her house, he opened the door for her.
"Salamat sa paghatid at pagsama sa 'kin ngayon araw," she said sincerely.
Natigilan ng bahagya si Zedric pero mayamaya pa ay gumuhit ang isang napakagandang ngiti sa labi nito. "It's my pleasure. Besides, I've been dying to be with you all the time since we met again." He tucked few strands of her hair behind her ear and quickly kissed her on the cheeks.
"Hoy, tsansing."
But he just chuckled. "I'll be going. See you tomorrow, Pearl."
Nakatalikod na ito nang tawagin niya. "G-gusto mong magkape muna?"
His face lit up. "Pwede?"
Bigla namang nabahag ang buntot niya. "Syempre, hindi. Umuwi ka na nga bago ka pa abutan ng mas malakas na ulan sa daan."
"Paasa!" natatawang ani Zedric. "Sige, aalis na ako. Giniginaw na rin naman kasi ako. Maligo ka rin pala para hindi ka magkasakit."
"Ikaw rin..." sumimangot siya. Ang bait yata niya ngayon? Dahil ba iyon sa ulan? "Ingat ka!" sigaw niya bago sinara nang malakas ang pinto saka nagmartsa patungo sa banyo. Malakas pa siyang napamura nang tumama ang kanyang hinliliit sa paa sa center table. Iika-ika tuloy siyang naglakad.
Ayan, sige, lumandi ka pa!
BINABASA MO ANG
It's Only Love (Complete)
RomanceThis is an edited version. Published under Precious Hearts Romances last 2015. Enjoy reading! Dimple ♡