"ANO, OKAY ka lang ba talaga?"
Tango lang uli ang isinagot ni Pearl sa paulit-ulit na tanong na iyon ni Zedric. Nasa tapat ng tindahan na sila ngayon. Nakaupo siya sa silya samantalang ang binata ay nakaluhod sa harap niya. He was still obviously worried about what happened earlier.
"Baka may masakit sa 'yo? Sabihin mo lang at nang madala na kita sa ospital."
She rolled her eyes. "Ang OA mo na, Zedric."
Napabuntong-hininga ito na tila biglang nawalan ng mabigat na dinadamdam. "Mabuti naman at nagsalita ka na. Akala ko hindi ka na makikipag-usap sa 'kin ng maayos."
"Zedric..."
"Hey, I was just worried, okay?" Tumitig pa ito sa kanya.
"Thank you."
"Ha?"
"Ang sabi ko, thank you. Bingi."
A satisfied yet shy smile formed on his lips. "You're welcome. And I'm sorry about what happened earlier."
"Oo nga. Ikaw kasi, ang kulit-kulit mo."
"Pearl, sigurado ka bang okay ka lang talaga?" Zedric asked worriedly again.
Binalingan ni Pearl ang binata. He stared at her. She stared back. Halatang hindi ito mapakali. Yep, he was worried alright. Sa hindi malamang dahilan, impit siyang napaiyak. Nataranta agad ito.
"Hala, babe. Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa 'yo?" Naramdaman niya ang pamilyar na yakap ni Zedric. "Babe, tahan na. You're safe now. I won't let you get hurt again," he said gently.
I won't let you get hurt again...
Hah! Gusto 'yong paniwalaan ni Pearl. Pero sa lahat ng nangyari sa kanila, she had already built trust issues to people around her, especially with this guy. Mabilis siyang lumayo dito saka hinampas ito sa dibdib. "Ikaw kasi, eh! Umagang-umaga nang-aasar ka! Tsinatsansingan mo pa ako! Paano nalang kung natuluyan ako, ha? O di kaya'y kailangan ko pang maospital at maghirap bago mamatay? Naku!" Nanggigigil na piningot niya ang tenga nito. "Mumultuhin talaga kita at hindi kita kailanman patatahimikin! Naiintidihan mo ako? Ha?"
Pero sa asar niya ay tumawa lang ang damuho.
"Sige, tumawa ka pang kurimaw ka! Makakarma ka rin!"
Zedric stopped laughing and stared at her again. This time, his eyes were clouded with the emotion that were too familiar to her. Pinapakita ng mga mata nito ang pagmamahal nito sa kanya. "Babe, I told you before, poprotektahan kita. Hindi ko kailanman gugustuhin na saktan ka. O masaktan ka dahil ako ang unang masasaktan. Trust me when I say that I love you. At pangako, kahit na ano'ng mangyari ay hinding-hindi kita iiwan..."
Unti-unting kumunot ang noo Pearl. She knew he wasn't talking about the accident she nearly had a while ago. He was merely talking about their past! Ang kumag! Muntik na nga siyang mamaalam sa mundo, iyon pa rin ang iniisip nito! Hindi man lang ba ito nag-aalala sa kanya? Na kung tutuusin, kasalanan nito ang nangyari. What an insensitive man! Nang hindi pa rin ito tapos sa 'declamation piece' nito ay tumayo na siya.
"Oh, sa'n ka pupunta?"
"Sa Mars!"
Akala niya ay kukulitin pa siya nito, pero wala na siyang narinig. She just heard him talking to Aling Elsie, the owner of the store.
"Kumusta, Zed? Wala pa rin?"
"Wala pa rin po."
"Daig mo pa ang pinagbagsakan ka ng kalawakan, ah. Susuko ka na ba?"
BINABASA MO ANG
It's Only Love (Complete)
RomanceThis is an edited version. Published under Precious Hearts Romances last 2015. Enjoy reading! Dimple ♡